J a m i e
Today is Saturday.
Inaya ako sa café ni Travis for some reason. Sabi niya, 'secret' na lang daw kung bakit dito kami pupunta ngayon. Clearly, it's not a date. I'm not open for dates. At hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa ba isasarado ang pintuan ko para sa iba. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa ba mamahalin si Xavier, kahit sobrang labo nang ibalik ang dati pa. Hindi ko naman maintindihan. 'Di ba mahal niya ako? At mahal ko rin siya. Pero bakit... Bakit hindi niya ako magawang ipaglaban? Bakit hindi siya mag-effort na ipakita sa aking gusto pa niya akong bawiin?
Simple lang: kasi ayaw na din niya. Kasi suko na din siya.
"TJ, pinagmadali mo ako! Nakalimutan ko tuloy 'yung wallet ko!" Nahiya kaagad ako sa pag-alalang wala pala akong nadalang pera!
"Hindi ka naman gagastos dito eh, ayos lang 'yan! Tara na, bilisan mo na," sabi niya habang hawak ang braso ko. Ano bang meron dito sa lalaking 'to? Tumakbo pa siya kaya't napilitan din akong tumakbo dahil hawak-hawak nga niya ang braso ko.
Nagmamadali niyang binuksan ang pintuan ng café.
At pagbukas non?
Hindi ko kayang akalaing totoo ang nakikita ko.
E m m a n u e l l e
"Oh my God, Jamie, you've grown!" Mangiyak-ngiyak na ako habang lumapit sa kanya para yumakap. "You became even prettier... I missed you."
Mukhang na-shock siya dahil naramdaman ko din ang mga luha niya sa balikat ko.
"Come, come! I have a table reserved for us." Kumalas na ako sa pagkakayakap, at nakita ang bahagyang pagngiti ni Jamie at may mga tumutulo pa ring luha. She's really in shock to see me.
Naglakad na ako at nag-cling sa lalaking kasama ko. "Jamie, by the way! This is Xavier, my future husband." Taas-noo kong ipinakilala sa kanila ang magmula pa lang mga bata ay crush na crush ko na. Anak nga pala siya ng business partner ni Dad, kaya ayun nagkasundo silang kami ang magpakasal balang araw – in simpler terms: arranged marriage.
"J-Jamie..." Napalingon ako sa kanila as I realized that they weren't following us. Nandun pa din sa may glass door sila Jamie, and Travis was trying to hold her hand.
Are they together?
"N-no, it's... It's fine. I'm... I'm fine, TJ." Pinunasan niya ang mga luha niya. Mukhang sobrang na-touch si Jamie sa pagkikita namin ah. Hanggang ngayon, 'di pa din siya maka-get over? She must have missed me too much!
"Elle... You never told me that Jamie was the 'best friend' you wanted me to meet." Napayuko si Xavier, at tumingin ako sa kanya, at pinisil ang mga pisngi nito.
"Aww, is there a problem baby? Sorry."
Napatingin siya kay Jamie na hindi pa din umuusad para maglakad, tapos sa akin, at napansin kong medyo teary-eyed na siya. Huh? Pati ba siya na-touch dahil nakita na niya ulit ako after... 3 years?
Man, why is it so awkward?!
"Guys! Come on, let's eat!" pag-aaya ko muli kila TJ at hinawakan na niya ang braso nito para sabayan siya sa paglalakad. Sa wakas, nakapunta na kami sa table na pina-reserve ko para sa aming apat.
Tahimik lang silang tatlo. What's going on? Bakit parang ang weird ng atmosphere?
Noong nilapag ng waitress ang mga slices of cake at ang milkshakes, at noong nagsimula na kaming kumain, saka lang nagkaroon ng ingay. Ang mga tinidor na tumatama sa plato, at ang mga pagsipsip mula sa straws ng milkshakes.
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...