X a v i e r
"Siya pa rin ba hanggang ngayon?"
"Kailangan mong maintindihan..."
"Kahit ano naman talagang gawin ko, 'di ba? Kahit anong gawin ko... It will always still be her!"
"I-I'm sorry..."
"I'm sorry?! I'm sorry lang?! Ikamamatay ko 'yang sorry mo!"
"Reeve, sorry..."
Reeve, sorry...
Reeve...
"Fuck!" Agad akong bumangon at hinabol ang paghinga ko. Kinapa ko ang leeg kong basa na sa pawis. I closed my eyes and heaved a breath as I brushed my palm on my face.
"It's just those dreams again, Xavier. Calm down..." I shook my head and tried to get it out of my mind.
I got out of bed and looked at my clock. It's 5:23 am. Hindi na ako matutulog ulit. I doubt that I'll still be able to sleep, anyway. Mag-aayos na lang ako para masundo ko pa si Ruther sa kanila.
Well, this is it, Xavier... The game has begun.
*
"Xavier, good morning!" Tita Carmi gracefully greeted upon seeing me when she opened the door. "Halika, pumasok ka sa loob. Nag-aayos pa siya sa taas."
I smiled. "Good morning din po, Tita. Sige po, maghihintay na lang po ako..." sabi ko habang naglalakad papunta sa sofa. Pinaupo ako doon ni Tita. She asked me about a few things that was quick to answer. Nararamdaman ko, magaan ang loob niya sa akin.
This is good, right? I need to get the key to her mother's heart... I think I'm about to.
We were laughing when we started hearing footsteps coming from the staircase. Napaangat ako ng tingin at ngumiti nang nakita si Ruther. Binagalan niya ang pagbaba habang nagtataka akong tinitingnan. But she eventually smiled.
Sa totoo lang? Ang ganda niya. She's really beautiful, inside and out. I do admit, siguro nga, may kakaiba akong nararamdaman tuwing kasama ko siya. Pero siyempre, utak ko pa din ang papaganahin ako at hindi itong puso ko.
Dahil kapag itong puso ang pinagana ko? Wala. Bandang huli, ako ang matatalo.
"Morning..." sabi ko nang nakangiti at tumayo na. "Sabay ulit tayo."
She nodded her head and kissed Tita Carmi's cheek as goodbye. I took her bag and we went out. Sinundan kami ni Tita hanggang sa makalabas kami ng gate.
"Mag-iingat kayo..." sabi ni Tita sa amin bago ko pagbuksan si Ruther ng pintuan ng kotse. I smiled and nodded my head.
Tita... I think, siya ang dapat na mag-ingat sa akin.
J a m i e
So... Xavier's officially courting me.
Ewan ko ba kung ano dapat kong maramdaman. Nakakakilig, na nakaka-excite... na, ewan. Nakakapanibago 'yung feeling. Hindi ko sigurado kung bakit pero nagkakahalo-halo lahat. Basta, I don't want to rush this. I like this one to go slow. Alam ko na hindi imposibleng mahulog ako sa kanya nang tuluyan. Kung ngayon pa nga lang, kakaiba na 'tong nararamdaman ko... Pa'no pa kaya kung tumagal?
Gusto kong mahulog... pero natatakot akong bumagsak.
Am I overthinking things? Maybe the fear that I'm feeling right now is just because I fear the pain. But it's inevitable, anyway. When you love, you get hurt. That's reality.
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...