K e i t h
'Wag.
'Wag, Jamie, 'wag.
'Wag na 'wag mo siyang pagkakatiwalaan.
"Ako na lang maghahatid sa'yo pauwi," sabi ko sa kanya habang sinusubukan siyang sabayan sa mabilis niyang paglalakad. Dire-diretso pa rin siya at hindi pa rin siya tumitigil. Hindi man lang niya ako tinitingnan. Ano pa bang kailangan kong gawin?
Two weeks! Two damn weeks without proper and enough communication. I hate it. I hate this! Hindi ako sanay nang ganito. Hindi ako sanay na hindi kami magkasama, magkaasaran, magkainisan, at magkatuwaan.
"Iniiwasan mo ba ako? Jamie, ano ba?" Naihigit ko ang braso niya. That's when she slowly turned to me.
A lot of emotions were evident in her expression. Irritation, disappointment, and what I don't understand. I looked at her intently as I tried to read her mind.
Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak nang mahigpit sa braso niya. She then looked at me again. "Bitiwan mo nga ako! Para tayong mag-syota dito."
Bahagya akong napangiti at napailing habang dahan-dahang binibitawan ang kanyang braso. I really do miss her. And even at these times where she seems too hard to tame. "Tara na. I'll get you home."
Iniwas niya ang tingin niya sa akin. "'Wag na. Samahan mo na lang si Andy."
Tinagilid ko ang ulo ko at pinagmasdan siyang mabuti. Kumunot ang noo ko. "Panget, hindi ko tinatanong sa'yo kung gusto mo bang magpahatid sa'kin pauwi. Ang sabi ko, ihahatid kita pauwi. So I will, whether you like it or you don't."
Tumingin ulit siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Ang sungit! "At bakit? May pa-ganyan-ganyan ka pang nalalaman? Tumigil-tigil ka nga ha, Keith. Go back to your girlfriend and let me handle my own self. I can manage."
Ngumuso ako.
"'Wag kang mag-duck face dyan. Unggoy ka, hindi ka bibe." Inirapan niya pa ako. Man, I really miss her.
Tinalikuran niya ako at naglakad ulit papaalis. Agad ko naman siyang hinabol. "Jamie naman kasi!" pagpupumilit ko habang mas binibilisan ang paglalakad. "Sabing ako na nga ang maghahatid sa'yo."
"E sa ayaw ko, e!" she said as she walked faster, too. Damn! Mukha tuloy kaming may LQ, kahit na hindi naman kami lovers. Alright, let's call it BQ instead. Best friends' quarrel.
What the heck is that gayshit, Keith?
"Ano ba, Keith! Para kang stalker!" Ramdam ko ang pagkainis sa tono niya. I watched her rake her hand through her long hair to fix it when the wind blew. "Ang kulit mo! Pumunta ka na nga sa babe mo. Machi-chismis pa tayo dito!"
"I don't care what the hell they think, okay?" I told her, now walking at her side.
Napatigil naman siya sa paglalakad. She looked at me in frustration. "Well, I do." She heaved a breath. "Ayokong pagselosan ng girlfriend mo, and worse, maging dahilan pa ng pag-aaway niyo or, worst -- paghihiwalay niyong dalawa. Kaya 'wag na lang, Keith."
"Iyon lang ba talaga ang dahilan?" tanong ko sa kanya.
Humalukipkip siya. "Bakit? May nakikita ka bang iba pang dahilan?"
Huminga ako nang malalim at mataman siyang tiningnan. "I don't want you to be with him, Jamie, okay?" I shook my head. "I don't. Ayoko. I-I don't trust that guy. Kahit ngayon lang, please. Ngayon lang naman ulit ako makakabawi sa'yo. Two weeks na tayong hindi nagkakasama, ah? Don't you miss me?"
She just sweetly smiled at me as she walked a little closer. Marahan niyang pinisil ang pisngi ko. "Spend your time with your girlfriend, not with me..." she said, and moved two steps back. "And I'll spend mine with whoever I want..."
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...