Chapter 14

3.4K 130 357
                                    

BELLE

Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari. Narinig ko na lang nang magpaalam si Donny sa prof namin bago lumabas ng lab habang karga pa rin ako.

At nang makalayo na kami ay medyo kumalma na ako. Kaya naman unti-unti na ring bumulusok ang pagkapahiya sa dibdib ko. Bigla ay nahiya ako sa inasal ko kanina.

Maalala ko lang 'yong ginawa kong pagyakap kanina ay nahihiya na ako! Nakagat ko ang labi ko sa inis! Ano na lang iisipin ng mokong na 'to? Nakakaasar!

"I-ibaba mo na ako." Mahinang sabi ko dahil hanggang ngayon ay buhat niya pa rin ako habang naglalakad. Pinagtitinginan na kami ng mga tao at nakakahiya iyon.

Pero imbes na sumagot ay deretso lang siyang nakatingin sa dinadaanan na para bang walang narinig. Gusto ko sanang mainis sa ginagawa niya, pero mas lamang ang pagkapahiya ko dahil talagang pinagtitinginan na kami. Wala na tuloy akong nagawa kundi ang ibalot ang mga braso ko sa leeg niya para maitago ang mukha ko roon sa sobrang kahihiyan.

Nagulat pa ako nang bigla ay ibinaba niya na ako. Noon ko lang napansin kung nasaan kami — sa field, kung saan kami madalas tumambay na dalawa. He placed me on our spot at mataman akong tinitigan kaya bahgya naman akong nahiya.

"Ano?" Tanong ko, naiilang na talaga.

"Stay here." Utos niya kaya tiningala ko siya. Nanatili kasi siyang nakatayo habang ako naman ay nakaupo.

"Bakit? San ka pupunta?"

"I'll get you water." Sabi niya atsaka naglakad paalis bago pa man ako makapalag.

Desisyon talaga 'yong lalakeng 'yon eh. Pero salamat na rin dahil tinulungan niya ako. Buti na lang nandoon siya. Lagi na lang niya akong tinutulungan.

Nasapo ko naman ang noo ko. Nakakahiya talaga. Ba't naman kasi nabitawan niya pa? But either way, iyon naman talaga ang kahinaan ko noon pa. Ganoon pa rin naman ang mangyayari, nabitawan niya man or hindi. Nakakahiya lang talagang nakita halos lahat ng naroon kung paano ako mag-panic.

Tsk.

Halos iumpog ko ang ulo ko sa table na naroon. Pakiramdam ko ngayon ay ang hina hina ko. Nagiinit nanaman ang mga mata ko at nagbabadya nanaman ang pagbagsak ng mga luha. At maya maya lang ay ayun na naman ako at humihikbi na parang bata.

Natinag lang ako nang maramdamang may umupo sa tabi ko. Lumingon ako at hindi na nagulat nang makitang si Donny nga iyon. May hawak siyang bottled water at parang nagulat pa nang makitang umiiyak ako.

"Para sa'kin ba 'yan?" Tanong ko at inabot niya naman sa'kin 'yon kaya kinuha ko na rin. "Salamat." Sabi ko, pero sa sobrang panginginig pa rin ng kamay ko ay hindi ko man lang magawang buksan ang bottle.

Inis akong bumuntong hininga at padabog na lang iyong inilagay sa table — suko na talaga. Pero kinuha ulit 'yon ni Donny at siya na mismo ang nagbukas bago inabot ulit sa'kin. He looked so patient with me. Hindi ako makapaniwalang ganito siya samantalang kahapon ay halos isisi niya na sa'kin ang lahat.

Tahimik ko naman iyong kinuha at ininom bago muling sinara at inilapag sa table. Matapos non ay nagiwas ako ng tingin. Hindi bumibitaw ng titig si Donny at talagang nakakailang iyon para sa'kin.

Pero nagulat ako ng bigla ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. At bago pa man ako makapalag ay naramdaman ko nang gumalaw ang magkabilang thumb niya para punasan ang natitirang mga luha sa pisngi ko.

"Bati na tayo, hmm?" Sabi niya at mariing tinitigan ang mga mata ko.

Umirap ako at inis na hinampas ang pareho niyang kamay paalis.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon