T r a v i s
Napatingin lamang siya sa akin, at iniwasan niya ang tingin ko. Napayuko siya at tiningnan na lamang ang cupcake na nakalagay sa platito.
"It really was," lakas-loob kong inamin sa kanya. Kanina pa ako kinakabahan. Lalo na't hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap. "It was hard trying to forget you and forget my feelings."
"TJ, I'm sorry."
"It's okay. No need to be sorry," ngumiti ako sa kanya. "Naiintindihan kong mas importante ang friendship ninyo ni Ellie."
She smiled. "I miss calling her that."
"Of course you do..." Kinuha ko ang coffee ko para inumin. "Jamie, sana alam mong hindi ako nagloko. Hindi ako nagsinungaling tungkol sa totoong nararamdaman ko para sa'yo. And if there was someone na niloko ko, it was myself."
"TJ... I'm not comfortable with this kind of conversation."
"I want you to hear my side. Please. Listen to me and what I have to say."Tumingin siya sa akin, at tumungo na parang sinasabing 'go ahead' – I don't know where to start. Pakiramdam ko mauutal-utal pa din ako, kahit eight months ko na 'to pinagprapraktisang sabihin sa kanya.
"Jamie, I understand if you think that it was the right thing to push yourself away. And I understand na kahit kailan, hindi ko mapapantayan si Keith sa puso mo. I know na kahit anong gawin ko, I'll never be him." Napabuntong-hininga ako. "But I also hope you understand, that I can't force myself to love another. I've been longing to tell that to your bestfriend. Not to love Ellie was my choice... And it wasn't you to blame. It was me. Kasi katulad ko na hindi makakapantay kay Keith para sa'yo, ganun din siya na hindi ka mapapantayan para sa akin."
"TJ... Please.." Malungkot ang tono niya. "Please stop. I love my bestfriend. Nagalit siya sa'kin, but that's not a reason for me to stop loving her. Even after all this time I still care for her. Hindi ko kayang galit siya sa'kin."
"She's not mad at you," ipinaliwanag ko sa kanya. "She's mad at me, for loving you."
"TJ, can't you just..."
"You're asking me to stop.. but I won't," ngumiti ako sa kanya. "And I never have. Kahit n'ung kami na.. I just can't. It's still you. And after everything, it's still you."
Bigla siyang napatingin sa phone niya. Mukhang may mga texts siya. "TJ, I'm sorry but I guess I have to go." Kinuha kaagad nito ang bag niya. Pero agad naman akong tumayo at hinigit siya sa braso.
"Ikaw pa rin hanggang ngayon."
"I have a boyfriend, TJ." Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ko sa braso niya. "I'm sorry."
And then she got away. Lagi naman eh. She always wants to get away.
But now, I won't let her get away anymore.
Noon, Emmanuelle was the only reason why we couldn't happen. Pero ngayon na okay na, ngayon na nagawa ko nang mahalin si Ellie - or the very best I tried to... Pwede na siguro.
Kasi hanggang ngayon, siya pa din.
Hanggang ngayon, mahal ko pa din siya.
Hanggang ngayon, gusto ko pa ding mapasaakin siya.
Sila na pala ni Keith. Boyfriend? Kung ang mga asawa nga nagdidivorce, boyfriend pa niya? Pwedeng-pwede sila mag-break. Pwedeng-pwede silang maghiwalay.
And you know?
I just can't wait for that to happen.
J a m i e
Agad-agad akong pumunta sa bahay namin, at naabutan ko si Mommy sa labas na nagdidilig ng mga halaman.
"Lagot ka kay Prince Charming mo." Mommy naman eh! Lalo pa akong tinatakot.
Pumasok na ako ng bahay at nakita ko namang nakaupo si Xavier sa sofa, nakayuko siya, at ang mga kamay niya ay nakahawak sa buhok niya. Napatingin siya sa akin at tumayo.
"Saan ka ba nagpupupunta?!" Galit na ang boses niya. Oh no. "Naka-11 texts na ako sa'yo ah?! 'Di ka man lang nagrereply?!"
"Sorry, di ko alam.. Naka-silent kasi."
"Ano bang dahilan 'yan, Jamie?" Lumapit pa siya sa akin. "Paano kung may nangyaring masama na pala sa'yo?! 'Di ka man lang nagtetext sa akin na umalis ka pala ng bahay! Paano na lang kung may nangyaring masama sa'yo ha?! Paano na lang?!"
Niyakap ko siya. "Sorry na... Please naman wag ka nang magalit oh."
Naramdaman ko naman na unti-unti siyang kumakalma. Niyakap na din niya ako pabalik, na nagpangiti naman sa akin.
"Paano na lang? Hindi ko kaya..." hinalikan niya ang buhok ko. Shems kakilig naman oh! "Nag-alala lang talaga ako. Hindi ko kasi alam gagawin ko 'pag nawala ka sa'kin."
"Hindi naman ako mawawala sa'yo." Ang sarap sa feeling ng ganitong pwesto, parang feeling ko sobrang safe ko.
"Saan ka ba kasi nagpupupunta ha?" Tumingala ako sa mukha nito. Oh god. I really have the most gorgeous boyfriend in the universe!
"Sa puso mo," pagbibiro ko pa. Alam kong gustong-gusto niyang ngumiti pero pinipigilan niya.
"Tss, seryoso kasi," sabi niya yan habang nagpipigil ng ngiti.
"Sa coffee shop lang dyan."
"Ano ginawa mo dun?"
"Nag-swimming ako love," sabi ko ng may seryosong tono. "Syempre nag-kape!"
"Sino kasama mo?"
Sasabihin ko ba? Sasabihin ko bang magkasama kami ni TJ kanina sa coffee shop? Sasabihin ko bang umamin siya sa akin na ako pa din hanggang ngayon?
"W-wala."
Bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap, at umirap pero pa-gwapong style pa din. Psh, lahat naman yata ng ginagawa nito gwapo para sa'kin eh.
Nagbuntong-hininga siya. "You're my girl. I know when you're happy, I know when you're sad, and I definitely know when you're lying."
"Okay, okay, fine.. Nagkita kami ni TJ sa coffee shop."
"And who the hell is TJ?!"
"Bigla niya akong binati and he sat with me sa table."
"Ano?! He?! Sino si TJ?!"
"Then ayun. Nagkamustahan lang."
"Answer my question! Who the hell is TJ?!"
I smiled. Marunong na nga talaga siya magselos.
BINABASA MO ANG
How We Fell
Teen FictionJamie was contented being in the friend zone. Magmula pa lamang n'ung umpisa ay naintindihan na niya kung ano ang lugar niya sa buhay ng lalaking pinakamamahal niya. Long had she accepted it, and endured all the pain it caused. Of course, she loved...