Chapter 10

3.8K 142 179
                                    

BELLE


Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya nang makalabas na kami. Natigilan naman siya at gulat akong nilingon.

Aba, nagugulat pa?

"Why are you so hot headed today? The day literally just started." Bahagya pa siyang natawa.

"Nagtatanong ka pa?" Singhal ko.

"Oh? Kasalanan ko nanaman? What the hell did I do?" Talagang nagtataka pa siya!

Napamaang ako sa katangahan niya. "Dapat yata talaga idinidikit dyan sa noo mo 'yong written contract natin noh?" Kumunot ang noo niya, "Para 'di ka nakakalimot! Bwisit!" Singhal ko at tinalikuran siya.

Pero lalo lang akong nainis nang hindi makita ang sasakyan niya. Padabog ko siyang nilingon.

"Nasan na ba ang sasakyan mo?!"

Natawa siya. "Tsk tsk. Inuuna kasi ang init ng ulo."

Lakas....

"Sige. Sang mall ba? Doon na lang tayo magkita." Pikon na sabi ko at akmang babalik na sa loob ng bahay para gamitin na lang ang sariling sasakyan ko. Pero di pa man ako nakakalayo ay nahawakan niya na ako ulit sa braso.

Bahagya niya pa akong nahila kaya napadikit ako sa dibdib niya. Inis ko siyang tinulak na ikinagulat niya naman.

"Tabi!"

"Chill!" Itinaas niya pa ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Sa'kin ka na sumabay. My car's just right there." Tinuro niya pa iyon. "Let's go."

"Tsk."

"Tara na. Hindi ka pa kumakain, diba?"

"Hindi ako gutom."

"Hindi ko sinabing gutom ka." Sabi niya, "Ang sabi ko, hindi ka pa kumakain, kaya kakain tayo."

"Desisyon ka?"

Natatawa siyang umiling.

"Just follow me, before I hold your hand again." Nakangiting sabi niya bago ako tinalikuran at naglakad papunta sa sasakyan niya.





"Dapat talaga may multa kada labag sa contract eh." Sabi ko nang makapasok na kami sa sasakyan niya.

"Multa?"

"Multa. Bayad." Sabi ko.

Natawa siya, "Hindi na kailangan niyon."

"Anong hindi? Eh labag ka nga ng labag!"

"Magkano naman ang magiging multa?"

"100 kada lalabag ka!"

"Oh? Bakit ako lang?"

Tumaas ang kilay ko. "Hoy. Kahit kailan ay hindi ako lalabag sa kontrata."

"You never know..." panunuya niya kaya lalo akong nainis.

"Kapal. Oh, edi sige! Magbabayad rin ako kapag lumabag ako."

Tumango siya. Preskong presko ang pagkakangiti.

"Deal."

"Oh. Akin na." Sabi ko at inabot ang kamay ko sa kanya na ipinagtaka niya naman.

"Ano yan?"

"Kamay."

Nawala ang ngiti sa labi niya kaya gusto kong matawa.

"Ang ibig kong sabihin, anong gagawin ko dyan?"

"Ilapag mo na ang pera."

"Bakit? Hindi pa nga nagsisimula ah?"

"Anong hindi? Nakailang labag ka na ah?"

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon