Chapter 9

3.5K 139 119
                                    

DONNY


"SIGURADO ka ba?" Pang ilang tanong ko na yata sa kanya simula nang sumakay kami sa sasakyan.

Hannah was outside, trying to book us a restaurant. Tumawag na rin siya sa bahay para ipaasikaso si Solana para madaanan na muna namin.

"Makakatanggi ba naman ako sa kapatid mo?" Inis na sabi ni Belle.

"Thank you." Ngumiti ako pero inirapan niya lang ako. Natawa ako. "Nagtataray ka nanaman?"

"Eh pano, chansing ka!"

"Anong chansing?"

"Nakalimutan mo ba ang lahat ng napagkasunduan natin?" Singhal niya pa. "Nilabag mo lahat 'yon!"

Kumunot ang noo ko at napaisip.

"Anong lahat? Dalawa lang." Sabi ko pero lalong sumama ang tingin niya.

"Edi alam mo ngang may nilabag ka?" Singhal niya.

"What did you want me to do then? Kahit sino mang makakita sa'tin doon kanina ay iisipin na sasapakin mo ako—"

"Dahil iyon naman talaga ang gagawin ko!"

"Kung hindi lang ang kapatid ko ang makakakita, magpapasapak ako sa'yo." Seryosong sabi ko. "Wala siyang alam sa usapan natin at kung nagkataong nakita niya tayo sa ganong position, hindi na siya maniniwala sa'tin." Sabi ko at natahimik naman siya kahit pa masama pa rin ang tingin.

"Chansing pa rin."

"Ikaw nga nanguna eh." Bulong ko pero mukhang narinig niya dahil tinaasan niya ako ng kilay.

"Ano?"

"Oh bakit?" Natatawang sabi ko, "Kundi lang kita kilala, iisipin kong hahalikan mo ako sa sobrang lapit mo sa'kin eh."

"Kamao ko ang ipapahalik ko sayo, gago."

"Anong kamao?"

"Ito." Sabi niya na itinaas pa ang kamay at akmang sasapakin na nga sana ako nang biglang pumasok si Hannah.

"Hey—"

"Ito oh? May dumi ka sa mukha." Bigla ay huminahon ang boses niya. Kasabay non ay umasta siyang parang may inalis sa pisngi ko. At nang sandaling tumalikod si Hannah para ayusin ang gamit niya ay mariin niyang kinurot ang pisngi ko sa inis.

Pero imbes na masaktan ay mas natawa pa ako sa hitsura niya dahil kahit anong hinahon ng boses niya ay hindi pa rin tunog malambing 'yon.

"Bwisit." Bulong niya pero rinig na rinig ko.

"I booked us a restaurant na, Kuya. Daanan na lang muna natin si Solana before we go." Sabi niya atsaka nakangiting nilingon si Belle, "She really wants to meet you."

Nakita ko naman kung paano mailang si Belle kaya kinurot ko ang pisngi niya para mawala ang atensyon niya roon. Sinamaan niya lang ako ng tingin at inirapan. Sigurado akong kung wala lang ang kapatid ko dito ay kanina niya pa ako nasapak.

Natawa ako.

"What do you want to eat, love?" Tanong ko. Ganon na lang kabilis akong nilingon ni Belle. She wasn't glaring at me, pero napakatalas ng tingin niya na parang kaya akong patayin non.

"Love?" Nalilitong tanong niya, but it sounded like she was calling me.

"Yes, love?" Ngumisi ako at doon na sumama ang tingin niya.

"Tara na." Pilit ang ngiting aniya atsaka pasimple akong siniringan. "Bago ka pa samain sa'kin." Bulong niya, sapat lang para marinig ko.




"Kuya!" Bati kaagad ni Solana nang makasakay sa sasakyan. Sa likod siya sumakay katabi ni Hannah, but she reached out to kiss my cheek.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon