J a m i e
Bakit ba sobrang saya, sobrang sakit, at sobrang komplikado magmahal?
I never had an answer. Not all questions need an answer, though. May mga tanong kasi na hanggang tanong lang. May mga bagay na kailan man ay hindi natin masasagot. May mga bagay na hindi tiyak at hindi tayo sigurado.
But there's one thing that I'm certainly sure of.
I am in love with him.
Huminga ako nang malalim habang inaayos ang pagkakabitbit ng backpack ko at saka siya matamang tiningnan. He stood there, standing on the doorway, making such an entrance so effortlessly.
My lips automatically traced into a smile as he waved his hand at me. Mabilis siyang naglakad papunta sa pwesto ko. I felt my heart race with his every step. Pinakiramdaman ko lamang ang mabilis na pagtibok ng puso ko na tanging siya lang ang nakakapagparamdam sa akin.
"Jamie," pagtawag niya sa akin habang nakangiti at saka ako niyakap nang mahigpit. Ni hindi ako makagalaw at para bang naestatwa ako sa amoy ng panlalaki niyang pabango. I missed him, alright.
I missed my best friend.
I simply patted his back. "Hindi mo naman ako masyadong na-miss niyan?" natatawa kong tanong.
Tumawa rin siya at niluwagan na ang pagkakayakap sa'kin. I can't help but feel uncomfortable because of the stares everyone were giving us. But of course, anyway! Who wouldn't? He's one of Mevington High's biggest campus crushes. And he's hugging... me. Ano nga ba ang iisipin nila? Naaalala ko nga n'ung nakaraang taon, maraming chismis na kumalat tungkol sa relasyon naming dalawa.
But you see, that's the thing. We're not in a relationship. We're just best friends, and that's all we'll ever be.
Matagal ko na 'yong tinanggap.
"Sobrang saya ko kamo n'ung nalaman kong ka-section ulit kita. Meant to be talaga tayo, noh?" tumatawa niyang sabi. Butterflies roamed around my tummy.
Meant to be tayo. Meant to be best friends.
"Yuck! Meant to be ka dyan." Tumawa rin ako nang kaunti. "Ang sabihin mo, masaya ka lang dahil may libreng pa-tutor ka ulit sa Math."
Lumakas ang tawa niya. Gusto ko siyang pigilan kasi para bang sasabog ang puso ko tuwing tumititig sa kanya kapag tumatawa siya. Nakaka-tulala!
"Nakuha mo rin!" We laughed as if no one was watching. Well, until he stopped laughing and his lips then turned into a knowing smile.
I inwardly sighed as I saw him staring somewhere over my head.
"Wait lang, bes. I think I just saw an angel pass by." Mabilis siyang nakaalis sa pwesto ko at saka tumakbo papalayo sa akin, papalapit sa mala-anghel na babaeng matagal-tagal na rin niyang gusto. Halata na rin naman na siya ang gusto ni Keith. Magmula Grade 8, siya na.
And yes, Andy Morseff has his heart. Last year lang siya pumasok dito sa Mevington High, dahil tinapos niya ang junior high school sa ibang school. Dati pa siyang kilala ni Keith, at katulad ng lagi niyang sinasabi sa akin, love-at-first-sight daw iyon.
Tinagilid ko ang ulo ko habang pinagmamasdan ang lalaking mahal ko habang kausap niya ang mahal niya. Masaya silang nagtatawanan at para bang napakaganda ng pinag-uusapan. I watched him take her books with one hand. Napalunok ako sa kurot na naramdaman ko sa puso ko.
Wala kang karapatan, Jamie. Tandaan mo: best friend ka lang.
I closed my eyes as I let myself drown in the painful thought. Totoo, wala akong karapatang magselos o magalit dahil una sa lahat, walang kami. Hindi siya pagmamay-ari ko para ipagdamot ko. And that makes it all even hurt a little more.
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...