[68]

552 11 3
                                    

J a m i e

Kung sana, nandito lamang siya para makasama ko sa isa sa mga pinakamahalagang selebrasyon ng buhay ko, wala na akong ibang mahihiling pa.

Kung sana, nandito lamang siya.

Nagsimula na ang pagsayaw sa akin ng ilang mga lalaki sa buhay ko. Mga pinsan, mga dating kaklase, mga kaibigan. Dahil wala si Daddy ngayon dito, si Keith ang huling lalaking makakasayaw ko. Habang sinasayaw ako ng iba't-ibang lalaki, ay madalas akong mapatingin sa kanya, na diretso lamang ang tingin sa akin at nakangiti ng makabuluhan.

"Hey," sabi sa akin ni TJ at inabot ang pulang rosas na hawak niya sa akin. Naka-brush up rin ang buhok niya, at nakakapanibago iyon dahil palagi lang gulo-gulong nakataas ang buhok niya. Ang pormal at ang gwapo niyang tingnan. Marahan niya akong hinila papalapit, at hinawakan sa bewang at saka kami nagsimulang magsayaw. "How does it feels like to be dancing with the hottest man in the universe?"

Napangiti na lamang ako at umiling-iling. Kasayaw niya pa rin ako. "Wala ka pa ring pinagbabago, Travis."

"I really missed you calling me Travis," nakangiti niyang sabi. "Jamie, thank you. Salamat, dahil tinanggap mo pa rin ako bilang kaibigan mo. Salamat rin, dahil kahit ni-reject mo ako, at least, ngayon masaya ako kasama ang babaeng sobra ko nang papahalagahan at mamahalin." Nakatingin lamang ako sa kanya at hindi maialis ang ngiti sa mga labi ko. "Sabi nila, magbigay daw ng wishes para sa celebrant habang sinasayaw. Pero paano 'yun? Nasa'yo na ang lahat."

Unti-unti namang naglaho ang ngiti dahil naisip kong wala naman sa akin ang lahat.

Ngayong wala na siya.

"Jamie, all I could wish for you? All the happiness I know you deserve." Inilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ang noo ko. "Happy birthday. I am always here for you, and I love you. 'Wag kang mag-alala, ngayon lang 'tong ka-kornihan kong 'to." Tumango na lang ako at pinilit ngumiti.

"Thank you," saad ko. Habang lumalakad siya papalayo, tiningnan ko ang kamay kong may hawak nang 16 roses.

"Happy 18th, Jamie." Tumingala ako sa mukha niya at nagtaka kaagad.

Ibinigay niya sa akin ang isa pang pulang rosas na hawak-hawak niya, at saka kami nagsimulang sumayaw.

I stood frozen.

"What to wish for a Jamie Ruther Fernandez? Kagandahan? Already given. Kabutihan? Given. Katalinuhan? Given. Pagmamahal? Marami na siya nun."

"K-Keith, you should be--"

"I know." He smiled warmly. "Jamie, for how many years I have been with you... I was there through almost everything. Bilang best friend mo. Bilang shoulder to cry on mo. Bilang taga-cheer mo tuwing nalulungkot ka. I could have been anything you ever wanted me to be. For how many years I was so in love with you, but I have always been too scared to tell you."

Nangingilid ang mga luha sa mata ko. "Keith..."

"Pero hindi ako matapang. I'm not and never will be a strong man. In my own life, I have made a lot of mistakes. I have caused a lot of trouble. Siguro nga kaya hindi ko nagawang magsabi ng totoo sa'yo noong una pa lang. If anything at all, it was because you were too good for me. Ikaw... Ikaw 'yung babaeng papangarapin ng kahit sinong lalaki. I mean, you have a pretty gorgeous face but the goodness of your heart makes you stand out from all the rest."

I smiled. Keith and I have been through a lot, and although he's not meant to be my prince in my own love story, I will always be thankful for him.

"And tonight, after so many nights in my life, I just finally want to make something right."

Tumigil siya sa pagsasayaw sa akin pero nakatitig lamang ang mga mata niya sa akin.

"Like I said, you have everything. Well, almost..." He laughed. Naeestatwa lang ako. Hindi ko maintindihan.

"Because you have everything, except one thing. Good thing your best friend has the one missing puzzle piece."

"A—ano, Keith?" I stuttered. Bakit ako kinakabahan?

He smiled even wider and kissed me on my cheek. "Happy, happy 18th birthday, Jamie."

"A—ano ba 'yun, Keith? Kinakabahan ako sa—" Halos walang pumapasok sa isipan ko.

Nang tumigil ang buong mundo.

The huge doors of the function hall opened widely. Agad akong napatingin doon at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

How could this be real?

Para bang nawala ang music, naglaho ang lahat. Para bang tumigil sa paggalaw ang buong paligid.

I felt tears run down my cheeks and I just couldn't explain what I felt. My heartbeat went louder and stronger as the missing puzzle piece completed me.

He went closer.

And closer.

And I stood there, frozen and unable to move.

Nang kinuha ni Keith ang kamay ko at iniabot sa lalaking iyon ay ngumiti siya sa akin nang maluwag.

"This is for the person who is truly deserving to be your last dance."

How We FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon