X a v i e r
"Thank you." Pinilit kong ngumiti kay Andy. After all, I owe her for doing me this favor.
"Bakit ba kasi kailangan mo pang makipaghiwalay?" she asked, as if I wanted all this. "Kung kailan namang tanggap ko na na may mahal ka nang iba. Siguro napagtanto mong mahal mo pa din ako no?"
"Shut up, Andy... I'll never go back to you and you know it." I rolled my eyes. Mabuti na lang natuyo na ang mga luha ko bago pa man sila tumulo. Lalo na kanina noong nakita kong sobra-sobrang nasasaktan si Ruth. To see her like that is like stabbing my own heart. And to think na ako ang dahilan sa mga luhang 'yun na ayaw huminto sa kakatulo sa mga mata niya.
"Mahal mo pa din 'yun, alam ko."
"Kung alam mo lang kung gaano ko siya kamahal."
"Parang ewan ka pala, ba't pinakawalan mo?"
"We're better off this way..."
"Sige na nga. Tapos na 'tong scene na'tin dito. Pupuntahan ko na boyfriend ko."
"Mahal mo na pala e," I said. Somehow, seeing my ex-girlfriend finally take someone seriously, eased me a little.
"Wala e, si Keith 'yon e. So ano, okay na tayo ah? Nakabawi na ako sa'yo."
"Oo naman. Thank you, Andy."
Tumango siya, at umalis na. I decided to leave, too.
Pinagtitinginan man ako ng mga tao sa cafe, I didn't care. Lumabas ako nang walang isang taong tiningnan. I just wanted to leave. I wanted to get away. I wanted to punish myself. I wanted to hate on myself.
And most of all? I wanted Ruther.
God, how much I wanted my girl back.
*
Ten minutes seemed like a thirty-minute drive.
Naglapag ako ng fresh rose sa gilid niya. That was her favorite flower.
"Hey... It's been a month ever since I've been here. I brought you something." Ngumiti ako. "Can I tell you something?" Pumikit ako, and felt the cold breeze. "I love Ruth so much. God knows how much I love her, but I can't... I love you, and I love Mama and Papa. I'd do everything to get us back together, pero ngayon, ngayon sobrang labo nang mangyari nun. Kahit na nagawa ko na ang gusto ni Papa, still... We're missing something. We always are. We're missing you. Sana masaya ka na jan, wherever you are right now... You deserve to be happy. Don't worry about me, someday, I will be, too."
Tumayo na ako, at nagpaalam na.
"Remember that I'm doing all this for you. I wish you know how much I miss you and love you so much, Ate Reeve."
J a m i e
Pinaasa niya ako.
Pero higit sa lahat, pinaasa ko ang sarili ko.
Pinaasa ko ang sarili kong tuluyan niyang maaalis ang sakit. Pinaasa ko ang sarili ko na kaya niya akong mahalin, higit sa pagmamahal na kaya kong maibigay. Pinaasa ko ang sarili kong hindi niya ako sasaktan.
Fairy lights, fairy tale? Ano ako ngayon?
"Bakit kasi hindi mo pinag-ingatan ang puso mo sa dinami-dami ng oras na sinabihan kitang mag-ingat?" Hinahagod ni Mommy ang likod ko. "Haaay. Dalaga na talaga ang anak ko, umiiyak na dahil sa lalaki..." nalulungkot na wika niya sa akin.
"Grabe, Mommy. Ang sakit pala. And you used to call him 'Prince Charming'. Hanggang fairytale lang pala ang isang perfect prince."
"Someday, you'll find your perfect match. Promise," ngumiti siya sa akin. "Sa atin lang 'to but, nagkaroon ako ng apat na boyfriends bago pa ang dad mo." Napatingin ako sa kanya, at bahagyang napangiti. "Alam mo namang habulin ang lahi natin."
I love my mom. She understands me. She makes me smile, even when I think I can't.
"Sige na. You go get some rest. Cry everything out. Pero promise me, isang iyakan na lang. Ibuhos mo na lahat. 'Wag ka nang magtira ng para bukas." Hinawakan niya ang kamay ko. "Be strong."
"I will." Pinilit kong ngumiti kay Mommy bago ako umakyat sa kwarto ko para makapag-isip.
Nang nag-vibrate ang phone ko, tiningnan ko kung sino 'yon.
One message from: My Love
That damn endearment. That damn person that used to matter so damn much to me.
Dali-dali kong dinelete ang buong conversation namin nang hindi ko man lang binabasa ang huling text niya. Wala na akong pakielam sa sasabihin niya. Wala na akong pakielam sa kanya.
Tapos na ang istorya naming dalawa.
Tumingin ako sa night table ko at nakita ko ang picture frame na naglalaman ng larawan naming dalawa. "Abot tenga ngiti jan, Jamie ah? Ano ka ngayon? Abot hanggang sa kabilang kwarto pag-iyak mo."
Ang sakit naman. Ang sakit pala. Nagkamali na naman ako. Kailan ba ako matatama sa pagpili ng lalaking iibigin?
"I swear, after this night... Hindi na ako iiyak sa'yo." Tinanggal ko na ang picture naming dalawa sa frame, kumuha ng gunting, and separated us apart.
Completely.
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...