[65]

631 10 3
                                    

J a m i e

Sinubukan kong tawagan ng paulit-ulit ang cellphone ni Xavier pero hindi ko iyon ma-contact. Ilang beses ko na rin siyang tine-text, pero ang mag-reply ay hindi niya magawa.

Isang araw, dalawang araw, tatlong araw, at ilan pang araw ang lumipas. Hindi ko siya nakikita sa klase. Who am I kidding, hindi ko siya nakikita kahit saan. Hindi siya pumapasok, hindi siya nagpaparamdam.

Iniisip kong nagtatampo siya sa akin, dahil hindi ko siya sinipot noong araw na gusto niya sanang magkita kami. Pero hindi, imposible. Hindi siya 'yung tipo ng lalaking agad-agad na magagalit o magtatampo, nang hindi man lang naririnig ang eksplanasyon o ang panig ko.

Pero ngayon, bakit ganito?

Kung kailan naman ayos na ang lahat sa pagitan namin ni Keith. Napag-usapan na namin ang lahat at pinagsabihan ko na rin siya dahil masama sa kanya ang ganoon katinding kalasingan. Nilinaw na namin ang relasyon namin sa isa't-isa at hindi na iyon magbabago pa. Hindi na kailan mang hihigit pa o bababa pa doon. May limitasyon ang lahat, at sa tingin ko ay doon na ang limitasyon namin.

We were best friends who fell for each other without letting each other know, in order not to let each other go.

Lagi kong ipagpapasalamat na kahit hindi naging kami, ay matatag pa rin ang aming pakikipagkaibigan hanggang sa huli. Alam kong kahit na hindi na siya ang lalaking nagmamay-ari ng puso ko, ay palagi pa rin siyang may space dito. Keith will always have a part of my heart.

Lumingon ako at saktong nakita ko siya. Binigyan niya ako ng isang makabuluhang ngiti. Tumakbo siya papalapit sa akin, habang kasalukuyan ko pa ring kinukuha ang mga libro ko sa locker. Huling araw na ng klase at isang linggo na lamang ay sabay-sabay na kaming ga-graduate.

Hindi na ako nagulat nang umakbay siya sa akin. "What are you thinking?"

"Me? Nothing." Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit mahirap. Hindi ko maialis sa sistema kong ma-miss ng sobra ang presensya ni Xavier.

Tumingin-tingin siya sa paligid. "He's still not here?" tanong niya. Isinarado ko na ang pintuan ng locker ko, at saka rin isinarado ang zipper ng backpack ko. Kinuha niya kaagad iyon at sinukbit sa balikat niya. "You wouldn't mind if I do these things while he's gone?"

Umiling ako, pero hindi pa rin tumitingin sa kanya. Hinigpitan niya lalo ang pag-akbay sa akin. "You miss him so much?"

Tumingala ako sa kanya, dahil sobrang tangkad niya kung ikukumpara sa akin. "You finally noticed."

"I'm trying not to," sagot niya. "Pero sa lungkot at tamlay mong 'yan? Ang hirap, bes. Sa bagay, hindi ko rin naman kakayanin kung ganyan din ang sitwasyon ko. Pero imposible 'yun."

"Ha?" tanong ko sa kanya. Bakit naman imposible?

"Dahil sigurado ako, kailan man ay hindi ako magkakaroon ng boyfriend, Jamie. Hot na girlfriends lang." Dahil doon, tinulak ko siya. Humalakhak lang siya.

"Girlfriends talaga? Bagong buhay na bes, uy. Mag-seryoso ka na nga't para hindi ka na mabansagang Paasa Prince." Sumimangot naman siya dahil doon, na siyang ikinangiti ko. Akala ko nakalimutan ko na ang ngumiti eh. Hindi na kasi uso 'yun sa akin dahil na rin sa mga nangyari ng mga nakalipas na araw.

"Sineryoso naman kita nang sobra ah." Lumapit ulit siya sa akin, seryoso na ang tono ng pananalita niya. Ako? Nakatunganga lang, wala na namang masabi. "Pero alam mo bes, now that we have made it all clear between the two of us... I have never been this happy. Never in my life I have been as happy as I am right now. Alam mo 'yun? 'Yung hindi ko lang maipaliwanag sa salita 'yung mga nararamdaman ko? Ganun ako kasaya." Salita lang siya nang salita habang sabay kaming naglalakad. "Alam mo... Sa lahat-lahat ng nangyari sa'kin, iisa lang ang leksyong natutunan ko."

How We FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon