[57]

422 9 0
                                    

X a v i e r

"Please, stop locking our son in this basement..." Narinig ko ang pag-iyak ni Mama sa likod ng pintuan. Pinapakiusapan na naman niya si Papa.

"No! Dapat lang para sa kanya 'yan dahil hindi niya ako sinusunod! Baka sakaling magising siya sa katotohanan at pumasok sa utak niyang si Emmanuelle ang dapat niyang pakasalan!"

"Please, Vio. Let him out."

"Mama, okay lang po ako dito. Please go back to your room, baka atakihin ka pa ng sakit mo Ma," nagsalita ako sa may bandang pinto at mukhang narinig naman niya 'yun.

"Son, I promise you don't have to suffer anymore..." pagbulong niya, pero rinig na rinig ko. "Just be patient for now, soon you'll know–"

"Jen!" Papa.

Narinig ko ang mga yabag nila habang papahina ito nang papahina. They left me, again – still inside this basement for three days now. Mahirap man, hindi ko na iniinda 'yun. Mas masakit at mas mahirap ang pinagdadaanan ng puso ko, ang pagkawala ng babaeng pinakamamahal ko. Bawat araw na dumadaang hindi ko siya nakakasama, lalo akong nanghihina. It's like every day, I feel like I don't want to continue tomorrow without her.

Ngayong wala siya, I feel like I'm nothing. Hindi ako ang Xavier na matapang, na masaya... Hindi ako 'yun, at hindi babalik ang Xavier na 'yun kung wala si Jamie Ruther Fernandez ng buhay niya. I don't just love her, I need her in my life.

Makatapos ng isa pang oras ng pagtitig sa kawalan, napabaling ang tingin ko sa pintuang nagbukas.

"Emmanuelle." Naglakad siya papunta sa akin.

"Xavier..." A tear escaped from her eye but I didn't care to wipe it off. What the heart wants, the heart wants... and it's very clear to me it's not her and it will never be.

"Elle, I'm sorry..."

"Shh, okay lang. I understand. For now... I know, I know hindi mo pa talaga natatanggap. But I'm hoping. My hopes are still high, Xavier, I still believe that someday... Someday you'll love me too."

"Elle, I'm sorry... But if I can't ask for forgiveness, can I at least ask for acceptance?" Kinuha ko ang kamay niya. "Acceptance for the truth, Elle. Ang katotohanang pilit na kinakalimutan, pero hindi ko magawa-gawa. Emmanuelle, I'm no robot you can command to love you. Love does not go that way. It hits you before you know it – and in my case, it's not you who hit me."

Nakita ko ang pangingilid ng luha niya, kahit bahagya pa din siyang nakangiti sa akin. Nararamdaman kong nasasaktan siya. Pero mas okay na siguro 'to. Mas masasaktan ko siya kung habambuhay kong itatali ang sarili ko sa kanya dahil alam kong hindi naman siya ang babaeng habambuhay kong gustong makasama.

"Because there's this girl, who hit me, and hit me so hard." I smiled as I imagine her. "She's the girl. She's the one. She's the one for me, Emmanuelle, and there can never be another one."

"But I should be that one, Xavier..." Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya at napakagat siya sa ibabang labi niya. "I should be the girl, I should be the one. I should be your only one, because I am the one!"

Dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya at tiningnan lamang siya. Hindi niya ako naiintindihan, at sa tingin ko hindi na kailanman.

"You were set to marry me. That was a deal, and deals are never meant to be broken. But in my case, hearts are. Because mine... is completely broken."

"But nobody signed papers!" nanghihina kong sigaw. "Bakit? It's true right?! Nobody signed papers so there was never a deal!"

"They talked. They talked, and that's enough."

Tinalikuran ko siya pero niyakap niya ako mula sa likod. "Xavier, please."

"No, it's not enough." Tinanggal ko ang mga braso niyang nakapulupot sa akin at saka siya hinarap. "Nothing's ever enough, Elle."

Bigla akong nakaramdam ng mga tumulo sa pisngi ko. Fuck these tears! Sinipa ko ang mesang nasa gilid naming dalawa.

"Nothing! Nothing's ever damn enough!"

Lumapit pa rin siya sa akin at tumulo na naman ang mga luha niya. She looked at me with pleading eyes.

"Xavier, I'd do everything just to be enough for you. I promise. I promise, you'll be happy with me."

"You don't really get it, do you?" Marahas kong pinunasan ang mga mata ko at pilit pinipigil ang sariling umiyak. "You really don't."

Want to hear the truth from me, Elle? Here it is.

"Sinubukan ko. Sinubukan kong sabihin sa'yo ng mas maayos, ng mas mahinahon dahil ayaw kong masaktan ka. Ayaw ko sanang sabihin ang mga salitang alam kong magpapadurog ng puso mo, pero hanggang dito na lang ang pagpipigil, Elle. Sana, sana magising ka na."

I took a step forward and looked into her eyes.

"Dahil kahit kailan, hindi kita magagawang mahalin."

She cried.

I tried.

How We FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon