A n d y
Hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang ganda ko, o dahil sa pagkalakas-lakas na pagkakasigaw ko ang dahilan kung bakit nagsitinginan sa amin ang mga tao dito sa canteen.
Ah, how I love the attention. And for more, I smirked and faced the audience. "Everybody heard it right! I am his ex-girlfriend!"
"Ex...girlfriend...?" tanong ni Jamie. Bakas sa tono ng pananalita niya na nagulat siya at nagtataka. Hah, that fugly girl. I knew Xavier would never tell her.
Nakangiti ko siyang hinarap. "Yes, Jamie Fernandez. Ex-girlfriend." Tinaasan ko siya ng kilay habang nakangisi. "Naging kami for a year. Two years ago. Just so you kno--"
"Andy, what the hell is your problem?!" sigaw sa akin ni Xavier. Kanina pa pulang-pula ang mukha niya. Aww, ang cute niya namang kiligin. "Why the hell are you bringing this up?!"
"Uhm, bakit?" sabi ko. "Wala bang karapatan ang current girlfriend mong malaman kung sino ang past mo? Para naman alam niya na may mas nauna at mas nakakalamang sa kan--"
"Shut your mouth. It was long gone." Nakita kong humigpit ang pagkakaakbay ni Xavier kay Jamie. "At walang makaka-lamang sa kanya, Andy. Not even you being my first."
Umirap ako nang magsalita si current girlfriend.
"B-bakit hindi mo sinabi sa'kin?" tanong niya kay Xavier. Sus, arte lang 'yan uy!
"Sorry, love. I didn't have to. It was the past."
Pakiramdam ko, gustong umalis ni Jamie sa pagkakaakbay ni Xavier. Sabi ko na nga ba, it's this easy. Konti na lang, break-up na 'to. I really hope they do. Ang galing ko namang manira ng relasyon kung ganun. Nice, nice, new achievement. Nakakaproud ang ganda ko!
"You are my present and you're all that matters now."
Agad na nawala ang ngisi sa mukha ko. Tiningnan ko sila ng masama habang inaalis ni Xavier ang pagkakaakbay kay Jamie at saka hinawakan ang kamay nito ng mahigpit.
"Believe me, I've moved on and don't care anymo--"
"Look, I believe you, love, okay? And I don't care whatever she says. I know she only wants to give me a reason to break up with you." Pinantayan niya ang mahigpit na pagkakahawak ng kamay nito. Napanganga na lang ako nang harapin ako ni Jamie at saka ngumiti ng maluwag. "Well, mission failed."
J a m i e
Sa totoo lang, wala naman talagang kaso sa akin kung sino man ang mga naging girlfriend ni Xavier. Sa gwapo niyang iyan ay tiyak na marami na 'yang napaibig. Ang tanging ikinagulat ko lang, ay sa lahat-lahat ng mga babae sa mundo, iyon pa palang kaaway ko. Pambihira, small world.
"Tapos? Anong naging tawagan ninyo? Saan nagsimula? Sinong nauna?" sunod-sunod kong tanong. Siguro nga ay pang-isandaan ko na 'tong tanong sa kanya tungkol sa naging relasyon nila ni Andy.
Nagpatuloy lang siya sa pagd-drive. "Love, relax. Isa-isa lang!" Itinigil niya ang sasakyan dahil nag-red light. Tumingin siya sa akin nang nakangiti. "Ang cute mo naman kapag nagseselos."
Kumunot ang noo ko. "For your information, hindi po ako nagseselos."
Jusko, pakiramdam ko ay kukulangin ako ng oxygen nang ngumuso siya. "Ano ba 'yan, nakaka-disappoint. Parang tinamad na yata akong magkwento..."
"Oo na, nagseselos na!" Hindi ko mapigilan 'yung bugso ng damdamin ko. Kailangan ko lang talaga 'tong ilabas. Hindi ko lang talaga ma-take 'yung katotohanan na-in love si Xavier kay Andy.
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...