Chapter 45

3.8K 129 44
                                    

#TPMisfit45

BELLE

"Narito ako..." Bigla ay narinig ko ang pamilyar na boses na 'yon ni Donny kaya nagulat ako! "Sa likod mo." Aniya pa.

Paglingon ko ay ayon nga siya sa at nakatayo ilang dipa lang ang layo mula sa akin. Nakasuot ng jeans at black shirt pero katulad noon ay gwapong gwapo pa rin tignan. Pero ang nakakapagtaka ay wala man lang siyang dalang maleta... At hindi naman siya mukhang paalis ng bansa!

Inis akong naglakad palapit at agad na hinampas ang dibdib niya.

"Gago ka!" Sigaw ko at patuloy na hinampas ang dibdib niya. Nahuli niya ang palapulsuhan ko at pinigilan 'yon. "Ano 'to? Lokohan? Prank? Gago!" Sunod sunod na sabi ko at natawa naman siya.

"If this is the only way to get you to talk to me, then I'd do it all over again."

Sinubukan kong bawiin ang mga kamay ko mula sa hawak niya pero humigpit lang lalo ang hawak niya rito at inilapit sa dibdib niya.

"Mahal kita." Sabi niya.

"Wala akong pakialam." Sabi ko. "Bitawan mo 'ko!"

"Kung wala kang pakialam, ba't ka umiiyak?" Tanong niya, nakangisi. "Kung wala kang pakialam, ba't mo 'ko sinundan rito?"

Natigilan ako at hindi nakapagsalita.

"Narinig ko ang lahat ng sinabi mo." Sabi niya. "Na mahal mo ako. Kailangan mo ako. At hindi mo kaya ng wala ako. Lahat 'yon... Narinig ko."

"Binabawi ko na!"

Ngumisi siya and I felt him rub his fingers on my hand. It felt warm... and it soothed my heart to know that he's here.

"Wala ng bawian." Sabi niya, nakangisi pa rin. "Akin ka na ulit."

"Sino bang may sabi sa'yong nawala ako?" Inis na sabi ko. Nagulat siya at lumuwag ang pagkakahawak kaya nagkaroon ako ng chance para kumawala. "Boplaks!" Sabi ko pa at hinampas ang braso niya.

"Anong sabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Na hindi naman talaga ako nawala!" Ulit ko. "Ikaw lang naman 'tong nangiwan." Umirap ako. "Nagpapahabol lang ako dahil gusto kong maramdaman na gusto mo pa rin talaga ako. Na mahal mo pa rin ako!"

"Kailan ba kita natiis?" Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. "Kahit kailan, hindi kita kayang pakawalan. Ikaw... Ikaw ang bumubo sa lahat ng kulang sa buhay ko."

"Natiis mo ako ng tatlong buwan!" Sumbat ko, naiiyak na rin. "Hindi mo 'ko kinausap!"

"Pa'no kita makakausap, eh nagdeactivate ka ng facebook at binlock mo pa ang number ko sa cellphone mo." Sabi niya at napaisip naman ako.

Oo nga pala....

"At kung kaya kitang tiisin, wala sana ako sa harap mo ngayon. Hindi kita hahabulin at hindi ko iaalay ang buong puso ko sa'yo."

"Ewan sa'yo!" Sabi ko, nagpupunas ng luha. "Gago ka kasi!"

"Bakit nanaman?" Natawa siya.

"Akala ko ayaw mo na talaga sa'kin!" Parang batang maktol ko.

"Pwede ba naman 'yon?" Malambing na tanong niya at hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya. "You'll always be the love of my life. And it'll remain that way for the rest of our lives. Ikaw lang... Wala ng iba." Sabi niya pa. "Mahal kita." Idinikit niya ang noo niya sa noo ko at hinalikan ang tungki ng ilong ko. "Mahal na mahal kita." Dagdag niya.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon