J a m i e
Is he freaking crazy?!
"The heck, Jamie... It's just a text... Damn it," bulong ko sa sarili ko habang pinapakiramdaman ang lalo kong pag-iinit. Ano ba 'to? Shit, no. Hindi ako kinikilig!
Hindi!
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at huminga nang malalim. Nang paulit-ulit. Pero... hindi ko pa rin talaga mapigilan! I always end up reading his message again and again. And its effect on me only worsens!
What is this I'm feeling, huh?
What is this I'm feeling for you, Xavier Andrew Buenaventura?
*
Thankfully, I woke up the next day feeling a lot better. Nakangiti akong bumangon at kaagad na bumaba para makapag-breakfast. I took a bath right after. Makakapasok na ulit ako sa klase ngayon.
"Jamie, anak, may bisita ka!" narinig ko ang sigaw ni Mommy mula sa ibaba.
Napakunot ako ng noo habang tinitingnan ang sarili sa salamin. "Bababa na po!" Inayos ko nang kaunti ang buhok ko at saka kinuha na ang backpack ko sa gilid. Bisita? This early?
"Good mor--ning?" Medyo bumaba ang energy level sa tono ko nang makita kung sino ang 'bisita' ko. Why on earth is he here?
"Xavier?" nagtataka kong tanong.
Ngumuso siya. "Xavi, 'di ba?" he corrected. Ugh. Whatever!
"Bakit ka nandito?"
He flashed his boyish grin. Oh, god. Please lang. "Sabay na tayong pumasok. I really missed you." Napatulala lang ako sa kanya nang walang pasabi man lang niyang kinuha ang bag ko at saka isinukbit iyon sa balikat niya.
Move, Jamie. Damn it.
"Seryoso ka d'yan?" tanong ko pa. Such a stupid question!
He simply nodded. "Yup."
Halos malaglag ang panga ko sa kalmado niyang tono. All this seems so natural to him! Baka naman nag-o-overthink lang ako at talagang wala lang sa kanya ang lahat ng 'to?
"Tita, thank you po..." aniya nang nakalabas na kami ng pintuan.
Ngumiti sa kanya si Mommy. "Sige, Xavier. Mag-ingat kayo, ha?"
Lumabas na rin kami ng gate pagkatapos at namangha ako sa itim na BMW na nasa harap ng gate namin. Wait... This is his car?
"Uhm, asan na driver mo?" I asked him.
He laughed. "Ruthy, I'm nineteen. I am my own driver now."
My eyebrows shot up. "You know how to drive? And you're nineteen?" kunot-noo kong tanong. Well, it's not that... I mean, his age is okay for our grade level. Siguro sadyang maaga lang akong nag-aral. I'm just seventeen!
Lalo lamang siyang tumawa. "You amuse me a lot."
"Right..." umiiling kong sabi. I ask too many questions. Ugh. Common sense rin naman ang mga sagot.
Bakit ba naman kasi ako natataranta tuwing kausap ko siya? Bakit ba lagi na lang nag-uunahan 'yung mga salitang gusto kong sabihin? At bakit ba ganito na ang nararamdaman ko?
Why, Jamie? What did Xavier ever do to make you feel this way?
"Get in..." aniya at pinagbuksan ako ng pintuan. Pumasok na ako sa loob at hinintay siya. He started the engine and started driving.
"Hindi ka nag-reply..."
Bumaling ako sa kanya. "Ha?"
Saglit siyang sumulyap sa akin. "You didn't reply... I expected you to."
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...