Chapter 21

3.9K 160 334
                                    

DONNY

I leaned on the wall beside the bathroom door as I waited for Belle to finish dressing up. I quickly changed into a white beach polo and navy blue short while she was inside.

Napatingin ako sa relo ko nang mapansing parang ang tagal niya. She's been inside for almost 20 minutes now. Sinabi ko namang tatawagin ko na lang sila Kaori para tulungan siyang magbihis, but she insisted on doing it on her own. Ngayon tuloy ay hindi ko maisip kung paano siya nakakapagbihis with just one functioning foot.

Napangiti ako nang maisip kung gaano talaga katigas ang ulo niya. Injured na't lahat, inuuna pa rin ang pride. Natawa pa ako nang maalala ang hitsura niya kanina noong inasar ko siya tungkol sa halik. Dahil sa maputi niyang kutis ay halatang halata sa pagkapula ng mukha niya ang hiya.

I felt awkward because of that kiss, pero lumalakas talaga ang loob ko tuwing nakikita kong nahihiya siya. Dahil hindi naman siya ganon. Hindi siya madaling mapahiya at lalong hindi siya madaling mahiya. Kaya ang makita lang siyang nahihiya at naiilang ay nakakatuwa na para sa'kin.

Dahil... ako lang ang may kayang gawin 'yon.

Ngingiti ngiti pa ako sa naiisip nang biglang bumukas ang pintuan. Agad akong tumuwid ng tayo para alalayan siya pero natigilan ako nang makita ang ayos niya.

She was wearing a white v neck sleeveless strapped white maxi dress that streched just above her knees. The skirt of the dress was loose so it swayed every time she moves. Unlike earlier, she had her hair down this time. She wasn't wearing any make up pero lutang na lutang ang pamumula ng mga pisngi at labi niya.

I then smirked at the thought of us wearing the same color. Mukhang napansin niya rin 'yon dahil napatingin siya sa suot ko. Ngumisi ako at hinintay ang magiging reaksyon niya. Pero nabigo ako dahil imbes na magsalita ay nagiwas lang siya ng tingin at paika-ikang naglakad papunta sa sofa.

Agad ko namang hinawakan ang siko niya at inalalayan siya sa paglalakad. At nang makaupo na siya, I checked the white cloth that I wrapped her injured foot with. Maayos pa rin naman ang pagkakalagay non doon kaya nakahinga ako ng maluwag.

"You look good." I casually said, because it was the truth. Kahit ano naman yatang suot niya ay maganda siya. I just felt like saying it today.

Hindi gaya ng inaasahan ko ay hindi siya nagsalita. Katulad kanina ay nagiwas siya ng tingin at nagkunwaring abala sa paghahanap ng kung ano.

"What are you looking for?" Takang tanong ko.

"U-uh. Hinahanap ko lang 'yong..." nagisip pa siya saglit. "'Yong phone ko."

Kumunot naman ang noo ko at napatingin sa kamay niyang hawak ang cellphone niya.

"But you're already holding it..." Sabi ko at itinuro ang cellphone na nasa kamay niya.

Nagulat naman siya at agad na humigpit ang pagkakahawak sa phone niya. Nakita ko rin kung paanong unti-unting mamula ang pisngi niya.

"Ah, may isa pa akong phone. 'Yon ang hinahanap ko." Pagpapalusot niya pa. I bit my lip to stifle a laugh dahil sobrang cute niya. "Nasan na kaya 'yon?" Pagkukunwari niya pa.

"Are you sure na dinala mo 'yon?" I played along kahit alam ko namang nagpapanggap lang siya.

Napakurap siya at kunwaring nagisip.

"Ah, oo. Hindi ko nga yata nadala." Aniya, bigay na bigay kaya natawa na ako. "Anong nakakatawa?" Tanong niya kaya sumeryoso naman ako bigla.

"Wala. Ang cute mo kasi." Nangingiting sabi ko. Gusto ko nang kurutin ang pisngi niya kaso baka sapakin niya ako.

The Perfect Misfit (Perfect Duology Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon