Chapter 8

3.3K 134 55
                                    

BELLE

"WHERE have you been?" Salubong sa'kin ni Mommy nang makapasok ako ng bahay.

Gabing gabi na nang ihatid ako ni Donny. Ang totoo ay parehas naming hindi namalayan ang oras. Hindi naman kami naguusap, pero talagang nalibang kami sa pagtanaw sa kalawakan. Kung wala lang pasok bukas ay baka mas pinili kong roon na lang muna magpalipas ng gabi.

"Out." Tipid na sagot ko at dederetso na sana paakyat nang mapansin ko si Daddy na kalalabas lang galing sa dining area.

"I went to your school para sana sunduin ka because your Dad just came home from Singapore." Sabi ni Mommy nang makita ang pagtataka sa hitsura ko.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa bag ko at pilit na pinakalma ang sarili. Hindi na ako nakapalag nang salubungin ako ni Dad ng yakap.

"San ka galing? Gabi na ah?" Tanong ni Dad. Si Mommy naman ay magkakrus ang mga brasong nakatingin sa'kin, nagaabang sa isasagot ko.

"Sa labas." Paguulit ko lang.

"With who?" Panguusisa ni Mommy.

"A friend."

Tumango lang siya.

"May nagdala ng sasakyan mo rito kanina. Kilala mo ba 'yon?"

"Malamang. Ipahahawak ko ba ron ang sasakyan ko kung 'di ko kilala?"

"Belle, tinatanong kita ng maayos. Hindi mo kailangang maging bastos." Malumanay, pero bakas ang inis na sabi ni Mommy.

"Bastos nanaman." Natawa ako.

"Anak." Saway na sa'kin ni Papa kaya inis ko siyang nilingon.

"Seriously?" Tumaas ang kilay ko.

"Respect your mom."

Roon na kumawala ang mapait kong tawa.

"Wow, Dad. Coming from you?" Sarkastiko kong tanong at nagugulat naman nila akong tinignan. "What do you know about respect, Dad?"

"Belle?" Bakas na ang galit sa tono ni Daddy. Si Mommy naman ay biglang natahimik.

"Pagod ako." Tipid na sagot ko atsaka hinarap si Mommy. "Next time, please don't go to my school. I don't want the whole school body to know that I'm your daughter." Sabi ko at lalo siyang natigilan. "My life is chaotic enough... I don't need any more trouble." Iyon lang at umuna na ako.

I went in for a cold shower as soon as I went in my room. Okay na ako kanina, pero nang makita sila ay parang nanumbalik ang sama ng loob ko. I really can't wait to graduate and get out of this hell hole.

Nang matapos ay kinuha ko mula sa study table ang sleeping pills na palagi kong iniinom. I badly needed one... especially for today.

Pero bago ko pa man abutin iyon ay nakita kong umilaw ang phone ko. It was a message from Donny.

Donny: You ok?

Nakauwi na pala siya.

Naupo ako sa higaan ko at nagtipa ng sagot.

Belle: Tingin mo?

Donny: Nope.

Belle: Alam mo naman pala eh. Nagtatanong ka pa.

Donny: Takas ulit tayo?

Bahagya akong natawa kasabay ng pagiling.

Belle: Loko. Kakauwi ko lang.

Donny: Pwede naman kitang sunduin ulit.

Belle: Wag na. Okay lang ako.

Donny: Sure?

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon