DATE AND MOVIE MARATHON

198 11 2
                                    

VICE

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob, nilibot nya ang kaniyang tingin sa paligid.

"Kinakabahan ka pa rin?" tanong ko sa kaniya. Tumitig siya sakin at umiling bago muling ngumiti.

"Hindi naman na love. I feel safe when I'm with you."Karylle. Lumabas ang aking natural na ngiti dahil sa tinawag nya sa akin. Mas hinawakan ko ng mahigpit ang kaniyang kamay bago kami umakyat sa Oue Skyspace.

"Ikaw ha, nasasanay ka ng tinatawag akong love."Pang aasar ko sa kaniya, nginitian nya ako bago sya tumawa.

" It's our endearment kaya sa movie and noong hindi mo madistinguish kung ano ang real and hindi, tinatawag mo rin akong love. " ngumisi siya sakin bago ako tinawanan. Natawa na lang din ako sa kaniya, naramdaman ko naman ang pag higpit ng kapit nya sakin dahil nasa taas na kami ng Oue Skyspace.

" Look, kurba! Ang ganda ng paligid." naramdaman ko naman sya na umiling habang naka siksik sa akin. I chuckled kaya tinignan nya ako.

"Why are you laughing?"

"Kase takot ka. Sabi mo hindi ka na matatakot dahil kasama mo ako." After I said that, tumingin siya sa paligid pati na rin sa ibaba. Sobrang taas, and ang liliit lamang ng mga tao na nasa ibaba since clear ang aming inaapakan.

Nag enjoy kaming panoorin ang mga tao na nasa aming paligid while doing their activities. Masaya akong makita syang ngumingiti ng dahil sa akin, masaya ako na napapatawa ko siya.

Matapos kaming pumunta sa Oue Skyspace, nag pasyal pa kaming dalawa habang pareho kaming umiinom ng hot choco.

"Saan mo pa gusto pumunta, kurba? Pupunta tayo." muli ko syang inakbayan matapos kong inumin ang aking hot choco.

"Oh vicey, gusto kong maka kita ng snows." Karylle. Tumitig ako sa kaniya asking her if she's serious about it.

Tinitigan nya rin ako kasabay ng kaniyang pag kunot ng noo. "I'm serious on what I have said. Why?"

I chuckled. Ang slang talaga nito mag english.

"Sa susunod na lang tayo humanap ng snow, iba muna ang puntahan natin ha? Mahina ang freezer dito sa california kaya wala pang snow." I said. She just shrugged and then hold my hand.

"Whatever vicey, let's go. Kain na lang tayo and then lakad lakad kahit saan tayo mapunta."

Pareho kaming natahimik habang naglalakad lamang. Pino-poke ko lamang sya para tumingin siya sa akin then ngingitian ko lamang.

"Pwede na bang manligaw?" saad ko. Natigilan naman siya sa sinabi ko bago nya ako hinarap.

"Vicey, maraming food doon oh. Tara kain muna tayo?" hinila nya na ako. Hindi nya sinagot yung tanong ko.

Hinalikan nya ako sa pisngi bago sya nag pout sa akin, "Vicey, listen to me and trust me. Hindi pa ako masyadong nag he-heal from the breakup, and I know ikaw ganoon ka rin.. Huwag muna tayong mag madali, please understand me."

Nag nod ako sa kaniya bago ko sya halikan sa noo, "Yeah. I understand you. After three months, pwede na?"

"Mmm we'll see. Let's go, I'm starving."

Pumunta kami ng restaurant and then kumain na kami. Nag uusap kami tungkol sa aming mga kaibigan, kung kumusta na kaya sila.

Noong hinatid ko sya sa bahay nila ni Zia, hindi na muna ako agad umuwi. Sinamahan ko muna siya kase wala naman si Zia e.

"Kurba!"tawag ko bago ko alisin ang aking shoes and socks. Tinabi ko muna yon bago ako humiga sa couch.

"Yep? Wait lang, nag luluto ako ng snacks nating dalawa."

Lumapit naman ako sa kaniya sa kitchen and then I saw her making a pizza.

"Hindi ka pa rin busog?" tanong ko. Tumawa sya habang umiiling.

"I just want to eat! And ikaw rin naman gusto mo itong pizza. Bakit mo pala ako tinatawag?"

"Ayon nga, tawagan natin yung mga showtime hosts then kumustahin natin" nilabas ko na ang phone ko at handa ko ng i-call ang mga kaibigan namin ng pigilan nya ako.

"No. Malalaman nila na magkasama tayo dito."

"Mapagkakatiwalaan naman natin sila e. Hindi mo ba sila namimiss? Wala naman akong ibang sasabihin sa kanila kundi binisita kita dito." I explained. Binaba nya yung phone ko bago nya ako ngitian.

"Ayokong gumamit ka ng phone ngayon." Ang seryoso naman ng kulot na to.

"Bakit?!"

"Mag bobonding tayo, mag movie marathon tayo." Karylle.

Napa ngiti naman ako sa sinabi niyang yon. At dahil sya ang kumander, sinunod ko siya. Naki hanap na rin ako ng mailuluto dito sa kitchen ni Zia.

Nakahanap ako ng fries mula sa ref kaya niluto ko na pati na rin I saw a pack of popcorn from cabinet, pati yon niluto ko din.

"Papalitan ko na lang yung food ni zia. Liligawan ko rin kapatid mo para maging boto sakin na maging brother in law ako." kumindat pa naman ako sa kaniya pero tinawanan lang ako ni karylle. Napailing na lang ako dahil sa pinagsasabi ko sa kaniya.

"Ano bang papanoorin natin?" tanong ko sa kaniya. Kanina pa sya palipat lipat ng movie. Naka unan ako sa hita nya habang sya naka sandal naman sa may couch.

"Hansel and Gretel; The Witch Hunters. Maganda to vicey, o kaya gusto mo avengers na lang yung end game?" Karylle. Aligaga siyang nag lilipat ng movie hanggang sa agawin ko sa kaniya ang remote.

"Kalma, kahit anong movie panoorin natin okay lang sa akin." Saad ko.

"Ow, owkayy. Wait! May alam na akong papanoorin natin."Karylle.

" Alam mo uuwi na talaga ako!" babangon na sana ako subalit pinigilan nya ako at mas lalong yumakap.

" Nooo! Maganda yang movie na yan! Vicey, wag ka muna umuwi, wala pa si Zia!"Karylle. Tinatawanan nya ako kasabay ng pag papaawa nya sa akin.

" Wag na kasi yan, maawa ka sakin whoy! " pilit kong inaagaw yung remote pero sadyang iniiwas nya sa akin.

Conjuring ba naman ang nag pplay na movie! Nilalayo pa nya ang remote sa akin. Bumangon ako upang mas abutin ko. Iniwas nya sakin, hanggang sa mapahiga sya sa couch habang ako nasa top na nya.

"No vicey! Hahah stop that! Maganda yung movie!" Karylle.

"Hindi yan maganda, vaklang twoah! Nakakatakot yan ana karylle!" hinagis nya yung remote kung saan kaya ang nangyari nahawakan ko ang kamay nya.

I accidentally pinned her hands over her head.

Nakatitig lamang ako sa kaniya pero sya ngising ngisi sa akin.

" Oh no! My virgin eyes! Get a room guys!" Napatingin naman kami sa biglang pumasok at si Zia pala yon. Nag tatakbo siya papasok sa kaniyang kwarto.

Napatingin naman ako sa pwesto naming dalawa ni karylle.

Oo nga pala, awkward. Nasa top ako habang si karylle nakahiga at hawak ko pa ang kaniyang mga kamay.

Pakiramdam ko namula ako, si karylle naman umiwas ng tingin at namumula rin ang kaniyang magkabilabg tenga.

Umayos ako ng upo at bahagyang lumayo sa kaniya.

Nilipat ko ang movie kahit hindi ko pa hinihingi ang permiso niya. Nilagay ko yon sa Miracle Cell No. 7 bago ko abutin ang pizza pati ang pop corn.

Unti unti ko syang nililingon at ganoon din pala sya sa akin. Sabay kaming nag ngitian bago kami sabay na natawa.

"Bakla ka! Dito ka sa tabi ko, yakapin mo na ako." saad  ko bago ko siya sinubuan ng pop corn at ng pizza. Lumapit sya sa akin at sabay kaming nanood ng miracle cell no.7.















A/N:
Babawi na talaga ako :( in fact, gusto ko na ito tapusin but gusto ko maayos pa rin ang flow. Sorry kung hindi nito ma-reach ang expectations nyo :) But still thank you for supporting this story.

The Vows || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon