VICE
Alas otso na ng gabi at napatulog ko na ang anak namin. Nandito ako ngayon sa room ni Serenity at pinag mamasdan ko sya, checking if she's okay. Wala naman na syang lagnat kaya mahimbing na rin ang kanyang pag tulog.
Lumabas na ako ng kwarto niya at tumungo ako sa living area. Wala pa rin si Karylle. Wala pa rin yung asawa ko. I checked my phone and tinawagan ko sya pero hindi niya sinasagot.
I have a doubt na baka hanggang ngayon mag kasama pa rin sila dahil doon sa nareceived kong picture na mukhang na wrong sent pa sya.
Hindi ko maiwasan di mag overthink. Kung saan sila magkasama, ano ginagawa nilang dalawa. Napa buntong hininga na lang ako.
Hindi ko namalayan ang oras, nakatulog na rin pala ako sa living area. Nagising na lang ako dahil sa kaluskos sa main door. Pag tingin ko nandoon si Karylle, halatang naka inom. Magulo ang buhok at parang halos hindi makatayo ng maayos.
"love," lumapit ako sa kanya at inalalayan ko. Tumitig sya sa akin at ngumiti.
"vicey," yumakap sya sa akin at hinalikan ako sa leeg.
"I love you so much, love" nakatitig pa sya habang sinasabi nya yon sakin.
Tinitigan ko sya sa mata at bahagya akong ngumiti, hindi ko na rin naman alam kung tama pa ba na kiligin ako sa sinasabi niya gayong may pa i love you pa sya kay yael.
"I love you, wife. Always." I meant it, Karylle. Mahal kita palagi. Hindi ko pa rin matiis ang sarili ko na hindi ko tugunin ang mga i love you niya.
"magpalit ka na ng damit tapos ligo bago ka matulog." binuhat ko na sya papunta sa kwarto namin. Hanggang sa nahawi niya yung buhok niya at may nakita akong hickey sa leeg nya.
Putang ina.
Tinitigan ko si karylle, naka pikit sya ngayon at nakayakap sa akin. Binaba ko sya sa may tapat ng shower at hinubaran ko ng damit bago ko buksan yung shower nang malakas.
Nawala yata yung lasing nya sa lamig ng tubig.
"Vice!"
Plain akong tumingin sa kanya na parang nag tatanong na bakit.
"Ang lamig." Karylle. Aabutin niya sana yung kamay ko pero lumayo ako ng konti.
"Nakatapos na akong maligo kanina, bilisan mo na dyan tapos matulog ka na. Pupuntahan ko pa si serenity." lumabas na ako ng banyo ng hindi siya nililingon.
Nag diretso ako sa dining para mag luto ng soup. Nag prepare rin ako ng sandwiches tska ng juice. Maya maya nakaramdam ako na may yumakap mula sa likuran ko.
" For me ba yang food? " tanong nya sa akin habang sinisilip ako.
"Yes. Dadalhin ko sana sa room pero nandito ka na. Kain ka." kinalas ko na yung pagkakayakap nya sa akin at umupo ako sa may katapat niya imbis na tabihan ko sya.
Tumingin sya sa akin na parang nag tataka.
"Hindi mo ko tatabihan?"
"Hindi. Ako ba tinabihan at sinabayan mong kumain araw araw mag mula noong mamatay si summer?" I asked her back. Napatigil sya sa sinabi ko kaya napa yuko sya.
"Bakit may hickey ka sa leeg?" tanong ko dahil hindi na ako nakapag pigil.
Napa tingin sya sa akin kasabay ng pag hawak nya sa leeg nya. Kita ko kung paano sya mamutla at parang nag papanic.
"Vice—"
"Si Yael may gawa?" tanong ko ulit sa kanya.
"Sumagot ka, Karylle."
BINABASA MO ANG
The Vows || ViceRylle
FanfictionThis story is about how they will deal the circumstances and hardships on their marriage.