A/N: Hello, everyone! I know it has been more than a year since my last update, and for that I'm really sorry. Anyway, I still had every draft saved (silly me for having the idea to unpublish it in the first place) and I plan to republish them na lang ulit since I don't really have the time to edit them anymore. I was fifteen when I started writing this story so please bear with it na lang huhu. Hope to see you all until the last chapter! Thanks!
J a m i e
"Ruther..." Tumigil siya sa paglalakad, dahilan para mapatigil din ako. Marahan niya akong hinila papalapit sa kanya, at pinakatitigan ako sa mga mata. Akala ko nga ay may sasabihin siya, pero nanatiling seryoso ang tingin niya sa akin. Sa sobrang tagal naming magkatinginan, nakaramdam na ako ng pagkailang.
Ako na ang nag-iwas ng tingin. Tumikhim ako, at saka nagsalita. "Saan mo gustong pumunta?" Ako naman kasi 'yung nag-request na sunduin niya ako.
"Don't worry. I have a place reserved for us." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. This guy really knows how to do it his way. Pinaghandaan niya ang gabing 'to, I just hope as much as I did.
Inalalayan niya akong makasakay sa kotse niya, bago siya umikot papunta sa kabila at nagsimula nang magdrive. Diretso lang ang tingin ko sa mukha niya, at hindi ko ba alam kung bakit hindi ko maialis 'yun. For real, he might just be a vision of perfection for me. Biniyayaan siya sa maraming bagay, at ngayon para bang iniisip ko kung ano ang ginawa kong napakaganda para maging karapat-dapat para sa kanya. Mommy's right. He really is a true-to-life Prince Charming.
"Please tell me that I don't have a dirt somewhere on my jaw right now if that's where you're looking at."
Dahil sa sinabi niya ay napangiti ako. "No, I'm just looking at the view." Diretso pa rin akong nakatingin sa kanya.
Kumunot ang noo niya. "What view?" nagtataka niyang tanong.
"You." Dahil sa sinabi ko ay agad siyang napatingin sa akin. Simple lamang akong ngumiti sa kanya nang makitang namumula ang mga pisngi niya. Uso rin pala sa mga lalaki ang kiligin. Ang cute niya lang. Lalong lumaki ang ngiti ko nang makitang hindi na niya napigilan ang pagngiti. Tumingin ulit siya sa dinadaanan.
"Stop it, I'm trying to focus here. Mamaya mo na ako pakiligin." Hindi niya maialis ang ngiti sa mga labi niya. How could he be so handsome and cute at the same time? "I'm not yet ready to die. I still got plans and dreams I have to pursue."
"Which are?" tanong ko.
"To settle down with you, and get married, and have kids, and live happily ever after."
Mas hindi ko na maialis ang ngiti sa mga labi ko. Mas grabe siya magpakilig, napapa-Super Bass si puso nang 'di oras. "But we haven't even started once upon a time yet."
Nakita kong ngumiti siya ulit. "We have. It all started when I thought a girl carrying six books all at once could need some help."
Napatawa ako. "You really do know how to do it your way, don't you?"
"It just comes naturally whenever you're around."
Hindi na ulit ako nakapagsalita. Sa halip ay ngumiti ako ng makabuluhan. Malapit na, malapit ko nang aminin sa kanya ang mga nararamdaman ko. Tuluyan na nga talaga akong nahulog at mukhang nasalo naman niya ako.
Ang hinihiling ko na lang ngayon ay sana, hindi niya ako bitawan.
Itinuon na din niya ang buong atensyon niya sa pagdadrive. Tumingin ako sa bintana para pagmasdan ang labas at nagtaka na din kung saan ba kami papunta ngayon.
Hindi nagtagal ay pinarada na niya ang kanyang BMW sa isang bakanteng lote. Bumaba na siya at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya rin akong bumaba.
"Xavi, where are you taking me?" tanong ko.
"Just trust me." Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa dalawa kong mga kamay. "Follow me, okay?"
Kinakabahan na ako. Ang dilim pa naman rin ng paligid. Saan ba kasi kami papunta? Patuloy lang siya sa paglalakad at wala akong choice kundi ang sundan lamang siya. Hawak-hawak niya kaya ang mga kamay ko.
"Xavi, nasan ba tayo? Bakit walang mga ilaw at ang di––"
Naputol ang pag-iisip ko at awtomatikong napatigil ako sa pagsasalita nang sabay-sabay na nagbukas ang mga ilaw sa buong paligid. They were fairy lights that lit up the romantic place. A path of rose petals and lighted candles led us to a beautifully-arranged gazebo with a table for two.
Mangha kong inikot ang tingin ko sa paligid. Ang ganda, sobra. Para bang mabubusog ang mga mata mo sa tingin pa lang sa buong lugar. It felt like falling in love.
"Y–you arranged all this?" hindi ko pa din makapaniwalang tanong.
"Yup, kaya nga 'ko na-late ng 42 seconds eh." Tumawa siya, and gods, hearing his laughter also seemed like falling in love.
Nang makarating kami sa table for two ay inalalayan niya akong umupo sa isang upuan. I can't help but smile at his gentleman self. He is definitely going to be my boyfriend, alright.
Hindi ko ba alam kung saang lupalop nanggaling ang isang waiter na naglagay ng pagkain namin sa table. The food was fancy and delicious. Tanaw mula sa gazebo ang kabuuan ng malawak na garden na puno ng magagandang landscapes.
"Xavi. I want to talk about... Doon sa panliligaw mo... Gusto ko lang sabihin na..." Diretso lamang siyang tumingin sa akin. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kanya, at dahil hindi ko din maisip kung ano ang susunod na sasabihin ay siya na ang nagsalita.
"I'm not pressuring you, Ruth." Umiling siya at saka ngumiti. "Don't worry. I can still wait. A day, a week, a month, a year if that's how long you need."
Ngumiti ako. He is definitely going to be my boyfriend. "No." Bahagya namang kumunot ang noo niya, at nakatingin lang sa akin ng diretso. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya pero mukhang naguguluhan siya sa sinagot ko.
"You only have to wait just one more minute."
Lalong kumunot ang noo niya, bahagyang nanlaki ang mga mata, at batid kong pinipigilan niya ang ngumiti. Para bang hindi siya makapaniwala sa narinig. "A–anong sabi mo?"
Tinitigan ko lamang ang mukha niya at nagbilang sa utak ko. Ito na ang matagal-tagal kong hinintay. Ito na ang sagot ko.
Ito na 'yun.
The priceless, precious moment of letting myself fall, knowing he'd be there to catch me.
"One minute's over. I'm yours, Xavier."
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...