J a m i e
Nagising ako nang may ngiti sa labi ko. Kaagad akong bumangon at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng bedside table. Lalo namang lumawak ang ngiti ko nang makita ko ang unread text message na naroon.
Xavi:
Good morning, Ruther! I hope you slept well. Better get ready now, I'll pick you up again later.Napangiti ako sa pag-iisip na mag-eeffort na naman siya para sa akin. Hindi na ako nag-reply pero aaminin kong buo na kaagad ang umaga ko dahil sa simpleng mensahe niya. Mabilis akong naligo at nagbihis. Nag-ayos na rin ako kaagad para naman pagdating niya, hindi na niya kailangan pang maghintay. Naiimagine ko na ang paglilibang sa kanya ng mommy ko habang hinihintay ako. Baka kung ano-ano pang mga pictures ko ang ipakita noon!
No, just no! Xavier seeing my naked baby pictures will be the death of me, the horror!
"Nagmamadali ka yata?" natatawang sabi ni Mommy sa akin nang nakita akong nagmamadaling bumababa ng hagdanan. Ininom ko ang baso ng gatas at napangiwi sa kanya.
"Mommy, 'yung baby pictures ko po?" pagtatanong ko.
"Bakit? Kailangan mo? Sandali, kukuhanin ko..."
Hindi pa siya nakakatalikod ay kaagad na akong tumanggi. "Hindi po! Mas okay nga kung itago na ang mga iyon sa bodega, My..."
"Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin mapakali dahil nakita ang mga iyon ni Keith noon?" natatawa niyang tanong. "Aba't, bata ka pa naman noon!"
"Mommy!" Napapikit ako sa pagkahiya. Oh, god. Kahit na ba sabihing ibang-iba na ang katawan ko doon sa sanggol pa lamang ako, hindi pa rin ako komportable! I can still remember how Keith used to tease me about my fat butt!
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga kamay at kinain ang pancakes na inihain ni Mommy para sa akin. Medyo nacoconscious ako dahil sa paninitig niya sa akin, pati na rin ang makahulugan niyang ngiti.
"Anak, gusto ko siya..."
Halos mabilaukan ako sa biglaang pagsasabi niya nito. Nanlaki ang mga mata ko. "P-po?" nauutal kong sabi habang nilulunok ang pagkain.
"Gusto ko si Xavier para sa'yo..." mahinahon niyang pagtutuloy. "Sa maikling panahong nakakasama natin siya, ay magaan ang loob ko para sa kanya. Mabait siya, at magalang... Pero anak, sa oras na saktan ka niya, hindi ako magdadalawang-isip na hampasin ang pwet niya, ha?"
Sabay kaming humagalpak sa tawa. I hope not, Mommy. I don't think he can hurt me.
X a v i e r
I stared at my reflection in the mirror as I fixed my hair, which the stylist at the salon dyed dark brown yesterday. Iniba niya rin ang style nito. Medyo nakakapanibago dahil sanay ako sa simpleng nakababa na buhok. Ngayon ay nakataas-taas na ito at medyo magulo.
"Bro, just trust me. This kind of hair will make all girls want to go out with you!" I can still hear that young, rockstar-looking stylist's voice in my head. Pinilig-pilig ko ang ulo ko habang tumigil na sa pag-aayos ng buhok ko. I never really cared much about my hair before. It kind of surprises me how a hairstyle can change my whole appearance.
Bumuga ako ng hangin at lumabas na ng unit ko. Maraming napapatingin pero hindi ko na lamang sila pinapansin. Napakunot ako ng noo nang may isa pang babae na kumindat sa akin. I looked behind my back, thinking she winked at someone else, but no one else was behind me. I didn't look back at her anymore. Tss. I don't have time to flirt.
At the age of eighteen, I do admit that I've had many admirers, too. I've lost count, actually. I'm not really fond of that kind of attention, anyway... But it just runs in our genes. Well, what's the use of having mixed blood, right? Better blame it on my roots.
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...