[11]

912 13 1
                                    

J a m i e

One more week.

Better make the most out of the one last week left, right?

"Unggoy! Salamat sa lahat, ha?" Sinikap kong ngumiti ng maayos. Pang-ilang araw na nga ba ngayon? Ayoko nang bilangin. Hindi naman 'to masayang okasyon para bigyan ng countdown.

Kumunot ang noo niya at mataman akong tinitigan, na para bang may mali akong nasabi.

I laughed as I massaged his brows to unfurrow them. "Simangot! Tatanda ka nyan, bahala ka."

"Kasi naman, pinag-aalala mo ako." Ngumuso siya. "What on earth are you saying, Jamie, huh?"

"Aray!" natatawa kong sabi. "Basta. Masama na bang magpasalamat? Minsan lang 'to, uy!"

"Iyon na nga, e." Kumunot ulit ang noo niya. "Pakiramdam ko tuloy, may nangyayari nang hindi maganda."

Palihim akong lumunok. "Paranoid!" Ngumiti ulit ako. "Basta, ha. Thank you. I'll forever be thankful for the friendship we have." Soon to be had.

His stare started to become cold. "Jamie, may nangyari ba?"

Umiling ako. Wala naman... Bukod sa gusto kong maparamdam sayo kung gaano ka kahalaga sa'kin ngayon, dahil sa posibilidad na hindi ko na ito maparamdam sa'yo sa mga susunod na araw... Wala naman.

The happiness I feel being this close to him again means so damn much. Kakaiba ka, Keith. Kakaiba ka. You're the only one who can make me feel this way without even trying.

Sayang nga lang talaga.

Wala, e. Nanligaw ka, sinagot ka, minahal ka, nagpaasa ka, umasa siya. Kaya ngayon, ako pa tuloy ang dapat magparaya.

Now... I have to force my feelings to let you go.

"Tell me the truth, Jamie. Don't you dare lie to me..." umiiling niyang sabi. "May nangyari ba?" May diin sa kanyang tono.

Nag-iwas ako ng tingin. Dammit, I can't look at those eyes! "Wala nga kasi sabi."

He held my shoulders and sat me down the bench. Nakatayo lang siya sa harapan ko. He's trying to read my mind!

"Is this about Andreanna?"

Napasinghap ako sa tanong niya. What in the world? Is this some kind of best friend's instinct?

"Jamie! Sagutin mo ako..."

Tumingin ako sa mga mata niya. They look frustrated. "She deserves you," matapang kong sagot. Sige, Jamie! Hanggang saan na lang ang tapang mo kapag iniwan ka na niya...

"But do you think I deserve her?" mariin niyang tanong at tumingala ng tingin. Bakas ang pagkakairita sa tono ng pananalita niya. "Jamie, ano ba naman!" He raked his hand through his hair. Napasabunot siya sa sarili.

I bit my lip. Please, Keith? Please?

"Ayoko na sa kanya!" Bumaling ulit siya sa akin at nagtama ang tingin namin. He shook his head. "I don't want her! Why is that so hard to understand?"

"Akala ko ba mahal mo? 'Di ba sinabi mo sa'kin 'yun? Andy was your dream--"

"Iba ang pinangarap sa minahal, Jamie. Iba. Ilang beses ko pa bang sasabihin na ayaw ko na?!" Pumikit siya nang mariin at halatang pinapakalma niya ang sarili. "Come on, give me a reason. Give me a good reason why I should stay with her!"

My heart broke as I let the words slip off my mouth.

"Take her or leave her, either way... you'll lose me."

That's the truth. Kahit ano man ang maging desisyon niya, mawawala pa rin ako sa kanya. If he chooses Andy, he's somehow obligated to her. He's her boyfriend. Wala na siyang oras para sa'kin at hindi na kami pwedeng mag-usap o magsama tulad ng palagi naming ginagawa. Sure, casual hellos won't hurt but, anything more than that is already crossing the line.

On the other side? If he chooses me again, my scholarship's completely done. I'll be kicked out of this damn school. Lalo lang kaming mawawalan ng komunikasyon. Lalo lang kaming mahihirapan... Lalo na ako.

"I'm not going to lose you."

Kalmado na ang tono niya at umamo na rin ang ekspresyon sa mukha niya. Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya habang tinitingnan niya ako. Umupo na siya sa tabi ko at huminga nang malalim.

"I'm not gonna go back to her, Jamie. I don't want to..."

"It's not always going to be about the things you want and the things you don't, Keith..." My heart only became heavier as I stood up from my seat and arranged my bag. Keith's eyes never left mine. "But rather, the things that are meant and supposed to happen." I smiled.

It hurts so bad.

Tatalikuran ko na sana siya nang hinawakan niya ang kamay ko. Nanghina ako. Lahat ng lakas na inipon ko, lahat ng tapang... biglang naglaho.

"I-I'm sorry..." nanghihina kong bulong habang dahan-dahang kumalas sa hawak niya.

I'm sorry, Keith. I'm sorry if I had to do this to us.

I turned my back on him and started walking away. For real. And this time, I don't even have to look back at him again. Kapag ginawa ko, lalo lamang madadagdagan 'yung sakit. Lalo lang mararamdaman 'yung kirot. Lalo lang akong mahihirapan, at lalo ko lang rin papahirapan si Keith.

I'm sorry, Keith... I'm sorry if I have to force my feelings, to force yours.

How We FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon