J a m i e
Pagkagising ko ay bumangon ako kaagad at tiningnan ang kalendaryo nang nakangiti.
October 24.
One month has passed. Exactly one month has passed ever since he declared me his and I declared him mine.
Alas-otso pa lang ng umaga at wala akong pasok dahil Sabado ngayon. Sakto nga ang petsa ng monthsary namin, tinyempo talaga sa araw na pwede kaming magsama ni Xavi ng mahabang oras.
"Sabi ko na nga ba na iyang ngiting 'yan ang masisilayan ko ngayong umaga eh," wika ni Mommy noong nakita niya akong bumababa ng hagdan. "Tara na't mag-almusal ka na. Parating na si Prince Charming. Nag-text sa akin eh. Pero sabi 'wag ko daw sabihin sa'yo." Napatingin ako kay Mommy. "Ay. Sorry," pagtatawa nito. Hindi niya talaga sadya eh. Hindi talaga pramis.
Pagkakain ko, dumiretso ako sa banyo sa taas para makaligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng dress na regalo sa akin ni Xavi para daw sa araw na 'to. Isa siyang knee-length light blue dress na may short sleeves. Siya rin ang bumili ng kapartner nitong wedge shoes na 3 inches ang taas. Undeniable ang great fashion sense niya. Kumuha ako ng straightening iron. Para maiba naman, i-stra-straight ko na lang buhok ko imbes na ikulot. Hinanda ko na din ang regalo ko para sa kanya. Nahirapan din ako kasi alam ko naman na lahat na meron siya. Kaya ayun, napagdesisyonan kong wala na lang akong ibigay.
Kidding. Of course I made a scrapbook out of our pictures. Pero syempre, hindi lang siya ang meron nun. I made one for him, and another for me. At yung akin, to be filled with more, more pictures and more, more memories in the future pa.
At sana, sana umabot na hanggang kasalan.
"I hope you're happy. :)"
Yun ang laman ng text na natanggap ko mula sa isang unregistered number. Sino na naman ba 'to? Hindi mawari kung sarcastic ba ang smiley face niya o seryoso siya sa sinabi niya. Haaay, saan naman kaya nito nakuha ang number ko? Kasi imposible namang hula-hulaan lang niya yung digits ko, 'di ba? Bahala na nga kung sino na 'to, basta hindi ko nireplyan at baka si Andy lang. Papansin naman kasi yung babaeng yun eh.
Ilang minuto pa, nadinig ko na ang kotse ni Xavi. Excited na excited akong bumaba ng hagdan, muntikan nang masubsob kasi naka-wedge nga pala ako.
Isang malaking ngiti kaagad ang pambati sa akin nito. Haaayyy Papa God salamat po, salamat po at biniyayaan mo ako isang boyfriend na pagkagwapo-gwapo, pagkabait-bait, pagkacaring-caring at pagkaperfect-perfect. I know the last adjective's too much, but how could you blame me? Para siyang isang fictional character brought to life. He is a vision of perfection for me, and my heart could not just deny that.
"Hi." Binati ko ito ng may kasamang ngiti. Tumayo naman siya kaagad sa sofa at nilapitan ako para yakapin.
"Happy birthday," bulong nito, at napatawa siya sa sarili niyang kalokohan. "Joke, happy first month sa atin love ko." Awww, ko?
"Happy first thirty days to the both of us, my love!"
Iniabot niya sa akin ang bouquet of tulips at mamahaling chocolates. "Aww, para sa'kin?"
"Hindi, baka para sa'kin. Ako kasi girlfriend ni Xavier 'di ba. Akina't maitabi ko na 'yan sa kwarto ko." Pamimilosopong sagot ni Mommy, na nakapagpatawa naman sa aming dalawa. Mommy naman kasi eh! Sinusulit ko lang kaya yung moment!
11 na, nagpaalam na kami kay Mommy, at as usual, sasabihan lang kami nito ng "mag-iingat kayo," at saka naman ako pagbubuksan ni Xavi ng pinto ng kotse niya bago siya maupo sa driver's seat at sinimulan nang mag-drive.
*
Ilang oras din kaming naglibot-libot sa mall para kumain, mag-shopping ng konting clothes like how we normally do at least once a week, para kumain ulit, manood ng sine, at kumain, nang kumain. Like most couples, we held hands while walking. Feel na feel namin ang pag-intertwine ng mga kamay namin. It's like we're locking our trust and love to each other, staying close and not letting go, no matter where our feet take us.
And now, it took us here.
Guess where we are? Syempre, at the same place na sinagot ko siya. The place where he only had to wait one more minute, and how beautiful the thought is to know that it has been exactly one month ever since that happened. Ganun pa din ka-romantic ang place. Medyo binago lang ni Xavi ang arrangement para daw hindi naman maging nakakasawang mag-date dito. Truth is, kahit kailan hindi naman ako magsasawa, as long as we're together.
Pagkakain, binigay ko na sa kanya ang scrapbook na ginawa ko. Na-touch daw siya at nag-effort daw pa talaga ako. Akala ko nga may ibibigay din siya, pero I must admit na medyo nalungkot ako noong nakita kong wala. But of course, okay lang 'yun. I did not oblige him to get me something, so why should I expect?
Pinaupo ako ni Xavi sa picnic blanket na nilapag niya sa grass, beneath the tree and the fairy lights. Everything was again picture-perfect. It's nice to feel peaceful and calm with him around. He has always made me feel safe and secure.
He is my boyfriend, my hero, and my prince charming, all in one.
Naupo na din siya. Medyo nagulat ako noong nakaramdam ako ng parang manipis na something sa leeg ko, and to my surprise it was a gold necklace. A gift from him to me.
"Happy monthsary," bulong nito habang ngayon ay nakasandal na ako sa likod niya, at nakapatong naman ang baba niya sa balikat ko, at niyayakap niya ako nang mahigpit. Nararamdaman ko ang paghinga niya. "Akala mo ikaw lang may gift ah."
Ngumiti ako. Everything in me just wanted to tell him something, and so I did.
"I love you."
X a v i e r
"I love you too."
I love you, too. And this time, I think I really meant it.
Ang perpekto ng gabi, ang ganda ng place, ang peaceful, ang quiet. But those aren't the only things that make this night so perfect. But also her.
Siguro nga nasagot ko na ang tanong na matagal nang nanglilito sa akin. Or maybe matagal ko na nga siyang nasagot, but I just chose to deny it. I kept on denying, and denying, and denying.
But the more I hid, the more it showed.
I looked at the sky, smiling at the constellations same from what I saw the other night.
I smiled, and I knew.
It was love.
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...