Chapter 37

3.2K 119 172
                                    

#TPMisfit37


BELLE

Hawak ang papel ay tahimik ko ulit na binasa 'yon. Dugo pa ang gamit na pansulat kaya lalong nakakakilabot. Hindi ko maisip kung sino ang pwedeng magpadala nito sa'kin, kung anong dahilan at pakay niya.

Was it someone from my past? May kinalaman ba 'to sa pagkawala ng mga alaala ko? Is that person coming after me for wanting to find out about my past? Ano bang meron sa nakaraan ko para abutin ko 'to?

"Oh, tulala ka naman?" Pansin sa'kin ni Criza. "Napapadalas na 'yan ah?"

Ipinakita ko sa kanya ang papel na hawak ko at nagulat naman siya. Napatakip sa bibig at halos mapasigaw nang makita ang dugong pinansulat roon.

"Oh my God!" Malakas na sambit niya. "Ano 'yan? Saan galing? Sa'yo binigay?" Sunod sunod na tanong niya.

"Nahanap ko sa table ko kagabi." Sagot ko. "Hindi ko alam kung kanino galing."

"Sa table mo... Ibig sabihin, nakapasok sa bahay niyo? Pano nangyari 'yon?"

Napailing ako at lalong nataranta. "Hindi ko alam."

"At ano 'yan? Dugo ba 'yan? Oh my God! Kanino?" Takot na takot na tanong niya.

"Hindi ko alam." Sagot ko ulit. "Hindi ko na alam ang mga nangyayari... At kung bakit nangyayari 'to. Wala akong maisip na taong pwedeng gumawa nito."

"Hindi kaya parte ng nakaraan mo ang taong nasa likod niyan?" Tanong niya. "Hindi mo lang maalala?"

"Possible..." Sabi ko. "Pero anong dahilan kung bakit ayaw nila akong makaalala? Ano ba talagang meron sa nakaraan?"

"Hindi kaya nawawalang prinsesa ka teh?" Walang kwentang sabi niya at napairap naman ako. "O 'di kaya nawawalang anak ng presidente?"

"Walang kwenta ka talagang kausap." Inis na sabi ko pero seryoso pa rin talaga ang hitsura niya.

"'Yong totoo, may naaalala ka na noh?" Pandederetso niya sa'kin at natigilan naman ako. "Sinasabi ko na nga ba eh... Natatandaan mo na lahat?"

Umiling ako.

"Just the accident." Sagot ko. "Iyon lang ang natatandaan ko. At sa memorya ko, nabangga ang sinasakyan ko."

Kumunot ang noo niya. "Ano? Eh hindi ba plane crash ang aksidente?"

"'Yon lang naman ang sinabi sa'kin ni Mama." Sagot ko. "Pero iba ang naaalala ko."

Kinwento ko sa kanya ang naging panaginip ko. Pati na rin 'yong lalakeng nakita ko sa mall. Ang baril. Ang malaking truck at ang pagsabog.

Kinwento ko na rin sa kanya ang sinabi sa'kin ng doctor tungkol sa gamot na pinaiinom sa'kin. Lahat ng 'yon ay tinago ko sa kanya dahil ayokong pagisipan ng masama si Mama, pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang sarilihin pa. Masyadong mabigat.

Gulat na gulat niya akong tinignan.

"Jusko..." Bulalas niya. "Ibig mong sabihin, all this time... Nagsisinungaling sa'yo si Tita?"

"Ayokong isipin na ganon." Sabi ko.

"Anong ayaw mo?" Tanong niya. "Ayan na nga oh. Harap harapan ka nang niloloko! Kausapin mo na! Tanungin mo kung bakit nila ginagawa 'yan sa'yo!" Galit na talagang sabi niya.

"Kumalma ka nga." Awat ko sa kanya.

"Anong kakalma?" Asik niya. "Walang kakalma rito!" Malakas na sabi niya. "Isipin mo... 'Yong sarili mo pang pamilya ang nanlilinlang sa'yo! Niloloko ka nila!"

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon