[63]

467 9 0
                                    

JAMIE

"Stop the car," pag-utos ko pero tiningnan lamang ako ni TJ sa salamin at nagpatuloy lamang sa pagdadrive. "TJ, didn't you hear me? I said stop the car." Hindi pa rin siya natitinag. Tumingin si Andy sa akin, nagtataka. "Kailangan niyo akong ibaba. I have to meet someone. Please, stop the car."

"Meet who?" kalmadong tanong ni TJ habang naka-focus pa rin ang mga mata sa daan. Hindi ako nakasagot kaagad.

"Please, ibaba mo na lang ako. I have to meet someone, I have to——"

"Bakit hindi mo sabihing gusto mo lang makipagkita kay Xavier?" saad niya at agad na hininto ang sasakyan. Nilingon niya ako at minasahe ang sentido niya. Hinawakan naman siya sa braso ni Andy. "This is wrong, Jamie. This is wrong, this is really wrong——"

"Wala na akong pakielam! Oo, mali. Alam ko, alam namin. He is being unfair, we are being unfair to Emmanuelle. Alam kong siya dapat, alam kong sila dapat, pero damn it! Travis, mahal ko eh! Mahal na mahal!"

"Maraming masasaktan kung pagpipilitan niyo lang."

"Ano ba sa tingin mo? Kaming dalawa, hindi kami nasasaktan? Nasasaktan kami, at sa lahat-lahat kaming dalawa ang pinaka-nasasaktan. Travis, kilala mo ako. We've known each other for so long at alam mong kahit kailan, I've never been like this. Kahit kanino, kahit kay Keith hindi ako nagkaganito. Kay Xavier lang. 'Wag niyo naman sana akong pilitin pang mahalin si Keith. Mahal ko siya, oo, pero hanggang bestfriends lang."

"Sana nga katulad mo si Keith. Sana balang araw, matanggap niyang hanggang dun lang talaga ang lahat. Sana, katulad mo, mahalin ka lang rin niya pero bilang best friend lang. Sana ganyan din ang maisip niya. Sana ganyan din ang mag-sink in sa utak niya. Pero hindi kasi, iyang gagong pagmamahal na 'yan. Hanggang ngayon, pinapaasa pa rin siya."

Napatigil ako. What does he mean? Keith is still in love with me?

"Still can't understand?" tanong sa akin ni TJ kaya tumango ako. Napahawak ulit siya sa sentido niya. "Jusko, nakakabawas ng kagwapuhang ipaintindi sa'yo."

"Ano ba kasi, Travis? Get straight to the point. Tell me directly. You're only giving me clues, not the exact——"

"Mahal ka pa din ni Keith!" Awtomatikong naputol ang pagsasalita ko nang marinig ko ang mga apat na salitang 'yun. "At kung masyado kang manhid para hindi maramdaman 'yun... God, Jamie! Alam mo bang kahit kailan, hindi niya nagawang magmahal ng iba? Syempre, syempre hindi mo alam. Kasi manhid ka eh. Kasi torpe siya, at ikaw manhid ka. And vice versa. Kaya walang mapagtunguhan 'yung relasyon niyong dalawa eh. Lingid sa kaalaman ninyo parehas, anim na taon niyo nang bine-bestfriend-zone ang isa't-isa."

Wala akong masabi. Walang pumapasok sa isipan ko, wala.

"Yes, we've said it right and you've heard it right. Six long years. Because ever since he met you, it was all you. Ikaw at ikaw at ikaw lang. Mahal na mahal ka ni Keith, couldn't you see that? Because I could. He loves you, he always has, and he always will — even if you don't anymore."

He's right. I don't anymore. Kasi si Xavier na ang laman nitong puso ko. Siya na, at wala nang iba pa.

The Jamie Ruther Fernandez that loved Keith Kenneth Morales so much does not exist anymore.

"But just because you don't love him anymore — at least not in the way he has always loved you, doesn't mean you'll leave us right here, without even getting your chance to see how he's doing at this very moment. Just because you don't see him the way he sees you anymore, doesn't mean you won't show up at his door right now." Pilit kong pinapakinggan at iniintindi ang lahat ng sinasabi niya. "Kasi higit sa lahat, ay ikaw ang pinakakinakailangan niya ngayon."

"A—ano ang nangyari sa kanya?" Iyon na lamang ang tanging naisambit ko.

"Hindi namin alam. Hindi niya kami kinakausap. Hindi siya kumakain. Hindi siya natutulog. Hindi siya gumagawa ng kahit ano. Hindi siya nakikinig kahit kanino, Jamie, pero alam naming makikinig siya sa'yo. At least, bilang best friend niya, please. Please, tulungan mo siya." Tumango ako kay TJ, at naramdaman na naman ang muling pag-vibrate ng phone ko.

"Because he's drunk as hell, and he's so damn in love with you."

Tiningnan ko ang cellphone ko.

4 missed calls and 5 unread messages.

Nang nagvibrate ito ulit, nabasa ko ang pinaka-huli niyang text.

"I'll be waiting for you at the gazebo, okay? Please be here, Ruther... I need you so much, love. Please."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Pumikit ako at pinilit na lamang hindi intindihin iyon, at kinapa ang power button ng cellphone ko para i-off ito.

I'm sorry, Xavier. Pero sa ngayon, mas kailangan ako ng best friend ko.

*

Pinilit kong alisin sa utak ko si Xavier sa kabuuan ng biyahe. Ilang minuto pa ang itinagal bago kami makarating sa condominium na tinutuluyan ni Keith. Unti-unti na rin akong kinakabahan habang papalapit ako nang papalapit sa kanya. Nasa elevator pa lang, ay hindi na maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko.

At nang makarating kami sa tapat ng pinto niya, halos nanginginig na ako.

"Good luck." Ngumiti sa akin si Andy, at saka inabot niya sa akin ang susi na maaari kong gamitin para buksan ang pinto. Tumingin ako kay TJ, na ngumiti rin sa akin. Pinilit kong ngumiti, at tumalikod na sa kanila para buksan ang pintuan. Halos maihulog ko na ang susi sa sobrang kaba habang binubuksan ko iyon, pero sandali lamang ay nagawa ko nang ipihit ang seradura ng pinto nang dahan-dahan.

Napakaraming basyo ng alak ang nakakalat. Ang black and white theme niya, ay hindi na ganoon ka-ganda't kaayos tingnan ngayon. Ang lahat ng mga bagay ay magulo.

Halos naramdaman ko ang pagdurog ng puso ko nang makita ko siyang nakasandal sa gilid ng sofa niya. Puro sugat ang kanyang katawan, at puro pasa ang mga braso niya. Nang makalapit ako sa kanya, mas lalo kong nakita ang mukha niyang sugatan at nangilid na ang mga luha ko nang unti-unti siyang tumingala sa akin.

"I... think I... have drank... too much... to be..." Ngumisi siya. "...hallucinating... that you're... actually here."

Lumuhod ako, para mapantayan ang tingin niya. "Keith?"

"And you're even..." Suminok siya. "Talking."

Doon ko na hindi napigilang hindi mapaiyak. "Keith, Keith it's me. I am here. It's me." Agad kong kinuha ang kamay niya, at napatingin siya doon. Tiningnan niya ako sa mga mata pagkatapos. Maniwala ka, nandito ako.

"Jamie?" hindi niya makapaniwalang sabi at saka siya naluha kaagad. "Jamie..." Umiiyak na siya.

And God — what a mess he is right now.

What a mess I have done.

How We FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon