FALSE ALARM

125 5 0
                                    

GENERAL

Bukas na ang flight ni vice papunta sa ibang bansa for his two weeks concert. Masyado na rin siyang busy sa rehearsal. Pagkatapos ng showtime, diretso na sya sa pag rerehearse kaya naman hindi na sila masyado pang nakakapag usap ng asawa.

Uuwi sya ng hatinggabi, maabutan niya si karylle na mahimbing ng natutulog. Minsan nga, pati mga pinapabili sa kaniya nito na cravings ay hindi na rin niya nabibili. Nag tatampo na nga sa kaniya si karylle minsan, pero pinipigilan niya ang sarili at pilit na iniintindi na pagod rin ang asawa galing sa trabaho.

"love?" tawag ni vice kay karylle na nakaharap sa laptop habang nag sscroll. Nilapitan nya ito at napansin niya kung ano ang mga tinititigan nito.

Agad naman sumilay ang ngiti ni vice sa labi.

"mas maganda yang kulay ng crib na yan love." napatingin si karylle sa kaniya matapos niyang magsalita. Naisara tuloy niya ang laptop, habang si vice naman nilalapag ang milk sa table.

"why? maganda naman talaga ah." saad niyang muli.

"Nabigla lang ako. Para kasing nagmamadali ako. Eh gusto ko lang naman makapili na ng gamit ng magiging baby natin if ever diba? Para naka ready na ang lahat pag lumabas sya."Karylle.

"Okay naman love, kahit ako excited rin sa baby natin. Sige na, open your laptop para sabay tayo ngayon na pipili ng mga gamit." nginitian ito ni vice at tumabi nga kay karylle para makitingin siya sa screen nito.

Sabay na lang silang napapatawa habang nag iimagine ng mga magaganap sa kanilang dalawa, pareho rin nilang tinuturo ang mga gamit na pang baby.

Inabot ni karylle ang milk na nilapag ni vice at ininom nya yon. Pinunasan pa nga nito ang itaas ng labi niya na may milk.

"Samahan kitang mag pacheck up love bago ako umalis." saad ni vice sa kaniya. Tumango naman si karylle ng sunod sunod.

"sure love, para makita ko rin reaction mo."

Nag asikaso na rin silang dalawa pagkatapos maubos ni karylle yung milk at niligpit na rin niya ang laptop. Tinignan naman ni vice ang mga gamit niya na dadalhin niya kinabukasan bago sya sumunod sa banyo at sabay silang naligo ni karylle.

Naka dress lamang si karylle at naka flat shoes lamang. Habang si vice naman naka short at naka sweatshirt, ang normal na outfit na sinusuot nya sa showtime.

"O pak! Ang ganda ng Ana Karylle ko!" inikot muna ni vice si karylle habang hawak niya ang kamay nito bago halikan sa labi.

Lumabas na silang dalawa at dumiretso na sa sasakyan. Nag start naman na ng engine si vice habang si karylle naman nag aayos ng seatbelt. Malakas din ang kabog ng kaniyang dibdib dahil nag hahalo ang kaba at ang excitement.

"excited ka na ba?" tanong sa kaniya ng asawa. Tumatango lamang naman si vice habang nakasilay ang ngiti sa kaniyang labi.

"nakaka excite na kinakabahan ako love. First time para sakin ito, napaka strange ng ganitong pakiramdam sakin." pagpapaliwanag ni vice kay karylle.

"pareho lang naman tayong first time sa ganito love, and ako rin kinakabahan. But as long na kasama kita, mas nagkakaroon ako ng lakas ng loob."

"Kaya natin to love." pagpapalakas loob ni vice sa asawa bago ito ngitian.

Buong byahe, tahimik lamang silang dalawa. Marahil iniisip nila kung ano ba dapat gawin kapag nalaman na nila ang resulta ng check up ni Karylle.

Pagdating nila sa isang private hospital, inassist na sila ng isang nurse bago ituro ang clinic ng ob gynecologist. Agad naman silang sumunod, hinawakan pa ni vice ang kamay ni karylle.

"bakit parang ikaw ang kinakabahan love?" natatawang saad ni karylle sa asawa. Ngumiti naman si vice bago bahagyang natawa.

"Bare with me, love. First time ko sa ganito."

Pumasok na silang tuluyan at inassist na sila ng Ob-gyne. Nilagyan nya ng gel ang tyan ni karylle at nag monitor dito. Si vice naman ay naka upo lamang sa couch habang tinitignan ang asawa.

Napapansin naman ni vice na napapakunot noo ang ob-gyne na tumitingin kay karylle. While karylle naka ngiti pa rin at naka tingin sa monitor. Hindi pa rin kasi nag sasalita ang ob-gyne na kasama nila.

Pina ayos na ng upo si karylle matapos itong ma ultrasound.

"Doc," pag tawag ni vice bago tabihan si karylle sa upuan.

"uhm vice and karylle. I don't want to ruin your happiness but the truth is she's not pregnant." saad ng ob gyne sa kanila. Nagkatinginan naman ang mag asawa, nabanaag din ni vice yung pag rehistro ng lungkot sa mata ni karylle.

"it is called false positive pregnancy. The fertilized egg is unable to implant and grow."

Hinawakan ni vice ang kamay ni karylle at parang nanlalamig ito.

Binigyan naman ng medications si karylle na makakatulong upang mag release ng mature eggs, ito yung mga medications para sa kaniyang fertility.

Hindi na rin makausap ng maayos si karylle at tanging tango at iling na lang ang pag response nito sa kaniya. Kaya pagkalabas nila ng hospital agad na sumakay ito sa sasakyan at naka tanaw lamang sa labas.

"love," pag tawag ni vice dito bago palingunin si karylle sa side niya.

"vicey, sorry." saad niya sa asawa. Pakiramdam niya nag fail sya agad bilang asawa nito. Pareho pa naman silang excited bago pumunta ng hospital.

"kurba okay lang ako. Baka hindi pa ito yung time natin mag baby diba? tska nag try pa lang naman tayo na magpa check up love. Hindi naman kita sinisisi kung wala pa." hinila niya palapit sa kaniya si karylle at niyakap ito bago halikan sa buhok.

Ramdam nya na malungkot talaga ang asawa.

"akala ko aalis kang masaya bukas para sa concert mo, pero ganito pa nangyari" karylle.

"Shhh, I am very much okay love. Baka sa susunod may baby na tayo diba. Hindi naman kita pinepressure mahal."

Tinitigan ni karylle ang asawa bago ito halikan sa chin at sa labi.

"Sana ito na yung last na bigo tayong pareho, love. Ayokong masira ko yung kasiyahan mo eh. Gusto ko palagi kang makitang masaya araw araw."

"Masaya ako kapag kasama kita, at mas masaya ako kapag pati ikaw nakikita kong masaya kurba. Ito oh, may medications ka na love. Baka pag bumalik na tayo dito may kambal na tayo!" with those words, karylle showed her beautiful smile. Binigyan nya ng smack si vice bago umayos ng upo at hinintay ang asawa na mag drive pauwi sa bahay nila.

















A/N:
Sorry natagalan. Marami kasi kami palagi activities na ginagawa.

The Vows || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon