J a m i e
Hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Nag-uumapaw iyon at para bang daig ko pa ang nanalo sa lotto. Kanina ko pa hindi maialis-alis ang ngiti sa mukha ko.
Bago sumapit ng alas-nuwebe ay naihatid na niya ako sa bahay. Wala namang naka-set na curfew pero siya na ang nagpumilit na hindi na magpagabi. Kailangan ko na rin daw kasing magpahinga. Ako na yata ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo dahil siya ang boyfriend ko.
Jusko, sumagi lang sa isipan ko ang salitang 'boyfriend' ay napapangiti na kaagad ako.
"Thank you," sabi niya at saka hinalikan ang kamay ko. Crazy how a simple gesture can make your heart beat a little faster.
"Thank you too. Drive safely. Ingat pauwi." I waved goodbye pero lumapit siya sa akin at saka ako niyakap nang mahigpit. Pang-ilang yakap na ba niya sa'kin 'to?
Kahit ilang beses niyang gawin 'yun, kinikilig pa rin ako.
He kissed my forehead. "I will. I'll text you. Bye, love." Jusko, parang may gustong magwala sa sistema ko.
"Just text me when you get home. 'Wag kang magpho-phone habang nagd-drive."
"Opo na po, love ko. Good night." Ngumiti siya sa akin bago maglakad papalapit sa kotse niya. Pinanood ko lang siya hanggang sa makasakay siya, kumaway ulit sa akin para magpaalam, saka pinaandar ang sasakyan at tuluyang umalis.
Nakangiti pa din ako nang makapasok ako sa bahay. Nahalata nga ni Mommy na masyado akong masaya. "Someone's in love," puna niya pa.
"Feels wonderful," sabi ko bago lumapit sa kanya at saka siya niyakap. Hinalikan ko rin siya sa pisngi. Ngumiti lamang siya sa akin. "I'm going to rest, good night Mommy." She greeted me good night back before I made my way to my bedroom.
Pumunta ako dito sa kwarto ko para una, makahiga na sa kama ko, tumitig sa kisame, isipin at alalahanin ang lahat. Pangalawa, para makausap ang boyfriend ko sa phone.
Nahiga ako sa kama ko at tumitig lamang sa kisame habang hindi pa din maalis-alis sa mga labi ko ang ngiti kong kaninang-kanina pa. Mabuti nga't hindi nangangawit ang panga ko sa kakangiti. Sobrang bago at kakaiba nitong nararamdaman ko. Hindi ito katulad ng apekto sa akin ni Keith. Keith made me happy, but with Xavier, it was a lot different. They are two different people who have their different ways and they don't mean the same to me.
Sa mahigit dalawang buwang hindi kami nag-uusap ni Keith, sa tingin ko ay tanggap ko na nga ang tadhana naming dalawa. Kasi siguro nga, kinailangan kong pakawalan si Keith para makapasok sa buhay ko si Xavi. At ngayon, hindi ko pinagsisisihan iyon.
Agad akong bumangon para abutin ang cellphone kong nasa ibabaw ng bedside table. Nagriring kasi iyon. Alam ko naman kung sino ang tumatawag kaya hindi ko na din kailangan pang tumingin sa pangalan. Sinagot ko na kaagad 'yun.
"Ruthy! Love koooo!" pambungad niya. "Namimiss na kita."
"OA naman, love!" Jusko, kinikilig talaga ako sa endearment. "Isang oras lang naman ang nakalipas nung huli tayong magkausap."
"Ano bang magagawa ko eh sa namimiss na nga kita? I want to be with you 24/7."
"I love you," sabi ko sa kanya. Dahil hindi siya nagsalita kaagad, napatingin pa ako sa screen ng phone ko para tingnan kung binaba na niya 'yung tawag. Hindi naman.
At napatunayan kong hindi nga nang sumagot na siya. "I love you too."
"Inaantok na ako." Naghikab pa ako pagkasabi ko noon. "Would you sing me to sleep?"
"Love, baka naman makipag-break ka sa'kin ora mismo kapag pinakanta mo ako." Tumawa siya.
"That's not possible. Come on. Sing for me."
Narinig kong huminga siya ng malalim bago magsimulang kumanta. At ano ang sinasabi niyang baka makipag-break ako sa kanya kapag pinakanta ko siya? Jusko, kahit kailan kamo hindi ko niya siya hihiwalayan. 'Little Things' pa ng One Direction ang kinanta niya para sa akin at para bang lalo pa akong nahulog sa kanya dahil sa pagkanta niyang 'yun.
"Sandali. And you told me baka makipag-break ako sa'yo? Jusko, hindi na kita pakakawalan 'no!" sabi ko at pinikit na ang mga mata ko. Tumawa siya saglit at saka itinuloy ang pagkanta. Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng matinding antok, at parang kalahati ng sistema ko ay tulog na nang makatapos siya sa pagkanta.
"Love? Have you fallen asleep already?" tanong niya. Gusto ko sanang sumagot, kaso lang tinatamad na akong ibuka pa ang bibig ko para magsalita. "Tulog ka na nga... Good night. Sweet dreams." Pagkasabi niya noon ay ibinaba na niya ang tawag, leaving a smile on my face before I could finally sleep.
X a v i e r
Pagkababa ko ng tawag ay sinubukan ko na ding pumikit. Kailangan ko na ding makatulog, pero hindi pa din ako mapakali. Kanina pa 'tong bumabagabag sa dibdib ko, at naguguluhan na ako sa kung ano iyon. Ayaw kong aminin dahil alam kong hindi iyon nararapat.
Bumangon ulit ako mula sa pagkakahiga at ilang ulit huminga ng malalim.
What the hell really is happening to you, Xavier?
Pilit kong itinataboy ang mga damdaming hindi naman nararapat. But they won't stop. The questions won't stop coming back to me. To ruin my mind, to ruin everything.
Gusto ko pa rin ba 'tong ginagawa ko? Gusto ko pa rin bang masaktan si Ruther?
Do I still want to hurt her, when all I ever want now is just for her to stay?
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...