X a v i e r
Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong madalas nakatulala lamang si Mama. For whatever reason I don't know of. 'Di ko alam ang dahilan pero malakas ang kutob ko na kung ano mang dahilan 'yun, dapat ay malaman ko kaagad. Kailangan ni Mama ng karamay. Hindi siya pwedeng ma-stress. 'Yun ang lagi namin dapat isaalang-alang, sabi ni Tito, ang doktor ni Mama. Mahirap na daw ang sitwasyon dahil maaaring isang atake na lang, bumigay na si Mama.
"Anak, may pupuntahan lang ako saglit ha." Ni hindi niya ako tiningnan man lang kahit sulyap. Basta para bang malalim ang iniisip niya. "I'll be back before 9," dagdag pa niya habang lumalabas siya ng pinto.
Maybe I should go after her. Kailangan kong malaman kung ano ang bumabagabag sa kanya.
So I did. Patago akong lumabas ng bahay, sa likuran ako dumaan para hindi ako mahalata. Hindi ako dumiretso sa garahe dahil hindi ko rin naman pwedeng gamitin ang kotse ko dahil makikita ako ni Mama. Mabuti na lang at natyempuhan ko ang isang taxi na dumaan, pagkaalis pa lang ni Mama.
"Manong, pakisundan na lang po 'yung pulang kotse." Tumango ang driver, at saka niya medyo binilisan ang takbo ng sasakyan. Kailangan kasi para maabutan namin ang kotse ni Mama. It took almost an hour before Mama parked her car. Noong hininto na niya ang kotse niya, pinahinto ko na rin ang taxi. Nagbayad ako tapos bumaba ako kaagad, dahil mukhang nagmamadaling pumasok sa loob ng mataas na building si Mama.
A lot of scenarios played in my head. May iba ba si Mama? May iba ba siyang pamilya? I'm so confused right now!
I showed my ID to the lady although she didn't really ask. Tinanong ko na din kung anong floor ang unit ni Mama. She was kind enough to tell me so.
"Ang gwapo mo, Sir! Have a nice day po!" she even said before I could go.
Agad-agad akong umakyat gamit ang elevator. Nang nakalabas ako, kakapasok lang ni Mama sa isang unit sa pinakadulo. Curious, I followed her steps.
Nakalimutan niya pang i-lock ang pintuan kaya nakapasok ako kaagad.
"Xavier anak!" gulat na sabi sa akin ni Mama.
"S-sino 'yan?" naguguluhan kong tanong habang nakatitig sa isang sanggol na hawak-hawak niya.
"T-this... This... This is..." Pabalik-balik ang tingin ni Mama sa akin, tapos sa sanggol, tapos sa akin. Para bang hindi niya alam ang isasagot niya.
"Mama, you're cheating on Papa?" I said, unbelievably.
"No, I am not!" pagtanggi niya. "P-pamangkin mo 'to. This baby is your nephew, son..."
Nanlaki ang mga mata ko. Nephew?
Isa lang ang ibig sabihin nito.
Si Ate Reeve, si Keith... 'Yung baby nila. Nabuhay 'yung baby nila.
"The... the baby... The baby lived?" I asked in disbelief. "But I thought na-abort ang baby! I thought the baby died! I thought kasabay niya si Ate mamatay!"
"Anak... I'm sorry I hid Evan from you... It's just that, sa tingin ko mas makabubuti ito para sa Papa mo."
"Para kay Papa, para kay Papa, lagi na lang ba para kay Papa?!" Napasinghap ako. I can't help but stare at that innocent child! "God, I can't believe this, Ma!"
A few seconds of silence came before the most important question popped in my mind. "Alam ba niya?"
I saw how fear showed in my mother's face. "Nobody knows, Xavier..."
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...