BEGGING YOU

201 8 3
                                    

VICE

Nandito na kami sa California. Nakatulog na si Serenity sa bisig ni Karylle. Mula noong makasama namin si Karylle, hindi na sya humihiwalay pa. Lagi na niya hinahabol at hinahanap si mommy nya. Nakakatuwa silang pag masdan palagi.

Magkamukhang magkamukha silang mag ina.

"Hindi pa ba nangangalay yang braso mo? Gusto mo ako na bumuhat kay Serenity?" tanong ko sa kanya. Umiling lang sya at naglakad na ulit papunta sa sasakyan. Si ate emma ang driver ko ngayon. Willing naman sya mag drive e.

"Pagod ka?" tanong ko kay karylle habang nasa sasakyan kami pauwi.

"Yes. Mag nanap ako mamaya pag uwi sa bahay mo."Karylle. Pumikit na sya at humilig sa akin habang naka hilig din sa kanya si Serenity at mahimbing ang tulog.

Habang nasa byahe kami pauwi, hindi ko maiwasan na hindi sya titigan.

Kahit ano palang gawin kong pag iwas sayo, ikaw pa rin hahanap hanapin ko.

Maaaring nahanap ko si Kurt, pero may kulang pa rin. May pagmamahal akong hinahanap na hindi ko makikita sa iba.

Pag dating sa tapat ng bahay, buti na lang nandoon si Camille. Pinabuhat ko si Serenity na tulog pa rin habang ako binuhat ko si Karylle papasok ng bahay.

Nilapag ko sya sa bed tapos inalis ko yung coat nyang suot. Nareveal tuloy yung pang loob nyang damit. Naka sando lang pala sya. Nakakalokang babae to.

Inayos ko ang higa nila ni Serenity bago ko nilagyan ng comforter. Pareho ko rin silang hinalikan sa noo.

Sinabi ko kay nanay na aalis lang ako saglit. Sila na muna bahala kay Karylle at kay Serenity.

Nag message ako kay Kurt, makikipag kita ako sa kanya ngayon. Pumayag naman sya, he said that he missed me so much.

Sa isang restaurant kami magme- meet.

Pagkarating ko, nag order na ako agad ng food ko. Hinihintay ko na lang sya. Maya maya pa, may umupo sa tapat ko at si Kurt yon.

"Babe," bati niya sa akin at akmang hahalik sa akin pero umiwas ako.
Nakita ko yung pagka gulat sa kanya kung bakit ako umiwas.

"Umiwas ka sakin. Galit ka pa ba? I am really sorry. Pasensya na sa ginawa ko last time, hindi ko naman yon intention." Kurt. Inabot nya yung kamay ko pero wala pa rin akong reaksyon.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na makikipag hiwalay ako.

"Kurt," pag tawag ko sa kanya kasabay ng pag bitaw ko sa pag hawak nya sa kamay ko. Nilapag ko ang aking mga kamay sa hita ko at tumitig sa kanya.

"Let's break up." ni hindi kumurap ang mga mata ko nang sabihin ko ang mga katagang yon sa kanya.

"Bakit? Vice, I am really sorry—"

"I am still in love with my ex wife." bitaw ko ng mga katagang yon.

Alam kong may sasabihin pa sya pero agad ko syang pinigilan sa pamamagitan ng pag sasalita ko.

"I knew, you knew it. In fact I just denied na wala na akong nararamdaman para sa kanya. Na para lang kay Serenity kaya sya nandoon. But my heart tells me that I am still  inlove with her."

"Vice, hindi pwede. I have a plan to marry you, ano ba." Saad nya sa akin habang inaabot ulit ang kamay ko. Napatitig ako sa kanya sa sinabi niyang yon sa akin.

Umiling ako.

"Ilang beses ko sinantabi ang nararamdaman ko na pagmamahal sa kanya dahil sayo. Naging masaya naman ako sayo e, pero may kulang pa rin. Iba pa rin yung pagmamahal na binibigay nya sa akin. At hindi ako magpapakasal sayo.  Pumunta lang talaga ako dito para sabihin na maghiwalay na tayo." Patayo na ako pero pinigilan nya ako.

Nakita kong tumulo yung luha niya bago niya inabot yung kamay ko.

" Vice, please. "

"My wife is waiting for me to come home."

This is a second time na may makita akong lalaking umiiyak para sa akin.

"Kurt." pag tawag ko sa pangalan nya dahil ayaw nyang bitawan yung kamay ko. Naka siksik na yung mukha nya sa may tyan ko at humihikbi.

Pumatak yung luha ko pero agad ko rin pinunasan. Bahagya ko syang nilayo sa akin at tinitigan ko.

"Don't leave me." Kurt. Pilit kong binitawan yung kamay niya na naka kapit sa akin at naglakad na ako palayo sa kanya.




Bumili muna ako ng bouquet for Karylle. Yung favorite flower nya, sunflowers. Tapos bumili rin ako ng pasalubong for Serenity. Gutom na naman yon pag gising.

Pabalik na ako sa sasakyan noong tumawag si nanay at gising na daw yung dalawa. Hindi ko nga pala nasabi kay nanay na makikipag kita ako kay Kurt.

Pag uwi ko, nakita kong nandoon yung sasakyan ni Kurt. Anong ginagawa nya dito?

Inayos ko ang pag park ng sasakyan at tumungo na ako sa loob ng bahay.

"Love may —" nakita ko silang magkausap ni Kurt kaya napatigil ako sa pag sasalita. Nilapitan ko si Karylle agad at hinawakan ko sa kamay.

"What are you doing here?" tanong ko kay Kurt.

"I'm begging her na ibalik ka na nya sa akin." Sagot nya sa akin bago lumipat ang tingin nya kay Karylle.

"Kurt please tama na. Maayos akong nakipag hiwalay kanina diba?" sabi ko sa kanya at hinawakan ko na si Karylle sa kamay para ayain pumunta ng kwarto.

"Hihintayin pa rin kita, vice." sabi niya bago sya lumabas ng bahay.

Tinignan ko si Karylle at niyakap ko bago ko halikan sa noo.

"Hindi ka ba niya sinaktan? Walang ginawa sayo?" tanong ko kaagad. Umiling naman sya at yumakap ulit sa akin.

"Mahal na mahal ka niya ano?" mahina niyang sabi pero narinig ko.

"Akala ko, ako ang dadating sa point na magmakaawa sa kanya para ibigay ka niya sa akin." Karylle. Tumingin sya sa akin at ngumiti ng maliit.

"Yun yung pinunta ko rito kaya ako sumama sa inyo ni Serenity. Kung sakali man, magmamakaawa ako na ibalik ka niya sa akin. Kahit lumuhod ako sa harap niya, ibigay ka lang sa akin. I will do it."

Umiling ako sa kanya.

"No. You don't have to do that. Eto na ako oh, sayong sayo na kaya ako." hinalikan ko sya sa noo bago ko mag pull away sa yakap at kinuha ko yung bouquet.

"Wow. Thank you so much, vicey. Ngayon lang ako ulit naka receive ng flowers."

Napatitig tuloy ako sa kanya, ano bang pag trato ang ginawa sayo ni Yael?

Hinalikan nya ako sa pisngi bago ako hilahin papuntang kwarto. Nakita ko si Serenity na naka higa sa kama at dumedede.

" Aww, baby ko ang laki na dumedede pa. " niyakap ko si Serenity at pinag hahalikan ko sa pisngi.

Tumingin ako kay Karylle at nag pout ako.

"Yes, vicey?"

"Pwede bang ako na lang magmakaawa sayo?" nakapout kong sabi sa kanya.

"Huh? Bakit?" Nag aalala naman syang lumapit sa akin.

Bumitaw ako kay Serenity at yumakap sa kanya.

"Magmakaawa na gumawa ng kapatid ni Serenity?"

Hinampas nya ako sa braso, "Sira ka talaga! Pinag aalala mo ako!"

Napatawa ako dahil sa reaction nya.

"Thank you." saad niya habang nakangiti sya sa akin. "Ang dami dami mo ng sakripisyo sa akin. Paano ko ba maibabalik yon sayo?"

"Just keep on loving me, love."



















A/N:
Masaya kayo? Di kayo sure.
Do votes and comments. Salamat!

The Vows || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon