HER DECISION

81 7 1
                                    

KARYLLE

"love, uuwi ka na? Sabay na tayo." sabi ko kay vice habang inaayos ko yung mga gamit ko. Tinignan ko sya, nanatili syang nag aayos at di man lang ako tinapunan ng tingin.

"love," pag tawag ko ulit para makuha ko ang atensyon nya. Tumingin lang sya sakin kaya naman nilapitan ko sya at hinawakan ko sa kamay pero agad syang bumitaw.

"may pupuntahan pa ako, K. Kung gusto mo mauna ka na umuwi, kasama ko naman si Serenity. Pinansundo ko na sya kay Camille." pumunta sya ng banyo. Matapos ang ilang minuto bumalik na sya at nakapag palit na sya ng damit.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Birthday ni ate Tina." Simpleng sagot nya at tumango na lang ako. Kung hindi ko pa pala tinanong, hindi nya sasabihin sa akin.

Simula noong nangyari ang gabi na yon, naging mailap sya sa akin. Hindi ko rin naman sya masisi. Kasalanan ko naman talaga. Ngayon heto ako, nangungulila sa kanya.

"Hintayin ko na lang kayo ni Serenity sa bahay." tipid akong ngumiti at bumalik sa may tapat ng vanity mirror.

I saw him sighed.

"Change your clothes, sumama ka na samin ni Serenity."

Napatingin ako sa kanya na para bang nagtataka ako.

"Asawa kita. Mag tataka sina nanay kung hindi ka kasama."Vice. Bitbit ang kanyang bag, lumabas na sya ng dressing room.

Magkahiwalay kaming sasakyan na ginamit habang patungo kami sa bahay nila nanay. Maraming mga bisita.

Nakita ko si vice na karga si serenity kaya agad akong lumapit. Nakipag beso rin ako kina nanay at sa mga kapatid nya. Binati ko rin si ate Tina ng happy birthday.

"Anak, kumain ka na ba? Tara sa kusina, marami akong niluto na pagkain." sabi sakin ni nanay rosario habang hawak ang kamay ko.

Tumingin ako kay vice, pero simpleng tingin lang ang binigay nya sakin.

Nagpatianod na ako kay nanay at sumama sa kusina para kumuha ng pagkain.

" Kumusta naman kayo ni tutoy? " tanong sakin ni nanay habang nagsisimula na akong kumain ng niluto niyang maha.

Napatigil ako saglit at ngumiti.

"Okay nanan po nanay." maingat kong sagot.

"Mabuti naman anak. Noong nakaraan lang eh, nandito siya parang may pinoproblema ayaw naman magsabi sakin kung ano. Sana palagi kayong masaya ni tutoy." Nanay.

Gusto ko maiyak sa mga oras na to. Kahit sa pamilya nya, pinagtatakpan nya ako.

Maya maya pa habang nag uusap kami ni nanay, dumating si vice na karga si serenity at umiiyak.

" anong nangyari?" tanong ko sa kanya bago ko kuhanin ang anak namin sa kanya.

"nadapa lang sa labas K— love. Nakipag habulan sa mga bata." hindi naman sya nakatingin sa akin habang nag sasalita, ang focus nya nasa sugat ni Serenity.

"nako tutoy, di mo binantayan maayos yang apo ko." Nanay. Kinuha nya si serenity at kinarga nya.

Nagkatinginan kami ni vice, pero ako ang unang nag iwas ng tingin.

"Kumain ka na?" tanong nya sa akin. Tumango ako. Ngayon na lang nya ako ulit tinanong dahil kaharap si nanay.

"Ikaw kakain ka na ba? Want me to prepare food for you?" tanong ko pa pero iling lang ang sinagot nya.

"Mamaya na lang ako kakain." Vice.

Lumalim pa ang gabi, nanatili kami dito. Si vice nag iinom kasama yung ibang friends nya. Tinititigan ko lang sya, naiilang ako na lapitan sya.

The Vows || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon