[5]

1.2K 29 2
                                    

K e i t h

Now, where in the world could that girl be?

Sobra-sobra na akong nag-aalala. Paano ba naman kasi, nag-text na sa akin ang mommy niya at sinabing wala pa nga daw siya sa bahay nila. And it's 6:30 in the damn evening! Ang lakas pa ng ulan!

"Keith, sigurado ka bang wala ka talagang ideya kung saan pwedeng mag-stay si Jamie?" nag-aalalang tanong ni Tita sa kabilang linya.

I brushed my palm on my face in such frustration. "W-wala po Tita, e. Nag-offer pa nga po akong ihatid siya pauwi kanina pero tinanggihan niya lang ako... I-I shouldn't have let her, sorry po..."

She sighed. "Hindi mo naman iyon kasalanan, hijo... Pero bakit ka naman niya tinanggihan? Nag-away ba kayo?"

I shook my head, even if she couldn't see me. "Hindi naman po, Tita..." Napaisip ako. Bakit nga ba? Bakit nga ba parang nilalayuan ako ni Jamie?

Damn. I hate this feeling! I need to look for her. I need to find her.

I took a deep breath. "Tita, I'll bring Jamie home. I promise," sabi ko habang kinukuha ang susi ng sasakyan ko. Dire-diretso akong lumabas ng bahay.

"Okay, Keith. Aasahan ko 'yan. Pakibalitaan na lang ako, ha? Salamat..."That was the last thing she said before she dropped the call.

Agad akong pumasok sa kotse at walang pasabing umalis. Hindi ko rin naman kailangan pang magpaalam. If I leave, if I stay, it doesn't really matter at all.

Nag-drive ako at nilibot ko ang lahat ng pwedeng libutin. I'm really thinking hard about where she could be at the moment. Damn, Jamie. Why are you doing this to me?

***

Dammit. Just dammit! Everything I do for this girl!

I frustratedly raked my hand through my wet hair and looked at my wristwatch. It's 7:41 in the evening, at basang-basa na ako sa ulan. Bumaba na ako ng kotse para makapaglakad na lang at nagbabakasakaling mahanap si Jamie. 45 minutes na din akong nagpapalakad-lakad. Hanap dito, hanap dyan. Tanong dito, tanong dyan.

Lumapit ako sa isang lalaki na naglalakad at nagbaka-sakali. "Kuya, may nakita po ba kayong babaeng magan--"

Naputol ang sinasabi ko dahil sa biglaang pag-ring ng phone ko. I immediately took it from my pocket and saw that it was Tita Carmi who's calling. Kaswal ko na lamang nginitian ang lalaking dapat na pagtatanungan ko, at saka siya tinalikuran. Sinagot ko ang tawag.

"Hello? Tita? Sorry po pero hanggang ngayon hindi ko pa rin po siya ma--"

"Keith! Nandito na siya. Salamat naman sa D'yos. Nakauwi na siya..."

Para akong nabunutan ng tinik sa narinig. Hindi ko na ininda ang mga patak ng ulan na tumatama pa rin sa katawan ko. I silently thanked God that she's finally safe. Now, all I want to know is where she had been.

Dammit, Jamie... Don't make me worry like that again.

"God, thank you so much..." bulong ko. "Good thing she's safe, Tita. Is she alright?"

"Okay lang siya, hijo. May kasama siyang lalaki. Gwapings, Keith. Nako, mauunahan ka pa yata nito sa anak ko, e."

Napailing naman ako habang mahinang tumatawa. "Tita talaga, kahit kailan. Sure naman akong mas gwapings pa rin ako dyan."

Narinig ko ang pagtawa ni Tita mula sa kabilang linya. "Osya, sige. Mag-iingat ka pag-uwi, ha? Pasensya ka na sa abala. Pagtitimpla ko na muna ng kape itong sila Xavier at tiyak na nalamigan sila sa labas."

How We FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon