J e n
Bilang isang asawa at isang ina na nasasaktan, bakit parang wala akong magawa?
Hanggang ngayon hindi ko pa din kayang kalabanin si Vio, kahit ilang beses na niya akong paulit-ulit na sinasaktan. Noong buntis pa lamang ako noon kay Xavier ay napag-alaman kong may ibang babae si Vio. Sobrang sakit para sa aking malaman na kahit ibinigay ko na ang lahat-lahat para sa kanya, nagawa niya pa ring magtaksil sa akin, at lalo na sa anak namin. Sobrang sakit malaman ang katotohanan ngayon, at sobrang sakit malamang hindi lang ako ang kailangan masaktan kundi pati na rin ang parehas kong mga anak, lalong-lalo na si Xavier.
Magmula nang mabiyayaan ako ng mga anak, sa kanila na umikot ang mundo ko. Pinahalagahan ko sila at sobra kong minahal ang mga anak ko, kahit lamok ay hindi ko hinayaang makadapo sa kanila. Ganun ako ka-overprotective sa kanila dahil higit sa lahat, ayaw ko silang masaktan. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.
Madami na akong napagdaanan sa buhay. Madami nang pasakit ang nagawa kong makayanan. Madami nang napatunayan ang pagmamahal ko para kay Vio, ang ama ng tatlong anak ko. Kahit gaano kahirap ay nairaos ko ang pag-ibig ko para sa kanya, at nalagpasan namin ang lahat. Naghiwalay man kami noong bata pa lamang sila Reeve at Xavier ay nagkabalikan kaming muli, at binigay si Paris sa amin ng Diyos. Naging buo at masayang muli ang pamilya namin, at iyon ang mga araw na sobra kong ipinagpapasalamat. Hindi ko maipapahayag sa mga salita kung gaano ako kasaya noong mga panahong iyon.
Hanggang sa dumating ang araw na nag-iba ang lahat.
Umamin si Reeve na buntis siya at ang best friend ni Xavier ang ama ng dinadala niya. Sobrang sakit para sa akin 'yun, dahil hindi na malinaw sa akin ang kinabukasan niya noon. Higit sa lahat, sobrang sakit para sa akin dahil natakot ako, natakot akong baka mas mahirap pa ang pagdaanan niya kaysa sa mga pinagdaanan ko. Natakot akong baka masaktan si Reeve, natakot akong baka hindi niya kayanin.
At tama nga ako, dahil hindi niya kinaya ang sakit.
Nandoon ako noong araw na muntikan na siyang mamatay.
"Reeve, anak!"
"Ma... Mama..." Tumakbo ako papunta sa kanya at hinablot sa kanya ang matulis na bagay na hawak niya. Balak niyang patayin ang sanggol na dinadala niya. Noong nakita ko iyon, umiyak na ako.
"Reeve, ano ba 'to? 'Wag mong gawin 'to... 'Wag mong idamay ang bata. 'Wag mong idamay ang apo ko."
"Mama, ang sakit... Ang sakit sakit malamang magkakaroon na nga kami ng anak, pero hindi niya pa rin ako magawang mahalin," humagulgol si Reeve, na lalong nagpahina sa mahina ko nang loob.
Sinubukan kong magpakatatag, para sa kanya, at para sa magiging apo ko. Wala silang ibang mapagkukuhanan ng lakas ng loob, kundi sa'kin, at sa'kin lang.
"Anak, tama na 'yan... Halika na, umuwi na tayo. Please anak..." Niyakap ko lang siya at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik. "Anak, 'wag kang mag-alala... Lumaki man siyang walang ama, pupunuan natin ang lahat ng kulang niya."
"Mama, mahal ko po si Keith... Kailangan ko siya..."
"Oo, kailangan mo siya. Pero sa ngayon, mas kailangan ka ng anak mo."
Kung hindi ako nakarating 'dun, minsan iniisip ko paano kaya kung natuloy ang tangka niyang pagpapakamatay? Hindi lang isa ang nawala sa amin kundi dalawa, siya at si Evan Kenneth... Ang apo ko.
Labag sa kalooban ni Vio ang pagdadalang-tao ni Reeve, ito ang pinagmulan ng galit na hanggang ngayon ay nananaig sa kanyang puso. Higit sa lahat, si Xavier ang umaako ng lahat ng pasakit. Pinili niyang magpagamit sa kanyang ama dahil alam niyang ito ang paraan para baka sakaling matanggap ni Vio ang lahat. Paghihiganti ang naisip ni Vio na paraan. Paghihiganti, na lalong nagpalala ng lahat.
Magmula ng araw na muntikan nang magpakamatay si Reeve, ipinalabas naming patay na siya. Sa lahat, maging sa dalawa niyang kapatid. Hindi nalaman ni Xavier na nabuhay pa ng ilang buwan ang ate niya, hanggang sa totoong nabawian ng buhay si Reeve. Nangyari ito pagkatapos maisilang sa mundo si Evan. Sobrang sama ng loob ko noon, I even asked God why he let these things happen to us, pero alam kong may dahilan ang lahat ng ito. Iyon ang pagsubok na pinaka-nahirapan akong malagpasan — ang pagkawala ng sarili kong anak. Pero nagpapasalamat na din ako at kahit ganun man ang nangyari, may iniwan pa din si Reeve sa akin, sa amin...
"Ma'am," pagtawag sa'kin ng yaya na tagapag-alaga ng apo ko.
"Si Baby Evan?"
"Nasa crib po niya Ma'am, naglalaro po."
Ito ang dating unit ni Reeve. Dito ko rin itinago si Baby Evan sa kanilang lahat. Walang ibang nakakaalam, kundi ako lang. Si Vio man, hindi niya alam na nabuhay at naririto ang aming unang apo. Ipinalabas kong namatay din ang bata bago pa man siya maisilang sa mundo. Ginawa ko ito dahil alam kong mas makabubuti ito, para kay Baby Evan, at para sa amin. Mabigat sa loob ni Vio ang maagang pagbubuntis ni Reeve. Alam kong hindi niya magagawang tanggapin ang batang naging bunga ng pagmamahalan nila Keith at Reeve.
Pero ako, tanggap ko. Tanggap ko si Baby Evan ng buong-buo.
And to have Evan Kenneth is more than enough for me.
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...