X a v i e r
"Sino nga si TJ?! Don't you dare try to get me with that smile of yours, lady!"
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko din, namumula na ako dito. Samantalang ito namang kausap ko, nakangiti lang sa'kin na para bang wala siyang dapat ipaliwanag!
"You're so cute when you're jealous."
"I'm not jealous!"
"And I find it even cuter when you're denying."
"I'm not denying!"
"Okay then, wala naman yata siguro tayong pag-usapan pa..."
"Oo na! Nagseselos na ako!" Bigla-bigla na lang lumabas sa bibig ko yan. My heart knew na nagseselos ako. "Nagseselos ako kasi mas inintindi mo 'yang TJ na yan kaysa sa mga texts ko!"Lumawak pa ang ngiti niya. "TJ... is a friend."
"Pero bakit siya nandun?! Bakit mo siya kasama?! Pinag-usapan niyo?! Pinagplanuhan niyo?!"
"Chill, love. Unexpected yung pagmeemeet namin kanina. I was sitting alone and then he called me and sat down with me. What's wrong with that?""Akin ka lang, that's what's wrong with that!" Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang-pisngi niya. "Kasi akin ka lang, Ruth. Akin ka lang, pero kanina dun sa coffee shop, mas pinagtuunan mo ng pansin 'yang TJ na yan kaysa sa akin. And that's what's wrong with that."
"I'm sorry... Okay?" Hinaplos niya ang mga kamay kong nasa mukha niya. "Naka-ilang sabi ka ba ng 'akin ka lang'?" Tumawa siya.
"Akin ka lang," niyakap ko siya.
"Pangatlo mo na yan." Nararamdaman ko ang pagngiti niya. "Love you, wag ka nang magalit ha?"
"Oo na nga... I love you too," hinalikan ko ang buhok niya, at saka bumulong. "Akin ka lang naman 'di ba?""Sa'yo lang," hinigpitan niya pa ang yakap. "Basta, akin ka lang din ha?"
Ngumiti ako, kasi alam ko sa sarili ko ang sagot. Alam kong sa kanya na nakalaan ang lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay, at alam ko ring siya ang makakapagbigay ng pagmamahal na dati ko pang inaasam makamtan.
Maybe the plan was a way to get me to her – to get me to love.
Kasi siguro sa bawat pagsara, may bagong kailangang buksan.
Siguro sa bawat pagtatapos, may panibagong simula.
At siguro sa bawat bawas, may panibagong dagdag.
"Sagot!" Sabi niya.
"Sa'yo lang, love," I said as I caressed her hair."Kahit ilang Andy Morseff pa?" Pagtatanong niya. I smiled.
"One Andy Morseff was enough," tumingin ako sa kanya at siya naman nakatingala sa akin, hinihintay ang susunod kong sasabihin. "The heartbreak she caused that left me in pain. The pain that woke me up from a dream that was never true. That Andy Morseff, that led me to you. I don't regret her – at all. I don't regret na minsan na niya akong napasaya, at mas lalong hindi ko pinagsisisihang sinaktan niya ako, dahilan para magising ako sa katotohanan at makita kita – at mahalin kita, nang higit pa sa pagmamahal na nabigay ko sa kanya."
Napayuko ako at tiningnan ang mga kamay niya at hinawakan ang mga ito. "Do you love me?"
Pinisil niya ang mga kamay ko. "I love you. God knows how much I love you."
"And I love you so much. God knows that, too."
God knows how much I love this girl back. I love her so much to the point na handa akong ipaglaban siya. Who knows when I'll actually need to fight for her, but I feel like it's coming so soon.
Loving her is a mistake.
But it surely is the best mistake a sinner like me has ever made, my whole life. And I'll forever be thankful that this mistake – this best mistake, happened to me.
K e i t h
Ang tanga ko naman para tumambay pa dito sa harap ng bahay nila. Para sa'n? Para masaktan. Para masaktan nang paulit-ulit-ulit-ulit. Nag-eenjoy kasi akong makita sila sa sliding windows sa bahay nila, na magkayakap at sobrang saya.
Napahawak ako sa dibdib ko. Hanggang kailan ko kaya makakaya 'tong sakit na nararamdaman ko?
Para na akong unti-unting pinapatay nitong mga emosyon ko. Unti-unti nilang inaagaw sa akin ang paghinga ko. Unti-unti nilang pinapabagal ang mundo ko. Unti-unti nilang pinapadilim ang noong pagka-liwa-liwanag at pagka-kulay-kulay kong buhay.
"Sana masaya ka..." Ito na naman ako. Ilang araw pa ba akong hindi makakatiis puntahan siya dito kahit hanggang tingin lang ako? Kahit mula sa malayo, makita ko lang ang taong sobra-sobra kong mahal. Ilang umaga pa ba ang gugugulin ko para lang tumambay dito mula alas-singko ng madaling araw hanggang sa malaman ko lang na gising na siya, saka ko susunduin si Andy sa bahay nila kasi nga, boyfriend niya ako? At pambihira, hanggang kailan ako magpapanggap na si Andy ang mahal ko? Alam ko naman kasi sa sarili kong kahit konti wala na talaga akong natitirang kakaibang pagtingin sa kanya... Magmula noong si Jamie na ang nakita nitong mga matang 'to, wala nang iba pa. Siya at siya lang.
Pero noong sinabi niyang bestfriends ang estado ng pakikipagkaibigan namin, unti-unti akong nawalan ng pag-asa. Humanap ako ng mga babaeng magmamahal sa akin ng tunay at totoo, at sinubukan ko – sinubukan kong magmahal ng katulad sa pagmamahal ko kay Jamie. Kaso pambihira. Mahal na mahal ko talaga siya. Kahit sino, hindi makakapantay sa kanya.
Wala na akong ibang babaeng mamahalin pa. It's just Jamie Ruther Fernandez. It's just Jamie Ruther Fernandez who owns my heart. It's just Jamie Ruther Fernandez whom I have loved, I love, and I will forever love.
Siya lang, at kahit may iba na siya... Kahit may Xavier na siya...
Siya lang, at siya pa rin.
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...