I DO

108 7 0
                                    

GENERAL

Sa bungad pa lang ng simbahan, makikita na ang mga kaibigan at kapamilya nina vice at karylle. Naka bungad din sa pintuan ng simbahan ang isang arko na gawa sa bulaklak na kulay peach at puti.

Sa bungad pa lang ng simbahan ay napuno na ng kasiyahan. Hindi matigil ang kanilang pag kuha ng mga litrato sa bawat isa. Ang lahat ay masaya.

Lahat ng mga bisita na kababaihan ay naka suot ng gown na kulay peach habang ang mga lalaki naman ay naka gray na tuxedo.

Punong puno ng mga puting bulaklak ang loob ng simbahan sa Auckland, New Zealand. Ito ay ang Cathedral of St. Patrick and St. Joseph. Maganda ang pag kaka ayos ng mga ito at talaga namang pinagkagastusan ng mabuti.

Maya maya lang ay dumating na ang isang sasakyan. Nakahanda ang camera ng bawat photographer. Pag baba pa lamang ni vice ay  makikita na ang bawat flash at pag kuha ng litrato sa kaniya.

"Brad! Pogi natin ngayon ha!" sabi ni vhong bago sya yakapin nito.

"Syempre! Pero sa susunod na mga araw, nag aagawan na kami sa heels ni karylle. Charot!" sabay sabay naman na nag tawanan ang kaniyang mga kaibigan dahil sa kaniyang binitawan na salita.

Pina ayos naman na sila sa kanilang pwesto dahil maya maya lang ay mag sisimula na ang seremonya.

Pinakatitigan ni vice isa isa ang mga taong nasa paligid niya. Hindi rin maalis sa kaniyang labi ang kaniyang ngiti. Masaya ang mga ito para sa kanila. Pakiramdam niya, mag uumapaw ang kasiyahan sa kaniyang puso.

VICE

Hindi ko akalain na eto na yung araw na pinaka hihintay ko, yung makita ko si karylle na maglalakad sa gitna ng simbahan habang nakasuot ng magarbong damit pang kasal.

Lumapit sa akin si nanay at hinawakan ako sa kamay, "tutoy, ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo?"

"I'm fine nanay, no. I feel great. Kinakabahan lang ako, nag hahalo lang ang kaba at yung excitement ko. Finally, ilang oras na lang.. nasa dulo na ng pangalan ni karylle ang apelyido ko." pinakawalan ko ang ngiti ko.

Hanggang sa tumunog na ang kampana, at lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

GENERAL

Isa isa na rin lumakad ang mga bisita. Nag gagandahan at nag ggwapuhan ang mga ito. Bawat isa ay may shots ng mga litrato. Punong puno ng pag mamahal ang nasa simbahan.

Si vice naman ay kasama ang kaniyang nanay na mag lakad. Huminto lamang sya malapit sa altar. Hindi na niya mapigilan ang sarili na titigan ang pintuan ng simabahan na naka sara. Nasa kabila noon ang babaeng pinaka mamahal niya, ang magiging asawa niya.

Kasabay nang pag bukas ng pinto ng simbahan ay ang pag bagsak ng isang awitin. Nakatitig lamang si vice kay karylle habang naglalakad ito.

Hindi niya maalis ang pares ng mata rito.

Maya maya lamang ay isa isa nang nagbabagsakan ang kaniyang mga luha. Pinaka titigan niya ang babaeng mahal niya. Nakangiti ito at kumakaway sa mga bisita. Hawak nito ang puting isang bungkos ng bulaklak.

Tumingin sa kaniya si karylle at ngumiti ito sa kaniya. Pansin rin ang pag ngingilid ng luha nito habang pinag mamasdan sya.

Nasa harap na niya ngayon ang taong makakasama niya pang habang buhay.

Inilahad niya ang kamay niya rito bago iangkla ang kamay nito sa kaniyang braso.

"Ang ganda mo, love" bulong niya kay karylle. Hindi niya maiwasan na huwag purihin ito.

Imbis sagutin ni karylle ang sinabi niya, tinaas nito ang kaliwang kamay at pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ni vice.

"you're crying, love. Why?"

The Vows || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon