Chapter 31

3.5K 149 347
                                    

#TPMisfit31

DONNY

"Kuya, si Mamu!" Narinig ko ang sigaw ni Hannah ilang minuto matapos umalis ni Belle.

Nagulat ako nang makita siyang nakahawak sa dibdib at parang hirap na hirap huminga! Dad rushed to her side and immediately called an ambulance habang ako naman ay pinakakalma si Mommy na ngayon ay wala ng ibang ginawa kung hindi ang umiyak.

"Aren't you curious kung bakit minamadali ng lola mo ang pagpapakasal mo?" Belle's mom started again. "It's because she's dying."

"Manahimik ka na!" Sigaw ni Mom pero tumawa lang si Tita Bea.

"Why?" Ngumisi siya. "Isn't that the truth? She's dying, and she needs someone to take over the company. Your Dad can't because he already has his own... The eldest daughter is also too weak to be a successor." Pagpaparinig niya kay Ate Ella na napayuko sa kahihiyan. "Which leaves you as the only option."

Natahimik ako at napatingin kay Mamu na bagaman kalmado na ay hinihingal pa ring nakayuko. She looked guilty, which confirmed the questions I had in my head — that this was all part of her plan.

"But don't you think choosing someone, like my daughter, as your future wife is too out of the ordinary... For someone as meticulous as your grandmother?" Malaman na sabi ni Tita Bea. "Did you ever wonder why?" Ngumisi siya. "Hindi mo ba gustong alamin kung bakit pabor na pabor ang lola mo sa anak ko?"

Lalo akong hindi nakapagsalita at hindi malaman kung ano ang isasagot.

"It's because she knows." She said. "Matagal na niyang alam." Dagdag niya. "At pinapaburan lang niya kayo dahil alam niyang mawawalan ng pagasa ang relasyon ni Mike at ni Maricel, kapag kayo ni Belle ang nagkatuluyan."

Gulat akong napatingin kay Mamu na ngayon ay tanging hikbi na lang ang naisagot sa'kin. Hindi ko na kailangang itanong because her emotions and reactions already gave her away.

"I'm so sorry, Apo! I just want what's best for the family!" Umiiyak na sabi pa ni Mamu. She looked like she was reqdy to kneel down for forgiveness. "Ayoko lang masira ang pamilya natin—"

"And you did that by what?" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin. "By using another person? How cruel are you?" Hindi makapaniwalang tanong ko at napayuko lang siya. Nilingon ko si Dad na ngayon ay hindi na makatingin sa'kin. "Dad, did you know about this?" Tanong ko kahit alam ko naman na ana sagot.

Nong gabing narinig ko siyang may kausap sa cellphone, sigurado na akong si Tita Bea ang kausap niya. Everything that happened today confirmed all of my thoughts. At ang sakit isipin na mismong pamilya ng babaeng mahal ko ang sumisira sa pamilya ko.

"I just wanted to protect you." Tanging naisagot ni Dad.

"At what cost?" I asked, frustrated. Hindi na siya nakasagot.

"Ma'am!" Sabay sabay kaming napalingon nang mangibabaw ang malakas na sigaw ng isang babae. Nang lumingon ako kay nakilala ko siya bilang katulong nila Belle. "Ma'am!" Tawag niya pa ulit, kay Tita Bea nakatingin.

"Weng?" Takang tanong ni Tita. "Ano 'yon? Anong nangyari?" Gulat na tanong niya pa nang makita ang ayos nito.

"S-si Ma'am Belle po..." Hindi niya matuloy ang sasabihin kaya kumunot ang noo ko.

"Anong nangyari kay Belle?" Tanong ng Daddy ni Belle.

"S-sinundan ko ho kasi siya nong tumkabo siya paalis. Pero huli na po ang lahat nang makalabas ako." Panimula niya at doon kumabog ng malakas ang dibdib ko. "Nakasakay na ho siya sa hindi pamilyar na sasakyan. Naisip ko po sanang mag taxi para masundan pa siya pero...." Nagsimula na siyang umiyak kaya natahimik ang lahat.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon