Chapter 28

3.6K 117 345
                                    

#TPMisfit28

BELLE

"Anong nakain ni Donny at parang naging anino mo na yata?" Tanong ni Kao nang makalabas kami sa music room pagkatapos ng band practice.

Sinundan ko ang tinitignan niya at nakita si Donny na nakasandal sa posteng malapit lang sa music room. Nakapamulsa ang isa niyang kamay habang ang isa ay hawak ang cellphone. Sa hitsura niya ngayon ay parang kanina pa siya naghihintay at nililibang na lang ang sarili sa pagscroll sa phone.

Katulad ng dati ay wala nanaman siyang kamalay malay na pinagtitinginan siya ng mga babaeng dumadaan. Manghang mangha nanaman sila sa kagwapuhan ng boyfriend ko. Tsk.

Sorry, he's taken.

"Ganyan talaga 'pag patay na patay." Pagbibiro ko at natawa naman si Kaori.

Kaninang umaga pa kami magkasama ni Donny. Sinundo niya ako sa bahay at nag drive thru nanaman kami. Sa sasakyan na rin niya kami kumain bago niya ako hinatid sa room.

Bago kami maghiwalay kanina ay nasabi ko namang may band practice ako kaya baka mahuli ako sa lunch. Hindi ko naman akalaing hihintayin pala talaga niya akong matapos.

"Sana all hinihintay!" Pabirong sabi ni Kaori nang makalapit kami.

Agad namang umayos ng tayo si Donny at inilagay sa bulsa ang phone nang makita ako. Ngumiti siya at sinabayan na kami sa paglalakad.

"Hindi nakasama si Rhys dahil siya ang referee ni Gello at Robi don." Sabi ni Donny at natawa naman kami.

"Kanina ka pa?" Tanong ko.

"Ngayon ngayon lang rin." Sagot niya. "Gutom ka na ba?" Aniya at tumango naman ako. Nagulat naman ako nang bigla niya akong akbayan at halikan sa ulo.

"Hoy!" Suway ko sa kanya at tinulak palayo. Pero dahil mas malakas siya ay nahila niya pa lalo ako palapit. "Bawal yan!" Asik ko.

"Ang alin?" Maang maangang tanong niya.

"'Yong ginawa mo!"

"Ah... Ito?" Tanong niya at hinalikan ulit ang ulo ko. "Bawal ba?"

Nanlaki ang mata ko at buong lakas na siyang tinulak. Natawa naman si Kaori at napailing sa kapilyuhan ni Donny.

"Mapapatawag nanaman kayo sa dean's office niyan eh." Natatawang sabi ni Kao.

"Aba eh kasalanan nito!" Duro ko pa kay Donny na ngayon ay ngingiti ngiti pa ring nakatingin sa'kin.

"Ako, okay lang sa'king mapunta sa dean's office, basta kasama ko si Belle." Hirit pa niya kaya nainis na ako.

"Magisa ka!" Asik ko. "Dadamay mo pa ako." Sabi ko at nagpaumuna nang maglakad.

"Tignan mo 'to. Nagbibiro lang ako eh." Narinig kong sabi niya. "Babe!" Malakas na sigaw niya pa kaya nanlaki ang mata ko. Nagtinginan ang mga estudyante sa'kin at ang iba ay nangingiti pa. "Babe!" Tawag pa ulit ni Donny!

Sa inis at hiya ay tinakpan ko ang tenga ko at mabilis na tumakbo paalis don. Narinig ko pa ang tawanan nila Kaori at Donny.

Bwisit!

Buong lunch tuloy ay nakasimangot lang akong kumakain habang si Donny naman ay panay ang pacute! Nang matapos siyang kumain ay nagpangalumbaba pa at pinanood ako.

"Luh?" Ayun na ang mapangasar na tinig ni Robi. "Parang nagiba ang ihip ng hangin ah?" Takang sabi niya pa na nilingon si Donny na sa'kin pa rin nakatingin. "Hoy, Donato Antonio!" Tawag niya kay Donny na noon pa lang yata siya narinig.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon