Chapter 27

4K 159 517
                                    

#TPMisfit27

Author's note: Towards the end of this chapter, please listen to "It's You" by Henry. I already attached it here, just not sure if it's working for you guys. Hahaha. Pero that's what I listened to while working on this chapter ❤️

Enjoy! ❤️

BELLE

Panay ang scroll ko sa facebook habang naghihintay sa labas ng room nila Hannah. Nagchat kasi siya kanina na may kailangan daw siyang sabihin sa'kin kaya magkita kami ng lunch.

Doon ako tumambay sa may kubo sa tapat ng room nila. Hindi ko mapigilan ang mapailing sa mga comments na nababasa ko doon sa pinost ni Donny.

❤️ You and 1.4K others

Kumunot ang noo ko sa gulat. Grabe, ang dami naman yatang reactors nito? Famous!

Robi Domingo
UMALIS KAYO SA TIMELINE KO. DI AKO NATUTUWA, MASYADO KAYONG MATAMIS!!!

Gello Marquez
Edi sana ol may ka-late night talks.

Robi Domingo
Ashley Ay oh. Nagpaparinig si Gello.
Late night talks daw.

Gello Marquez
Oy gagi! Burahin mo yan!

Ashley Del Mundo
What.

Robi Domingo
What-awat.

Rhys Eugenio
Wow. Just flexing what's his 😂

Kaori Oinuma
Proud yarn, Donny?!?! 😂

Ashley Del Mundo
So cute! More photos please! We need more of these in our timelines ❤️

Hannah Pangilinan
OMG. ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

Ella Pangilinan
My babies!!! 😘

Marami pang mga ibang nagcomment na hindi ko na kilala. Puro heart at ang iba naman ay parang nagulat pa na pinost ako ni Donny. May iba rin siyang family members na nagcocomment at nangangamusta. Imbes na magreply ay nilike ko na lang ang ibang comments na nakamention ako.

Ganon lang ang ginagawa ko hanggang sa makakuha ako ng notification mula sa pamilyar na pangalan.

Harvey Bautista sent you a friend request.

Kumunot ang noo ko at pinindot ang profile niya. Pero bukod sa profile picture niya na nakatalikod ay wala na siyang ibang picture. Naka private pa ang account kaya walang masyadong makita ron.

Napailing na lang ako at hindi na pinansin ang friend request niya. 'Di naman kami close.

"Belle!" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Hannah. Patakbo siyang lumapit kaya hindi na ako nakatayo para salubungin siya.

Naupo naman siya agad sa tapat ko. Pinagigitnaan lang kami ngayon ng bamboo table. Doon niya inilagay ang wallet at phone na hawak.

"Sorry! Our geometry teacher went overtime." Pagpapaliwanag niya. "Kanina ka pa ba?"

Umiling ako. "Hindi naman." Sagot ko. "Ano nga palang paguusapan natin?"

"Yong date niyo ni Kuya bukas."

Gulat ko siyang tinignan.

"Sinabi niya sa'yo?"

Ngumiti siya. "I kind of helped him with that."

Kumunot ang noo. "'Yang Kuya mo talaga ang daming pakulo."

Natawa siya. "Well, you haven't seen anything yet." Bumuntonghininga siya at ngumiti. "And my brother just really likes you."

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon