J a m i e
Pagkagaling sa church, pumunta ako sa coffee shop.
Oo, ako lang mag-isa. Hindi naman sa lahat ng oras, kailangan kasama ko boyfriend ko. Of course we also get to spend our time on our own, na okay lang naman sa aming dalawa as long as walang nangangaliwa.
Nag-order ako ng brewed coffee at ng all-time-favorite ko ditong carrot cupcake na may cream cheese frosting. Pagkatapos ay pumili na ako ng table, pwede namang sa labas pero mas gusto ko dito na lang sa loob para may aircon. Noong nakapili na ako, naupo na 'ko habang hinihintay kong tawagin ang pangalan ko.
"Jamie?" May familiar na boses akong narinig. "Ikaw ba yan?"
Napatingala ako sa mukha ng lalaking abot-tenga naman ang ngiti. "TJ?"
"Buti naman nakikilala mo pa ako. Kamusta ka na?"
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya, the last time we met was... Basta, more than half a year ago na. I couldn't compose myself. Masyadong unexpected ang pagkikita namin ngayong araw na 'to.
"I-I'm good," yun lang ang nasabi ko.
"You don't mind if I sit here right?" Hmmm... Do I? Parang ang sama ko naman kung tatanggihan ko pa siya. It's okay, para makapag-usap din kami nang maayos.
"Of course I don't." Ngumiti pa siya at umupo na sa harap ko.
Noong tinatawag na ng cashier ang pangalan ko, tatayo na sana ako, noong sinabi ni TJ na "Ako na kukuha." He stood up and got my food for me. Yung sa kanya naman, to follow.
"It's really nice to see you again," sabi nito.
"Same," pagngiti ko na lang. Ang awkward na din kasi ng atmosphere.Nakatitig lang siya sa akin, and just smiling. Hindi na ako masyadong tumingin sa kanya - I couldn't take it. His stares, his smiles... I couldn't.
"Kamusta na si Elle?"
"She's doing fine," sagot niya.
"Does she ever talk about me?"
Yumuko ito. And I knew the answer. "N-no..""Sir Travis Johan, please take your order here," narinig namin ang cashier. Pinuntahan naman kaagad ni TJ ang tray niya ng food, at inilagay sa table.
"Can you please do me a favor?"
"Of course," sabi nito sabay kuha ng one spoonful sa cheesecake slice niya.
"Please tell Elle that I miss her."
"Jamie... Listen, I.." Tumingin ako ng diretso sa kanya, waiting for the next things that are about to slip out of his mouth. "Emmanuelle and I.. we're over."Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Muntikan ko nang maibuga ang iniinom kong kape. "What?"
"It has been a month ever since." Ifinocus nalang nito ang tingin niya sa dessert niya.
"Why did you, TJ?" Medyo galit na ang tono ng pananalita ko. "Why did you break her heart again?"
"I didn't... She did." Bumalik na ang tingin niya sa'kin. "She ended it. Not me."Emmanuelle ended it?
Pero akala ko ba mahal niya si TJ?
'Di ba nga kaya siya nagalit sa'kin?
'Di ba nga kaya siya lumipat ng school?
"That's because you gave her a reason to end it." Mukha akong siguradong-sigurado sa mga naiisip ko. It's because couldn't think of a single reason why Elle would be the one that got away.
"As far as I know, hindi ako ang nakipagdate sa ibang lalaki, Jamie." Seryoso nitong tono, pero hindi naman halatang nasaktan siya sa mga nangyari.
"What?!" Bulalas ko. Buti na lang talaga at hindi ako umiinom ng kape noong sinabi niya yun, kundi siguradong may pinupunasan siya ngayon sa damit niya at sa mukha niya. "Elle... did that?"
"It turns out she loved me, and hated me at the same time." Napangisi siya.
More like she loved him, and hated him for not loving her back.
"But you.. loved her, right?" I want to make sure na hindi niya niloko ang bestfriend ko.
"There's just one thing I assure you..." Nakatingin pa rin siya sa'kin. "I tried."
"I know you did." Sabi ko sa kanya ng may warm na ngiti. "And.. how did it went?"
"First of all, forgetting you was hard."
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...