Chapter 29

3.1K 111 368
                                    

#TPMisfit29


DONNY

"Oh? 'Di mo dadaanan si Belle sa room nila?" Tanong ni Gello nang makitang sumabay ako sa kanila papuntang parking lot.

Umiling ako.

"Dito ko na lang raw hintayin." Bagot na sabi ko.

Kung ako talaga ang tatungin, gusto ko siyang sunduin sa room nila. She's so used to taking care of herself that it makes me want to look out for her more. Her independence makes me want to take care of her more. Sa lahat ng pinagdadaanan niya, alam kong isa sa mga kailangan niya ay taong kaya siyang alagaan at suportahan.

And I want to be that person to her.

"I'm happy for you, bro." Nakangiting sabi ni Rhys at tinapik ang balikat ko. "At long last, you finally had the courage to let yourself love again."

Ngumiti ako. "She's it for me." Siguradong sigurado ako sa sinabi.

"I believe so."

"Englishan ang labanan!" Ayon na ang boses ni Gello kaya napailing ako. "Alam mo, Robi, talagang dumi lang tayo rito noh?"

"Luh? Ikaw lang 'yon. Idadamay mo pa ako." Balik ni Robi.

"Badtrip ka." Inis na sabi ni Gello dahil hindi nasakyan ni Robi ang trip niya. "Mauuna na ako." Paalam niya sa'min ni Rhys at sabay naman kaming tumango.

"Ako rin." Sumunod si Robi. "Perks ng pagiging single ay nakakauwi ng maaga dahil wala namang hinihintay." Pagmamayabang niya pa. "Try niyo minsan!"


Natawa na lang kami ni Rhys habang pinapanood ang pagalis ng dalawa. Eksakto namang pagalis nila ay ang pagdating nila Kao at Ash. My brows immediately furrowed when I didn't see Belle with them.

"Si Belle?" Tanong ko kaagad nang makalapit sila. Hindi pa nakakatulong na kakaiba ang expressions sa mukha nila.

They exchanged worried looks before turning to face me.

"Nasa loob pa siya eh." Si Kaori ang sumagot.

"Ano pang ginagawa niya don?" I asked at nagkatinginan ulit sila.

"Uhh... Donny, kasi..." Hindi matuloy ni Kaori ang sasabihin kaya mas lalo akong nagtaka.

"Is she in trouble again?" Ayon talaga agad ang naisip ko.

"Sort of." Si Ashley na ang nagtuloy na agad namang siniko ni Kao. "He needs to know, Kao."

"About what?" Takang tanong ko.

"She's talking to Chelsea right now."

Kumunot agad ang noo ko at parang hindi maintindihan ang ibig nilang sabihin.

"Talking to Chelsea? For what?" Naguguluhang tanong ko.

"H-hindi namin alam—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Kao at nagderederetso na lang papasok ulit ng campus.

My anger grew heavier by the minute. It was directed towards Chelsea. What was she up to now? Anong kailangan niya at pati si Belle ay guguluhin niya?

And there I found them in the hallway, just in front of Belle's classroom. Kahit likod niya ang nakaharap sa'kin ay alam ko na agad na si Chelsea 'yon. Meanwhile, I can clearly see Belle's expressions — it was a look of pain and hurt.

Maglalakad na sana ako papunta sa kanila nang biglang magsalita si Belle.

"Mahal ko na si Donny." Iyon ang sabi niya na nagpatigil sa'kin. "Hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Gusto kong kalimutan at mapapadali lang 'yon kung tutulungan kitang makipagbalikan sa kanya." Napakurap ako sa gulat. "Totoong sinasamantala ko lang ang pagiging malapit namin para makumbinsi ko siyang makipagayos sa'yo. Wala akong intensyong magtagal sa buhay niya. Wala akong intensyong gawing permanente ang pagmamahal ko sa kanya."

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon