[29]

609 9 0
                                    

J a m i e

I'm scared.

But I'm scared enough to actually risk taking this chance.

Nakatingin lang ako sa screen ng phone ko at binasa ulit ang reply niya sa text ko.

Xavi:
Meant to be talaga tayo 'no? I was just about to ask you out for tonight. I'll be there at exact 6, wait for me okay?

Napangiti na naman ako. Ilang ulit ko na bang binasa 'to? Dalawa? Tatlo? Apat? Hindi ko na mabilang. Pero hindi ko ba alam kung bakit hanggang ngayon, napapangiti pa rin ako. Ano bang ginawa ni Xavi sa akin? Tinamaan na yata talaga ako. Nakangiti pa rin ako nang bumangon na ako mula sa higaan ko. Pinag-isipan ko kasi ang sinabi sa akin ng mga magulang ko. Nagpaalam na rin ako sa kanila tungkol sa gagawin kong desisyon. Buong-buo na ang desisyon ko, at alam kong hindi ko pagsisisihan 'to.

Kung tutuusin ay sobrang swerte ko kay Xavier. Bukod sa ubod siya ng gwapo ay mabait, matalino, gentleman, sweet at marespeto siya. Lahat na siguro ay nasa kanya na, ako na lang nga ang kulang eh. Chos.

Kumuha na ako ng tuwalya at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis na rin ako. Dahil nga ito na 'yung araw na 'yun, pinaghandaan ko na. Nagsuot ako ng isang fitted cream colored dress na hanggang tuhod. Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin nang magbukas ang pinto at pumasok ng kwarto ko si Mommy.

"Syempre, kailangan ng audience participation!" sabi ni Mommy at saka natatawang kinukulot ang mahaba kong buhok, na kapag diretso lang ay hanggang bewang ko ang haba. Malalaki ang ginawa ni Mommy na curls at bumagay iyon sa suot ko at sa akin. Siya rin ang naglagay ng eyeliner at mascara sa mga mata ko at nilagyan niya rin ako ng lip gloss.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at hindi napigilang mapangiti. Ngayon lang ako sobrang nagandahan sa sarili ko. Siguro nga't kakaiba itong gabing 'to para sa'kin.

"Ang ganda talaga ng anak ko," sabi ni Mommy habang inaayos ang posisyon ng mga curls. "Lalong maiinlove sa'yo si Prince Charming niyan." Lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niyang iyon. "Maiba ako, nagkausap na ba kayo ulit ni Elle?"

Awtomatikong naglaho ang ngiti sa mukha ko. Umiling-iling ako habang nakatingin pa rin sa salamin, sa repleksyon naming dalawa. "Hindi pa, Mommy... I haven't heard from Ellie ever since..." Bumuntong-hininga ako. I miss Elle. I miss her, I miss my best friend.

"Don't blame yourself, sweetie." Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at hinarap ako sa kanya. "Maybe she's just busy."

"For three years?"

Huminga ng malalim si Mommy at saka ako matamang tiningnan. "Sorry I brought it up. 'Wag mo nang isipin 'nak. Malulungkot ka lang. Sayang ganda! Handang-handa pa man din tayo ngayon." Tumawa siya pero hindi pa rin noon napagaang ang atmosphere. Tama si Mommy. Hindi ngayon ang tamang oras para magmukmok ako dahil sa pag-alaala sa kanya.

This night is all about me and him.

*

"Gising na, anak. Mag-a-ala sais na ng gabi. On the way na si Prince Charming." Nagising ako dahil sa pagtapik-tapik niya sa balikat ko. Nakatulog pala ako dito sa sofa. Ang aga ko kasi masyadong nag-ayos, alas-dos pa lang ay nakaayos na ko. Buti na lang nga at kahit nakatulog ako, hindi nasira ang pagkakakulot ng buhok ko at maayos pa din ang itsura ko. Agad akong tumayo at dahil alam kong may mascara ako, hindi ko kinusot ang mga mata ko. Humarap kaagad ako sa salamin at inayos ulit ang buhok ko. Inayos ko rin ng kaunti ang buhok ko.

Akma na akong uupo ulit sa sofa at magcecellphone nang biglang nagsalita si Mommy.

"Ops, teka." Huh? Nagtataka akong tumingin sa kanya.

How We FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon