[47]

546 11 0
                                    

T r a v i s

"Andy, ano ba 'tong pinapagawa mo sa'kin?"

"Kunwari ka pa eh. 'Wag ka na nga pakipot. Gawin mo na lang."

Tama, tama. Pabor kaya sa akin 'yung pinapagawa nitong Amerikanang 'to.

"Sige, sige. Ako na bahala kay Jamie."

Ngumisi siya. "Good."

"Ano ba role mo dito?"

"Basta. You'll be surprised," tinapik-tapik pa niya ang pisngi ko. "Don't you worry. I'm sure whatever happens, ikatutuwa mo 'yun."

Kaya ito ako ngayon, pagkauwi mula sa condo ni Andy, umuwi na din ako sa amin. Nag-ayos ako ng sobra, nagbabaka-sakaling mainlove na din sa akin si Jamie. Grabe naman 'yan. Lahat na nga napaibig ko eh. Si Emmanuelle, si Andy... Pero si Jamie, hindi.

"Jamie, can we meet at the coffee shop later? At 5 pm perhaps? We have to talk about something." Pagkatype ko, naka-ilang checks pa ako for any grammatical errors. Noong pang-sampung review ko dito, napagtanto kong okay na itong i-send.

Matapos ng mga limang minuto, nag-reply na si Jamie.

"Is it about Ellie? Of course. See you, TJ."

Haaay... Pag talaga kay Ellie, lagi na lang siyang naka-oo. Na-witness ko din kung paano silang dalawa bilang mag-bestfriends. Halos mapagkamalan na ngang tomboy ang isa sa kanila dahil sa sweetness nilang dalawa. Kaya naman naiintindihan ko din kung bakit malungkot si Jamie sa pagkawala ni Ellie. Pero hindi lang naman kasi ako ang dahilan kung bakit umalis si Emmanuelle. At hindi dahil sa nakita ko siyang may ka-date na ibang lalaki kaya kami naghiwalay.

Kundi dahil, hindi nagsurvive ang LDR para sa amin.

*

Maaga akong pumunta sa coffee shop, 4:30 pa lang nandito na 'ko. 40 minutes na din ang nakakalipas. Hinihintay ko na si Jamie na makarating. Maya't maya akong nag-aayos ng buhok ko, checking to see kung papable material pa din ako. Well, the faces that are staring at me prove something.

"Sir, would that be all po?" Tumingin siya sa table ko, at tiningnan ang mga pagkaing inilapag niya. Pancakes, cupcakes, donuts, brownies, and two large cups of frappes, na may whipped cream sa ibabaw.

"You think?" Napatawa ako, at siya din naman.

"Grabe, ang cute naman ni Sir."

Aba, nilandi na ako. Medyo napalakas na lang ang tawa ko noong kumindat siya sa'kin.

Tsk. Iba talaga ang kamandag mo, Travis Johan.

"TJ!"

"Oh. Girlfriend niyo po?" Tiningnan niya si Jamie, na kasalukuyang umuupo sa harapan ko. I just smirked, not giving a sure answer, but hopefully shutting her up. Which was useful. Umalis na siya sa table namin, at pinagpatuloy na ang pagseserve sa iba pang mga customers.

"Para sa'ting dalawa lang 'yan?" matawa-tawa niyang sabi habang nakatingin sa nagkakanda-siksikang mga pagkain sa coffee table namin.

"Yup." Ngumiti ako. "Hey, you look really pretty." Ah, damoves 101. Ang ganda niya kasi talaga ngayon. She was wearing light makeup on her face. Maganda din ang light yellow dress na suot niya, na lalong nagpaputi sa balat niya.

"Thanks, TJ. You look... good as well." Too hard for Jamie to call someone handsome, eh? "So what was it you wanted to tell me?" Kinuha niya ang frappe niya at sumipsip sa straw nito.

How We FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon