VICE
Tumingin ako kay karylle bago ko sya bigyan ng water. Pagod na pagod na naman ang kulot ko.
"Kurba, inom ka muna ng water." sabi ko sa kaniya. Pagka abot ko, nag back hug na ako.
"Vice! Mamaya na ang lambingan" Direk Cathy. Pareho kaming natawa ni karylle sa kaniya, may tono kasi ng pagka bitter. Nakakaloka ka direk ha! May asawa naman na sana!
"Direk, uwi na tayo. Alam ko naman na kung bakit ka ganyan kasi namimiss mo na asawa mo. Nako direk, tara na. Bawal ma miss ang asawa!" tinawanan ako ng staffs pati ni direk cathy.
Tinignan ko ang babaeng yakap ko. Nakakawala talaga ng pagod kapag nakikita ko yung ngiti niya. Tumingin sya sa akin, bago haplusin yung buhok ko. Hehe hair extension pala.
" Pagod na vicey?"tanong nya sa akin. Tumango ako bago ako sumiksik kaniya muli. Mas lalo akong naiinlove sayo kapag nag aalala ka sa akin.
"Kaunti na lang oh, makakauwi na tayo."Karylle. Nilingon ko sya bago ako ngumiti.
Ngumuso ako asking for a kiss pero napa kunot noo lang sya tapos tinawanan ako.
"tapos na ang shooting, abuso ka ah!" Biro nya sa akin sabay hampas ng mahina habang naka tawa.
Napa pout ako pero niyakap nya ako ulit. Tapos bumulong sya sa akin.
"wag ka mag pout. Later, vicey. On your house."
Napatingin tuloy ako sa kaniya pero nginitian nya lang ako. Tuluyan syang sumandal sa akin bago nakinig na kami kay direk.
May kaunting picturan, pasalamatan at biruan. Tapos na kami mag shooting, at mag la-launch na lang kami ng movie namin at premier na lang ang kulang. Pagkayari nun, showing na!!
Sabay kaming umuwi ni karylle since sinundo ko sya sa bahay nila kahapon. Sa byahe, chill lang kaming dalawa. Nakikinig ng music habang nag kukwentuhan kami o kaya sasabay kaming kumanta.
Hindi ko ramdam ang pagod kapag kasama ko sya."I'm glad na nagkaroon tayo ng movie, vicey. Ang tagal kasi natin itong hinintay, right?"Karylle.
Oo, after ilang taon napag bigyan kami ng management na magkaroon ng movie, at drama pa. Si direk cathy pa yon oh! Isa sa mga magagaling na direktor.
"sobrang tagal pero worth it naman. And I'm sure, magugustuhan to ng mga anak natin." tumingin ako sa kaniya at naka ngiti din pala sya sa akin.
"mga anak?" tanong nya.
"yung vicerylle babies, diba? Ang tagal na nilang hiniling yong movie na yun. Tapos sa movie na ito, malalaman nilang mag asawa tayo. Baka may himatayin sa kanila karylle!" sabi ko na pareho naming ikinatawa.
"Oo nga no? Lagi silang naka support sa atin. Imagine on premier night sila ang mga kasama natin. Oh my gosh vicey! I can't wait na talaga!" Karylle.
"I can't wait too, my love." sagot ko.
Nakita ko yung ngiti niya. Ang sarap pag masdan.
Pagkauwi namin sa bahay ko, agad siyang tumungo sa kwarto ko. Nag diretso naman ako sa dining para kumuha sa ref ng ice cream. Favorite nya ito lalo na kapag galing work at pagod sya.
Pagka pasok ko sa kwarto, nilocked ko na yung pinto. Nakita ko naman syang naka dapa sa bed at nanunuod ng tv.
"upo ka kurba, kain tayong ice cream." umupo ako sa tabi niya. Inalalayan ko din syang umupo tapos binigyan ko ng ice cream.
"Thank you vicey. Oo nga pala, may damit pa naman ako dito diba?" sinubuan nya din ako ng ice cream.
"Yes, at magpalit ka na mamaya para maka kain na tayo agad and then tulog na." explain ko naman. Tumingin sya sa akin ng naka ngisi.
BINABASA MO ANG
The Vows || ViceRylle
FanfictionThis story is about how they will deal the circumstances and hardships on their marriage.