[66]

464 9 0
                                    

J a m i e

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya.

"T—Travis?" nagtatakang tanong ko at tumingin sa kanya, na walang suot pang-itaas. Tiningnan ko rin kaagad ang suot ko, at saka nag-si-sink in sa akin ang lahat. "Travis, may..." Pabalik-balik ang tingin ko sa suot ko at sa kanya.

"Ha?" nakakunot-noong sabi niya. Napatingin siya sa katawan niya, at nanlaki rin ang mga mata habang tinakpan ng mga braso niya ang dibdib niya. "Ay, chansing!" Napairap na lang ako sa hangin, parang siya pa ang mas conservative kaysa sa akin.

Habang tinatakpan pa rin ng mga braso niya ang dibdib niya, nakatitig lang siya sa akin. Mula sa ngisi, ngumiti, at saka humalakhak.

At ako? Ni hindi ko magawang baguhin ang reaksyon ko.

"Teka, ano bang iniisip mo?" tanong niya habang humalakhak pa rin. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. "Jamie, we didn't!" Tumalikod siya sa akin para kumuha ng isang puting t-shirt sa closet niya at saka nagmadaling isuot 'yun. Pagkaharap niya ulit sa akin, he already had his clothes on.

"Look, I know I'm hot, okay? Pero may girlfriend ako."

"P—pero paano?" sabi ko habang tinitingnan ang pajamas kong may disenyong polka-dots.

"'Di ba nga't may girlfriend ako?" He smiled at me. "Jamie, don't worry. I respect you. You're safe with me." Lumapit siya sa akin at saka marahang hinila ang braso ko. "Tara na, nagugutom na ako. Kukuha lang dapat ako ng t-shirt eh, sakto nakita kitang gising na kaya sumabay ka na sa aming kumain. Nagluluto si Andy sa kusina para sa ating tatlo."

Tumango lang ako at sinundan siya papunta sa kusina, kung saan abalang magluto si Andy ng makakain. Walang pasabi siyang niyakap ni TJ mula sa likod at bahagyang kumirot ang puso ko dahil doon.

My Xavier used to do that to me, too.

Agad akong nilingon ni Andy. "Jamie, how are you feeling?"

"I feel like the worst person in the world, you have no idea." Umiling-iling ako habang umuupo sa isang dining chair. Nag-buntong hininga lamang si Andy.

"Kahapon lang rin sinabi sa akin ng tatay ni Xavier, at sabi niya nga sa'kin ay 'wag na lang ipapaalam kahit kanino pero hindi ko kayang hindi ipaalam sa'yo, Jamie. Alam kong higit sa kahit kanino, ikaw ang may pinakamalaking karapatang malaman." Pinindot na niya ang power off button sa induction stove, at saka siya naghain ng mga plato at ng mga iba pang kailangan sa hapag-kainan.

"Well, gustuhin ko mang sabihin sa'yo kung nasaan sila, I can't dahil miski ako eh hindi ko rin alam. Tipid lang 'yung details na sinabi sa akin ni Tito Vio, at naka-ilang tanong ako kung saan ako pwedeng pumunta para sana man lang ay makiramay, dahil nawala na rin si Tita, ang mama ni Xavier. I tried to ask him, pero hindi niya ako sinagot."

Umupo sila sa tabi ng isa't-isa, si Andy sa harap ko. "Ang alam ko lang, noong Friday daw ay umalis si Xavier ng bahay nila, may pinuntahan pero hindi raw man lang nagpaalam sa kanila."

Friday. Pilit kong inalala ang lahat.

"Meet me right now, love. Please..." 

"I'll be waiting for you at the gazebo, okay? Please be here, Ruther... I need you so much, love. Please."  

"Please be here, Ruther... I need you so much, love. Please."

"Please..."

I felt my heart shatter into a million pieces. Pilit kong pinigilan ang mga luha sa mga mata ko kahit gaano kasakit. Friday... The love of my life begged me to be with him because he needed me that day.

How We FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon