SURPRISE

135 11 1
                                    

GENERAL

Kakatapos lamang ng rehearsal ni vice para sa kaniyang prod number para sa sabado, pinauna na rin niyang umuwi si Karylle kanina dahil may pupuntahan pa siya para sa surprise nya rito. Gusto nya kasing ayain ng date ang girlfriend.

Pinabitbit na niya sa mga bakla ang mga gamit niya habang siya naman ay hawak ang phone at nag memessage sya kay karylle para man lang maka kuha sya ng update dito.

Love, have you eaten your dinner?

-Sent to : Kurba ko

Another message ulit ang pinadala ni vice na sana mag reply na to.

Are you okay there in your house? Want me to go there?

-Sent to : Kurba ko

"She's not replying to my messages" saad ni vice at napa sigh.

"Baka naman tulog lang meme, pagod si mommy K sa showtime today. Ang kulit nyo pareho ha." Buern. Ngumiti naman si vice at tumango. Baka nga tulog lang ito, napagod sa pag sasayaw nila kanina at sa pag takbo sa stage.

Patuloy pa rin sya sa pag message dito, waiting for her update to make sure na nakauwi sya ng maayos.

Sumakay na sya sa sasakyan at sinabi sa kaniyang driver na dumiretso na lang muna siya kay Karylle. Dinalhan nya din ito ng pizza, nachos and milktea para kung nakatulog man ito at wala pang dinner mayroon syang pagkain na nadala.

Habang nasa sasakyan sya, nag message naman ang isa sa staff ng hotel sa subic para sabihin na naka handa na ang lahat at silang dalawa na lang ni karylle ang hinihintay.

Hindi niya muna ito nireplyn. Bumaba na siya ng sasakyan at papasok na sana sa gate pero may napansin syang isang pamilyar na kotse.

Bakit nandito sya sa bahay ni K?

Kunot noo man, pumasok na sya sa gate. Bukas din ang pintuan ng bahay ni karylle.

"love?" yan agad ang bungad ni vice once na makapasok sya sa living area. Nilapag na niya muna yung food sa table bago tumungo sa hagdan paakyat sa kwarto ni Karylle.

"Yael?" tanong nya sa isang taong buhat si karylle at parang tulog ito.

"Vice,"

Hindi niya alam kung ano ba ang mararamdaman nya. Hawak ni yael si karylle.

Nilapag nito si karylle sa kama, muntik pa nga siyang masubsob at magtama muli ang labi nila pero agad syang umiwas.

Wala namang salita ang lumalabas sa bibig ni vice at nakatitig lang siya sa girlfriend nya pati sa ex nito.

"Can I ask? Bakit kayo magkasama?" pigil ang inis sa boses niya habang nagsasalita. Nagseselos na kasi sya, nag ooverthink rin sya dahil nga magkasama silang dalawa.

"I just asked her for a date. Sige vice, I need to go." saad ni yael at muling tumingin kay karylle bago sya lumabas ng kwarto nito. Sinundan tingin naman ito ni vice para masiguro na umalis na ito.

Sinara na sya ang pinto at tumabi kay karylle. Tinignan nya ang dalaga bago niya ilapit ang sarili dito. Amoy wine.

Nagseselos sya pero hindi naman nya hahayaan na matulog si Karylle ng ganito ang suot dahil pinang alis nya yon.

"Karylle.." tawag nya sa pangalan nito at tinapik ng mahina ang braso para magising ito.

Bahagya naman kumunot ang noo nito dahil sa kaniyang pang gigising.

"Magpalit ka na muna ng damit mo bago ka matulog." sabi niya rito. Napabalikwas naman ng bangon si karylle dahil dito.

"Nasaan si Yael?" yun agad ang tanong niya nang mapansin niyang si vice na ang kasama niya.

The Vows || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon