J a m i e
"Love, 'di nga... Bakit kayo nasa lab kanina?" tanong ko nang may seryosong tono. Nasa loob na kami ng kotse niya at nagdadrive na pauwi. Hindi kasi ako mapapakali hangga't 'di ko nalalaman ang rason kung bakit sila magkasama doon. "It's okay, tell me."
Tumingin siya sa akin, at ngumiti ng malambing. "She pulled me in while I was walking. Sabi niya sa akin mahal pa daw niya ako, and all that."
"Ikaw...? Do you still..." Lumunok ako. "...love her?"
"No, love." Umiling-iling siya. "I don't."
"Baka kasi you're starting to lose interest..."
"Me?" Tinuro pa niya ang sarili niya. "Losing interest on you?" Tumingin siya sa akin. "I'll never do that. I'm so afraid to lose you," sabi pa nito. "Para ko na ding sinaktan ang sarili ko kapag pinakawalan pa kita."
"Ang swerte ko sa'yo." Ngumiti ako sa kanya, at ngumiti din siya.
"Kung may maswerte sa ating dalawa, ako yun."
"I just love you. Really."
"I love you too," sabi niya. "Kahit anong mangyari, lagi mong tatandaan na totoong minamahal kita."
Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Anong kahit anong mangyari? May sakit ba 'tong boyfriend ko? Inililihim ba niya sa akin na may malubha siyang karamdaman? Naghahabilin na ba siya? Pambihira, anong problema?
"Ano? Bakit?" Halata sa boses ko ang pag-aalala.
"Wala," sabi niya nang may matipid na ngiti. Lalo akong kinabahan. Nagpatuloy lang siya sa pagdadrive at huminto na sa harap ng gate namin. Agad siyang lumabas, ako naman naiwang nakatulala, iniisip pa rin ang mga sinabi niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto, at kinuha ang kamay ko para makalabas ako ng kotse.
Nakita kong nakatitig lang siya sa akin, nang nakangiti pa rin pero hindi puno ng kasayahan. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko noong bigla niya akong niyakap nang mahigpit. "Lagi mong tatandaan na minamahal kita nang totoong totoo."
"Love naman eh. Ano bang nangyayari?"
"Wala. Basta I love you," hinaplos niya ang buhok ko. "I love you, Jamie Ruther."
"I love you more."
"Please don't love me more..." Bumulong siya sa akin, na sobrang nagpagulo sa isip ko. Nangingilid na talaga ang luha ko. Pucha naman kasi ano bang meron? "Ayokong masaktan ka."
"Wag mo lang ako sasaktan," niyakap ko pa siya nang mas mahigpit. "Promise me.."
Unti-unti lang siyang bumitaw sa pagkakayakap, at ako naman napatulala. Yumuko siya, at tumingin sa akin, ngumiti na naman ng tipid, at sinabing, "Basta lagi mong tatandaan kung gaano kita kamahal. Totoo yan." Pinunasan niya ang mga mata ko gamit ang panyo niya. "Wag ka nga dyan. Wag kang umiyak. Ayokong makita kang nagkakaganyan."
"Tinatakot mo naman ako eh," mahina kong pagkakasabi. Nanghihina na din ako sa mga oras na 'to. "May nangyari ba?"
"Wala.." Kinuha niya ang mga kamay ko at hinaplos ito. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Nakaramdam na naman ako na may balak na naman na maging 20 beats per second itong puso ko. Ito na ba yun? First kiss ko na ba 'to?
Pinikit ko na ang mga mata ko, at hinihintay na siyang lumapit pa.
Pero bigla niyang iniliko ang mukha niya at sa pisngi ako hinalikan. Napangiti ako.
"Uwi ka na, baka abutin ka pa ng gabi." Sabi ko, at ginulo nang kaunti ang buhok niya. Hindi naman siya nainis o nairita, tumawa pa nga siya eh. Sa wakas nasilayan ko na ulit ang masayahin niyang aura. Mula kasi kaninang umaga, ramdam ko ang kakaibang lungkot niya. Nampotek oh, wala akong kaalam-alam kung ano na ba talaga ang nangyayari dito sa mahal ko.
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...