X a v i e r
"Mama... Mama naman, please. Answer my call... Please..." bulong ko sa sarili ko habang paulit-ulit na idina-dial ang number niya sa phone. Pang-limang subok ko nang tawagan siya pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya sumasagot.
Calling Paris...
Sa pangatlong ring ay sumagot siya. "Kuya?" she said then I heard her sniff. Is she crying?
"Reese, anong nangyari sa'yo? Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Nasaan ba si Mama?" sunod-sunod na mga tanong ko.
"N—nag-away na naman sila ni Papa... Kuya, I really miss you. Kailan ka ba babalik dito?"
I heaved a sigh. "Reese, alam mo naman 'di ba? Okay ka lang ba dyan?"
"No, I am not okay." Her voice broke. "Kuya, frankly, we aren't. We're wrecked."
I smiled bitterly. "We've been wrecked for a long time."
"Kuya... Kumusta siya? Nagawa mo na ba?" tanong niya.
Pumikit ako at huminga ng malalim. "Reese... This is why I've been trying to call Mama."
"Kuya, what do you mean?"
"Reese, I couldn't do it." Habang nakapikit ay umiling-iling rin ako. "I think I've fallen in love with her."
"Kuya... Kuya bakit..."
Agad akong napamulat ng mga mata nang marinig ko ang pagsigaw ni Papa sa kabilang linya. "Paris! Iyang walang-kwenta mo na naman bang kuya 'yan?! Ibaba mo 'yan!"
"K—kuya, kailangan ko nang—"
"Hindi mo ba ako narinig?! Ibaba mo sabi 'yan!"
Iyon ang huli kong narinig bago mawala ang tawag. Ilang beses akong huminga nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili ko at pilit na inaalis ang sobra-sobrang hinanakit na nararamdaman ko pero ni bawasan iyon ay hindi ko magawa.
And this, this is the reason why I live alone. They are the reason why I feel this broken inside.
J a m i e
Kakaiba ang aura ni Xavier ngayon. Hindi mawari, hindi maipinta. Kunot-noo lamang akong nakatitig sa kanya habang nakayuko naman siya at nakatitig sa desk niya. Inusod ko ang upuan ko papalapit sa kanya. Wala kaming ginagawa dito sa classroom dahil absent ang isang prof namin ngayon, kaya libreng oras namin ang klase niya.
"Okay ka lang ba, love? Kanina ka pa ganyan, ha. Wala kang ka-imik-imik, hindi ako sanay ng ganyan ka." Tumingin naman siya sa akin at ngumiti ng pilit. "Nako ha, hindi ako nadadaan dyan sa mga pekeng ngiti na 'yan. Ano nga?"
Umiling-iling lang siya at saka ulit yumuko, dahilan para lalong kumunot ang noo ko. "Are you not feeling well? Pwede kitang dalhin sa clinic, I think you are sick."
"No. It's just that..." Huminga siya ng malalim bago ako diretsuhin ng tingin. "I have this friend, and he's asking me for advice. Can you help?"
Ngumiti ako sa kanya. "'Yun lang naman pala eh. Sure, I'll try. Spill."
"So this guy, galit sa kanya ang mga magulang niya. Siya 'yung naging bagsakan ng lahat ng sisi dahil sa isang malaking kasalanang nagawa ng best friend niya noon. Dahil sa kasalanang hindi naman siya ang gumawa, sa kanya itinuon ang lahat ng galit at pasakit. Dahil din doon, itinakwil siya ng mga magulang niya."
Napangiwi ako. "Aw," komento ko. "Okay, go on."
"Until he fell in love." Yumuko ulit siya. "But he knew he shouldn't. Alam niyang kapag minahal niya 'yung babaeng 'yun, lalo lang lalalim ang galit sa kanya ng mga magulang niya."
Kumunot ang noo ko at umiling-iling ako. "Why so? I don't get it, it's finally his chance to be happy."
Mahina siyang tumawa ng pilit. "Because that love, Ruth? That love is wrong."
"Bakit?"
"Bakit nga ba?" Tumingin ulit siya sa akin, nakangiti pa din ng pilit. "That's the thing, he doesn't know the answer. And I don't either. Kasi Ruth..." Unti-unting nawala ang pekeng ngiti sa mga labi niya.
"Kailan ba naging mali ang magmahal, 'di ba?"
I was rendered speechless because of that question. Huminga ako ng malalim. "Maybe when it doesn't make you happy anymore." Pilit akong ngumiti sa kanya. Kawawa naman pala iyong kaibigan niya. "Love, siya lang rin ang makakasagot nun. Siya lang, sa sarili niya."
"He really wishes he could." Umiling-iling siya. Naguguluhan na ako dito. Kaano-ano ba niya talaga iyon at sino ba ang sinasabi niyang kaibigan?
"Sino ba 'yang kaibigan mo?" tanong ko.
"Dati kong best friend. He has a lot of problems."
"I feel sorry for him..." bulong ko. "But look, you don't have to be really affected. Stop thinking about it now and lighten up. Ngumiti ka naman. Kanina ka pa hindi ngumingiti eh."
He sighed and smiled a little. "Thank you for always being here for me."
Tinaas ko ang kilay ko. "You're welcome...?" Ano ba ang mga pinagsasasabi niya? "Hindi ka cute umaktong nanghahabilin, ha. Ako tantanan mo sa mga ganyan mo, Xavier Buenaventura."
Napatawa naman siya. Agad umayos ang ekspresyon ko nang tumawa siya. Sa wakas, napatawa ko ulit siya. "Grabe ka naman, love. Hindi naman panghahabilin 'yun."
"Okay ka lang ba talaga?" tanong ko.
"Oo naman. Nandito ka sa tabi ko eh. Your existence makes me feel happy. As long as you're around, I'm alright. I love you."
Napangiti naman ako dahil agad siyang nakabawi dahil lang sa mga sinabi niya. "Kahit na ba para kang sira, I love you more."
"Don't love me more..."
Ha? Ano raw? Hindi ko maintindihan ha. Kumunot ulit ang noo ko at nagtataka pa rin ako sa mga sinabi niya. Naghihintay pa nga ako ng kasunod niyang sasabihin pero wala na pala. Sa halip ay sinagot niya lang ako ng isang ngiti. Bago ko pa man itanong sa kanya ang ibig niyang sabihin ay agad na may pumasok na teacher sa loob ng classroom. Agad akong umayos ng upo. Pinabalik-balik ko ang tingin ko sa teacher, sa desk ko, at kay Xavier na nakatingin naman sa kawalan. Hindi ko talaga mabasa kung ano ang nasa isip niya. Buong oras ay tulala lamang siya. Ni hindi ko nga alam kung nakikinig pa ba siya sa teacher, dahil mukhang lumulutang ang utak niya.
Bakit ba siya ganito? Gusto kong malaman ang dahilan. Hindi ako naniniwalang dahil lang sa problemado niyang kaibigan kaya siya nagkakaganito. May mas malalim na rason, alam ko. Hindi ako sanay ng nakakausap at nakakaharap ang ganitong klaseng Xavier Buenaventura. It's the first time I've seen him act like this, and I can't take it.
Hindi ko din maiwasang hindi maparanoid. Kaya ba siya ganito kasi, may iba na? May iba na ba kaagad siyang mahal? Nawawalan na ba kaagad siya ng interes sa akin? Boring ba akong girlfriend?
What the hell. Those questions are breaking my heart!
Sana hindi. Sana talaga, hindi.
X a v i e r
Nang nasa kotse na kami ay nagsalita siya. "Please tell me you're not in love with someone else." Agad akong napatingin sa kanya at napakunot ng noo. Iyon ba ang iniisip niyang dahilan?
"Or are you...?" pagtutuloy niya.
Agad akong umiling-iling. "Love, ano ka ba? Hindi ah! 'Wag kang nag-iisip ng ganyan. I am not in love with someone else."
I can't be in love, Ruth. Lalo na sa'yo.
"Then what's the reason why you're acting this way? It's driving my mind crazy, honestly speaking."
"Love, don't stress yourself too much. Clear the thoughts away, alright? Wala lang 'to."
Although I knew the answer to the simple question. And the answer to the simple question makes everything else so complicated.
The reason is, because I am already madly in love with her.
At alam kong hindi pwede 'yun.
Hindi pwede 'to.
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...