Chapter 35

3.3K 126 180
                                    

#TPMisfit35





BELLE

Tulala akong tumingin sa mga bituin sa kisame ng kwarto ko nang gabi ring 'yon. Hindi ko malilimutan ang sakit na nakita ko sa mga mata ni Donny. Mahal na mahal niya talaga si Belle.

Naisip ko, kailan kaya ako makakaranas ng ganong klaseng pagmamahal? Mukhang pang habang buhay na ang kanila... Kundi lang siguro namatay si Belle.

Siguro napakabuti niyang tao para kunin siya ng maaga.

Naalala ko ang paraan ng pagtingin sa'kin ni Donny nang sandaling hingin niyang magpanggap ako bilang si Belle. Tingin 'yon ng sobra sobrang pagmamahal. Tingin ng nangungulila. Tingin ng humihingi ng kapatawaran.

Naisip ko tuloy kung sobra ba talaga ang hawig namin ni Belle para humingi siya ng ganong klaseng pabor? Nagulat rin ako pero sa huli ay napapayag niya ako dahil grabe ang sakit na dumaan sa mata niya. Naawa ako. Mukhang pinagkaitan talaga sila ng oras bago namatay si Belle.

At sa ilang sandaling nagpanggap akong si Belle ay naramdaman ko ng sobra ang pagmamahal ni Donny para sa kanya. Iyong mahal na walang katumbas. Totoong totoo. Purong purong pagmamahal.

Ganon ba talaga kasakit ang magmahal?

Pero kahit naman ganon ay halata namang sumaya siya sa piling ni Belle noon. Hindi naman siguro niya mamahalin ng ganon 'yon kung hindi siya nito napasaya.

Maraming rason para katakutan ang pagmamahal, pero kahit na ganon ay gusto ko pa rin. I want to have what they had. I want that kind of love. The kind that's unconditional. Iyong tipong ikaw pa rin ang pipiliin kahit wala ka na sa mundong 'to.

Nakatulugan ko tuloy ang sobrang pagiisip. Nagising na lang ako sa katok ni Mama para sa umagahan.

"Oh, inayos ko na ang pinatuyo mong shirt, panyo at jacket kagabi." Sabi sa'kin ni Mama sabay abot ng paper bag kung saan nakalagay ang mga 'yon. "Kanino ba 'yan? Masyadong malaki para sa'yo."

"Ah, wala. Pinahiram lang sa'kin." Simpleng sagot ko at hindi naman na siya nangusisa pa.

"Oo nga pala. May schedule ka ng check up ngayong Saturday." Sabi ni Mama at natahimik naman ako.

"What do I need the check up for?" Tanong ko. "Okay naman na ako, Ma. Hindi na rin sumasakit ang ulo ko." Pagsisinungaling ko.

"Minomonitor lang ng doctor kung regular mo bang naiinom ang gamot mo." Aniya pa na mas lalong nagpatigil sa'kin. "Iyon kasi ang makakatulong sa'yo para manumbalik ang mga alaala mo."

Kumunot ang noo ko at napaisip. Tuwing iniinom ko ang gamot na 'yon ay mas lalo akong hindi makaalala. It affects my memory so much na maging mga simpleng bagay ay nalilimutan ko na rin. Pero simula nang itigil ko 'yon ay doon pa lang nagsimulang manumbalik ang iba kong alaala. Hindi ganon kaklaro, pero kahit papaano ay meron.

"Iniinom mo ba 'yong gamot?" Tanong niya bigla.

Nagiwas ako ng tingin at ininuman ang kape ko bago sumagot.

"Opo." Pagsisinungaling ko.

"Mabuti kung ganon. Sumasakit pa ba ang ulo mo? Nananaginip ka pa ba ng kung anu ano?" Tanong niya pa.

"H-hindi na po." Pagsisinungaling ko ulit. "Alis na ako, Ma." Paalam ko na lang kaagad kahit hindi pa tapos kumain. Pagdating sa kondisyon ko ay iwas ako. Pakiramdam ko kasi may tinatago sila sa'kin at hirap na hirap akong tuklasin 'yon ng magisa.





The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon