X a v i e r
Waiting sucks, bigtime.
I have been waiting for two hours now, not moving a tiny bit. Nandito ako sa tagong lugar na pinaganda pa rin ng ilaw ng mga fairy lights, pero ngayon ay pinalungkot dahil sa pagkawala ng presensya niya.
Where is my Ruther?
Kanina, sinubukan kong tawagan siya ngunit hindi niya iyon sinagot. Nakakapagtaka dahil lagi naman tuwing pangatlong ring pa lang ay sinasagot na niya kaagad ang tawag ko. Always. My Ruther has always been like that to me.
That's why it makes me so puzzled to figure out the reason why she's not answering me now.
Kanina ko pa siya sinusubukang tawagan nang paulit-ulit pero naka-off ang cellphone niya. Ilang beses na rin akong nag-text, pero ni isang reply ay wala akong natanggap.
Imposible, imposibleng hindi niya alam na naghihintay ako.
"Ruther, please turn your phone on..." sabi ko sa sarili ko habang paulit-ulit na dina-dial ang number niya, pero paulit-ulit lang din ang naririnig ko.
"The number you dialed is not accessible at the moment. Please try again later."
"Ruther, turn on..." Pinindot ko ulit ang number niya para subukan ulit na tawagan siya. "...your phone."
"The number you dialed is not accessible at the moment. Please try again later."
"Ruther, why?" tanong ko habang nakadikit pa rin ang phone ko sa tenga. "Why now?"
Hopeless, I felt my eyes starting to water. "Please... Why aren't you here?"
No, Xavier. You're going to hold it in. You're good at this. You're strong...
Nang biglang mag-ring ang phone ko, ay agad ko iyong sinagot. Hindi ko na tiningnan ang pangalan dahil alam ko agad kung sino iyon.
"Ru——"
"Kuya..." Napatigil ako nang marinig ang paghagulgol ng kapatid ko sa phone. "Kuya, wala na... Wala na..."
"P—Paris?" Napasabunot ako sa buhok ko. Naramdaman ko na ang pangingilid ng luha ko.
"K—kuya, w—wala na si Mama."
Napapikit ako sa narinig. I felt my whole body lose its strength.
Hindi... Matatag ka, hindi ba?
Hindi ka iiyak, Xavier.
Hindi...
"K—Kuya, y—you are crying, say something..."
Habang nakatakip pa rin ng kamay ang bibig ko, ay pinilit kong huminga ng maayos. Pero sadyang hindi ko mahabol ang paghinga ko dahil lagi iyon nauunahan ng hikbi. Hindi ko na napigilan, at tuluyan na akong umiyak.
"K—Kuya, please..." Naririnig ko pa rin ang boses ng kapatid ko sa kabilang linya. "P—please come here... We need you... It's okay... Everything will be okay, h—hindi ba't iyon ang lagi mong sinasabi sa akin?"
I can't help it. I can't... "K-kuya will be there, I promise." My voice broke no matter how hard I tried.
Nasaan na ang katatagan mo, Xavier Buenaventura? Nasaan na ang lakas na pinagmamalaki mo? Nasaan na ang katapangang sinasabi mo? Nasaan na 'yon lahat?
Wala na. Walang-wala na.
Agad akong tumakbo papalabas, at nagmadaling sumakay sa kotse ko. What a mess my life is right now.
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...