K e i t h
As soon as the bells rang for our dismissal, I quickly prepared my stuff and was even the first one to go out of the room. This time, sisiguraduhin kong ako na ang kasabay ni Jamie pauwi para naman masigurado kong ligtas siyang makakauwi. Para hindi na rin maulit 'yung mga nangyari kagabi. Damn. I'll die from a heart attack being that worried about her.
Naglakad ako papuntang exit ng school at sumandal lamang sa isang gilid. Wala ka nang kawala sa'kin ngayon, Jamie.
Nang tumagal-tagal ay nakaramdam na ako ng pagkainip. Imposible namang abutin 'yun ng 20 minutes sa paglalakad? Imposible ring sumakay na siya sa service niya dahil natatanaw ko ang hilera ng mga school service mula sa kinatatayuan ko. Nasaan na naman ba kaya 'yung babaeng 'yun? Nalaman kaya niyang may balak akong ihatid siya pauwi kaya tinakasan na niya ako kaagad?
Pero, hindi naman siguro. Paano niya magagawa iyon kung iisa lang naman ang exit nitong school?
Sandali nga, Keith. Nababaliw ka na ba? Kinakausap mo na 'yung sarili mo!
"Nakakatakot magalit si Andreanna, noh?" ani isang lalaking taga-kabilang section. He must be one of the many guys who are head-over-heels for her.
"Oo nga, e. Grabe. Mahal na mahal yata talaga n'un 'yung kupal na Keith na 'yon. Hindi naman siya pinapahalagahan... Brad, kung ako iyon!"
Napatuwid ako ng tayo at mataman silang pinagmasdan. Nananadya yata ang dalawang 'to. I'm sure they know I'm here. Nagtitimpi lang ako habang patuloy sila sa pagpaparinig.
"Chicks din 'yung Jamie, noh? Kaso ayoko. Sabi, malandi daw, pare e!" tumatawang sabi ng isa.
My jaw and fists clenched in anger. They better not involve Jamie here. Ayokong makipag-away pero sinusubukan talaga ako ng dalawang 'to!
"Nasa loob yata ang kulo. Okay 'yun, pare! Inosente tingnan pero..."
Damn it. I'm done trying to be nice, alright!
"What the?!" sigaw ng isa nang tumama ang suntok ko sa mukha niya. Looks like the jerk didn't expect it. Tumumba siya sa sahig at agad na dinaluhan ng kasama niya. Malutong na mura ang pinakawalan nito pero wala akong pakielam.
"Bastos ka, e noh?" galit kong sigaw sa kanya. "Kanina ka pa, ah!" He better be thankful that's all he got. God knows I could've done something worse!
"E ano bang pakielam mo, pare?" sabi niya na para bang pa-inosente pa. Halos kumulo ang dugo ko.
"'Wag na 'wag mong lalapitan si Jamie!" Inangat ko siya nang hawak-hawak ang kwelyo ng kanyang polo. His lip was bleeding. Oh, dude. You've got no idea who you just messed with.
"Instead of trying to save her from me," nakangisi niyang sabi at saka pinunasan ang nagdudugong labi. "Why don't you save her from your girlfriend first, huh?"
Nagsalubong ang mga kilay ko at unti-unting lumuwag ang pagkakahawak sa kwelyo nito. "Ano'ng sinabi mo?" mariin kong tanong.
"Yeah, that Jamie chick? She's a mess right now." Lalong lumawak ang ngisi niya.
Mabilis ko siyang tinulak at bumagsak siya sa lupa. Wala na akong pakielam. Tumakbo kaagad ako pabalik sa loob ng campus para hanapin siya!
Nagpakawala ako ng ilang mga mura habang dire-diretso lang ang pagtakbo papunta sa kung saan. Pucha. Naiisip ko pa lang na may masabing masama si Andy sa kanya, nag-iinit na ang dugo ko.
"So? Speak up, bitch!"
Agad akong natigilan nang makita si Jamie sa isang sulok, pinapaligiran ng grupo ni Andy at ng mga iba pang babaeng hindi ko kilala. Kalat-kalat ang mga libro niya sa sahig.
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...