Chapter 25

4.3K 121 358
                                    

#TPMisfit25

BELLE

"Ma'am, nasa baba na po 'yong sundo niyo." Narining ko ang boses ni Ate Weng kinaumagahan ng Lunes.

Inaantok kong dinilat ang isa kong mata para tignan siya. Matapos non ay nilingon ko ang orasan at nakitang 5:45 AM pa lang naman.

"Maaga pa." Sabi ko at nagtaklob ulit ng kumot.

"Eh nandyan na kasi 'yong sundo mo, Ma'am."

"Sundo?" Kumunot ang noo ko. "Sino namang susundo sa'kin ng gan'tong oras?"

"'Yong boyfriend niyo po."

Biglang bumundol ang kaba sa dibdib ko at agad akong napabangon. Halos mahulog pa ako sa kama sa sobrang pagkagulat. Maging si Ate Weng ay nagulat sa ikinilos ko at pigil ang ngiting pinanood akong mataranta.

"Anong hitsura, Ate?" Tanong ko. Hindi talaga ako makapaniwala na magagawa akong sunduin ni Donny ng ganito kaaga.

"Matangkad, Ma'am! Tapos napakagwapo!" Kinikilig pang aniya.

Si Donny nga.

"Ano naman kayang ginagawa ng mokong na 'yon dito ng gan'to kaaga?" Bulong ko sa sarili.

"Kakain raw po kayo ng fastbreak sa labas."

"Fastbreak?" Litong tanong ko.

"'Yong umagahan, Ma'am."

Bumuntonghininga ako at napailing.

"Breakfast 'yon, Ate." Pagtatama ko.

"Panay kasi ang Ingles, Ma'am. 'Yong ibang sinasabi, hindi ko na masundan. Basta ang sabi niya kakain raw muna kayo ng fastbreak bago pumasok."

"Breakfast nga 'yon, Ate." Pagtatama ko ulit.

"Breakfast nga, Ma'am."

Hinilot ko ang sentido ko at napailing na lang. Naisip ko tuloy bigla si Mommy at ang mga sinabi niya nong isang araw.

"Si Mommy?" Tanong ko.

"Maaga hong umalis eh. Kanina pa pong mga 3."

"Si Dad?"

"Hindi po umuwi." Halos ibulong niya 'yon.

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"H-hindi ko ho alam eh. Pero kahapon po nagaway nanaman sila ng Mommy mo. Pagkatapos non, umalis ang Daddy mo at hindi na umuwi."

"Doon nanaman ba sa babae niya pumunta?" Hindi ko na napigilan ang inis.

Hindi ko na masyadong nakikita si Dad sa bahay. 'Pag nakikita ko naman ay tahimik lang siya at palaging nagtatrabaho. Pero madalas talagang wala sa bahay. Mas madalas ko pa ngang makita si Mommy ngayon kahit pa palagi ring busy sa trabaho.

Which is very unsual... Considering the nature of my Mom's work. Dahil artista, her schedule is unpredictable. Pero ngayon ay siya pa ang lagi kong nakikita kumpara kay Dad.

Hindi ko tuloy mapigilang maisip na babae nanaman ang inaatupag ni Dad.

"Sige na, Ate. Pwede ka na lumabas. Maliligo na ako." Iyon na lang ang nasabi ko bago bumangon at naglakad papasok ng banyo.

Hindi ko na tinagalan ang pagligo at pagbihis. Matapos maligo ay nagsuklay lang ako saglit bago kinuha ang bag at lumabas ng kwarto.

Balak ko sanang singhalan si Donny paglabas ko. Gusto ko sana siyang pagsabihan na mauna na at hindi na ako kakain kasabay niya. Pero nang makita ko ang ayos niya ay parang natunaw ang lahat ng inis sa sistema ko.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon